23/06/2026
TIGNAN | Dumalo ang Sulong UP Manila sa ginanap na face-to-face convocations sa UP Manila College of Nursing at College of Public Health.
Isinabuhay ng Sulong UPM ang katagang tunay, palaban, at makabayan sa pagsagot ng katanungan ng sangkaestudyantehan, patunay na lamang sa pagtindig at pagsulong para sa mas mataas na badyet sa edukasyon, ang pagpapatigil at pagrerepaso ng RSA, ang pagpapataas ng tunay na representasyon ng sangkaestudyantehan, at ang pagpapanagot sa kila Marcos Jr. at Duterte.
Lubos na ikinagagalak ng Sulong UP Manila at ang lahat ng mga miyembrong organisasyon nito ang pagdaraos ng mga CEB ng face-to-face convocations upang mapataas ang partisipasyon ng Iskolar ng Bayan. Gayundin, hinahamon ng partido-alyansa na kagyat nang ipatupad ang pro-estudyanteng iskedyul ng Student Council Election sa loob ng regular na semestre at hindi na sa midyear.
Iskolar ng Bayan, lumikha ng kasaysayan! โ