29/04/2026
Natapos na ngayong araw ang payout ng Social Pension para sa mga benepisyaryo mula Distrito 1 hanggang 6 na nagsimula noong Marso 24, 2026.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)-NCR sa pakikipagtulungan sa OSCA-Manila ay magkasamang isinagawa ang mga nasabing payout sa ibaβt-ibang lugar sa lungsod.
Ang Social Pension ay binibigay sa bisa ng batas na R.A. 11916 na naglalayong bigyang tulong ang mga seniors na kapos sa buhay, may sakit, walang kumukupkop na pamilya, walang sariling kita at walang natatanggap na pension.
Itinatayang mahigit sa 27,000 senior citizen social pensioners ang nabigyan sa nasabing katatapos na payout.