Municipal Government of El Nido

Municipal Government of El Nido This is the Official page of the Municipal Government of El Nido.

πŸš— MAS MABILIS NA SERBISYO PARA SA EL NIDO!Ngayong araw, Lunes, September 14, 2026, opisyal na isinagawa ang Groundbreaki...
14/09/2026

πŸš— MAS MABILIS NA SERBISYO PARA SA EL NIDO!

Ngayong araw, Lunes, September 14, 2026, opisyal na isinagawa ang Groundbreaking Ceremony at MOA Signing para sa pagtatayo ng bagong Land Transportation Office (LTO) Extension Office sa Barangay Villa Libertad, El Nido, Palawan.

Ang makasaysayang kaganapang ito ay pinalakas sa pagdalo ng ating mga katuwang sa serbisyo:
PBGEN Ronnie S. Montejo (Ret.), Ph.D. – Regional Director, LTO Regional Office - MIMAROPA, kasama ang kanyang delegasyon
Ms. Karen Gail P. Baculo – LTO Provincial Chief
Ms. Geneva M. Quidado – LTO Roxas Chief
Mr. Richard M. Gamera, Ms. Rosell C. Gamera, at ang MMOcean Emission Testing Center

Ang aktibidad na ito ay matagumpay na pinangunahan nina SB Raymundo Gabarra at Admin Christine Nicole Lim-Gabarra Office.
Isang taos-pusong pasasalamat din ang ating ipinaaabot kay Hon. Mayor Edna Gacot Lim sa kanyang generosity sa pagpapahintulot na gamitin ang kanyang lupain para tayuan ng pampublikong pasilidad na ito.
Ang itatayong LTO Extension Office ay magsisilbing One-Stop Shop para sa ating mga kababayan, kung saan magiging available ang mga sumusunod na serbisyo:
βœ… LTO Services (Driver's Licenses, Motor Vehicle Registration)
βœ… Emission Testing
βœ… Insurance Services
βœ… Medical Examination
βœ… Notarial Services
βœ… Driving School

Patuloy ang LGU El Nido sa pagpapadali at paglalapit ng mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa ating mamamayan!

🀝 EMPOWERING OUR SOLO PARENTS IN EL NIDOIsang makabuluhang linggo para sa ating bayan! Noong nakaraang Linggo, September...
14/09/2026

🀝 EMPOWERING OUR SOLO PARENTS IN EL NIDO

Isang makabuluhang linggo para sa ating bayan! Noong nakaraang Linggo, September 13, 2026, matagumpay na naisagawa ang Awarding Ceremony ng Livelihood Assistance para sa mga solo parent beneficiaries ng Community-Based Gender and Development-Livelihood Enhancement Program (CBGAD-LEP) dito sa El Nido.

Taos-pusong pasasalamat ang ating ipinaaabot sa Provincial Government of Palawan sa pangunguna ni Gov. Amy Roa Alvarez, pati na rin sa Livelihood Project Management Unit (LPMU) at Provincial Gender and Development Office (PGADO). Ang inyong patuloy na suporta ay malaking tulong sa pagtataguyod ng pangkabuhayan at kapakanan ng ating mga solo parents.

Gayundin, lubos ang ating pagkilala at pasasalamat sa GAD Office ng LGU El Nido at sa lahat ng nakiisa sa pagbibigay ng kinakailangang suporta at logistical assistance upang maging maayos at matagumpay ang aktibidad na ito.

Asahan ninyo na ang LGU El Nido ay patuloy na makikipagtulungan para sa mga programang naglalayong magbigay ng pag-asa, oportunidad, at mas magandang kinabukasan para sa ating mga pamilya! πŸ’–βœ¨

🌱 PLANTING SEEDS FOR A GREENER FUTUREIn line with the celebration of Civil Service Month, nakiisa ang buong pamilya ng L...
14/09/2026

🌱 PLANTING SEEDS FOR A GREENER FUTURE

In line with the celebration of Civil Service Month, nakiisa ang buong pamilya ng Local Government Unit of El Nido sa ginanap na Tree-Planting Activity noong nakaraang Sabado, September 12, sa El Nido Sanitary Landfill, Sitio Pasto, Barangay Villa Libertad.
Sa pangunguna ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at sa pakikipagtulungan ng ating Human Resource Management Office (HRMO), nagsama-sama ang mga opisyal at empleyado mula sa iba't ibang departamento para sa inisyatibong ito.
Layunin ng aktibidad na ito na patatagin ang ating pagsasama bilang mga kawani ng pamahalaan habang isinusulong ang pangangalaga sa ating kalikasan. Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nagpakita ng dedikasyon sa paglilingkod sa ating komunidad at kapaligiran! πŸ’š

Matagumpay na naisagawa ng mga kinatawan ng Municipal Government of El Nido ang layunin nitong makipag-ugnayan at magtat...
13/09/2026

Matagumpay na naisagawa ng mga kinatawan ng Municipal Government of El Nido ang layunin nitong makipag-ugnayan at magtatag ng maayos at direktang komunikasyon sa mga kinauukulang ahensya at tanggapan sa Coron, Palawan na maaaring makatulong sa mga pamilya ng mga biktima at apektado ng trahedya ng MV June Aster.

Sa pamamagitan ng koordinasyong ito, layunin ng Pamahalaang Bayan na mas mapabilis ang pagkuha at pagbabahagi ng mahahalagang impormasyon, matukoy ang mga kinakailangang tulong, at masiguro na ang mga pamilyang naghihintay ng balita ay hindi maiiwan sa proseso.

Kasabay nito, tumulong din ang Incident Management Team (IMT) ng Bayan ng El Nido sa Municipl Government of Coron - Incident Management Team (IMT) sa pangunguna ni MDRRMO Raymond B. Osorio sa pagtatatag ng isang mas maayos at sistematikong proseso sa pag-aayos at pamamahala ng mga kinakailangang datos at impormasyon. Mahalaga ito upang mapadali ang verification at identification process, kabilang ang pagtutugma ng mga available na impormasyon hinggil sa mga labi ng mga biktima.

Sa gitna ng isang napakasakit na trahedya, patuloy na kumikilos ang Municipal Government of El Nido upang makapagbigay ng konkretong tulong, malinaw na impormasyon, at maayos na koordinasyon para sa ating mga kababayan.

Hindi man natin kayang burahin ang sakit ng pagkawala, sisikapin nating gawin ang lahat ng nararapat upang mahanap ang mga sagot na matagal nang hinihintay ng bawat pamilya.

Tulong na Hatid, Serbisyong May Puso. Matagumpay na naihatid ng Municipal Government of El Nido ang donasyon para sa Cor...
12/09/2026

Tulong na Hatid, Serbisyong May Puso.

Matagumpay na naihatid ng Municipal Government of El Nido ang donasyon para sa Coron District Hospital, bilang pakikiisa at suporta sa mga kababayan nating naapektuhan ng trahedya ng MV June Aster.

Kabilang sa mga ipinagkaloob ang mga gamot at iba pang medical supplies na makatutulong sa patuloy na pangangalaga at paggagamot sa mga survivors at iba pang nangangailangan ng medical assistance.

Sa panahon ng pagsubok, hindi lamang tulong ang ating ipinapadala - kundi pagdamay, malasakit, at pag-asang hindi nag-iisa ang ating mga kababayan.

El Nido stands with Coron.
Sa bawat paraan na kaya natin, patuloy tayong tutulong.

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan at nakikipag-usap tayo sa MSWDO ng Coron at sa Atienza Shipping Lines upang malinawan kun...
12/09/2026

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan at nakikipag-usap tayo sa MSWDO ng Coron at sa Atienza Shipping Lines upang malinawan kung anu-ano ang mga maaaring maitulong at maibigay na suporta sa mga pamilyang apektado ng trahedyang kinasangkutan ng MV June Aster, lalo na sa ating mga kababayang El Nido na patuloy na naghihintay ng balita at kasagutan.

Patuloy nating aalamin ang lahat ng maaaring maging tulong upang maihatid ito sa ating mga kababayan at kanilang mga pamilya. Sa gitna ng trahedyang ito, hindi natin sila pababayaan.

Para sa bawat pamilyang naghihintay, patuloy tayong kikilos at makikipag-ugnayan. πŸ’œ

Dumadagundong na naman ang court at ang mga chessboard sa tindi ng labanan ngayong September 11, 2026 para sa ating CSC ...
11/09/2026

Dumadagundong na naman ang court at ang mga chessboard sa tindi ng labanan ngayong September 11, 2026 para sa ating CSC Celebration!

Pagbati sa ating mga Game MVPs at Best Players sa ating Ball Games:

Basketball Women (Game 1): Team Orange vs. Team Purple β€” Best Player: Reymalyn Ramirez
Basketball Men (Game 2): Team Maroon vs. Team Purple β€” Best Player: Joey Quimay
Basketball Men (Game 3): Honeybee (Del Sur) vs. Team Black β€” Best Player: PCPT JOHN ERIC ARETA
Volleyball Women (Game 4): Team Maroon vs. Team Purple β€” Best Player: Buena Garcia
Volleyball Men (Game 5): Team Brown vs. Team Orange β€” Best Player: Joshua Garcia

Salu-saludo rin sa ating mga nagwagi at nagpakita ng galing sa utak sa Inter-Agency Board Games:

Scrabble (Women's Division)
πŸ† Champion: Blue Tandikan
πŸ₯‡ 1st Place: Gray Wolves
πŸ₯ˆ 2nd Place: Green Team

Scrabble (Men's Division)
πŸ† Champion: Gray Wolves
πŸ₯‡ 1st Place: White Dove (Del Norte)
πŸ₯ˆ 2nd Place: Green Team

Chess (Men's Division)
πŸ† Champion: Tandikan
πŸ₯‡ 1st Place: Green Team
πŸ₯ˆ 2nd Place: White Dove (Del Norte)
πŸ₯‰ 3rd Place: Gray Wolves

Chess (Women's Division)
πŸ† Champion: White Dove (Del Norte)
πŸ₯‡ 1st Place: Gray Wolves
πŸ₯ˆ 2nd Place: Tandikan

πŸ“’ PAALALA (September 12, 2026):
Magsama-sama tayo sa ating Tree Planting Activity bukas ng umaga sa El Nido Sanitary Landfill, Sitio Pasto, Brgy. Villa Libertad para sa ating kalikasan! 🌱
At magpatuloy pa rin ang ating mga exciting na paglalaban sa Ball Games bukas! Kitakits at dalhin ang inyong pampalakas-loob na cheer, pamilya at kaibigan! πŸ™Œβœ¨

Ngayong araw, tutungo sa Coron, Palawan sina MDRRMO Raymond B. Osorio, MSWDO Representative Eymard Fulgencio, at ng MGAD...
11/09/2026

Ngayong araw, tutungo sa Coron, Palawan sina MDRRMO Raymond B. Osorio, MSWDO Representative Eymard Fulgencio, at ng MGAD Jan Gibb Relata, bilang kinatawan ng Municipal Government of El Nido, upang makipag-ugnayan sa Municipal Government of Coron at sa mga kaukulang ahensya hinggil sa trahedyang kinasangkutan ng MV June Aster.

Layunin ng pagpunta ng ating mga kinatawan na makakuha at makapag-validate ng mga kaukulang impormasyon, partikular na ang kalagayan, pangangailangan, at iba pang kinakailangang suporta para sa ating mga kababayan at kanilang mga pamilya na naapektuhan ng insidente.

Bilang bahagi ng agarang pagtugon, magdadala rin ang Municipal Government of El Nido ng karagdagang mga gamot sa Coron District Hospital upang makatulong sa pangangailangan ng mga survivor na kasalukuyang nagpapagaling at ginagamot.

Kasabay nito, patuloy na makikipag-ugnayan ang El Nido LGU sa mga kinauukulang tanggapan upang matiyak na ang mga apektadong pamilya ay maayos na matutulungan at makatatanggap ng mga kaukulang serbisyo, suporta, at tulong mula sa pamahalaan at mga nararapat na ahensya.

Sa panahon ng pagsubok, patuloy na nakikiisa, nakikipag-ugnayan, at kumikilos ang El Nido LGU para sa ating mga kababayan.

Para sa ating mga kababayan. Para sa bawat pamilyang nangangailangan ng tulong.

PART II: Walang papigil sa saya at labanan sa court ngayong araw! Big salute at congratulations sa ating Best Players na...
10/09/2026

PART II: Walang papigil sa saya at labanan sa court ngayong araw! Big salute at congratulations sa ating Best Players na nagpakita ng tindi at galing sa ating CSC BallGames:
Volleyball Women (Game 1): Team Maroon vs. Team Brown β€” Best Player: Babylyn Gabuat
Volleyball Women - Inter-Agency (Game 2): Tandikan vs. Team Green β€” Best Player: Maria Ivy Basca
Volleyball Women (Game 3): Team Orange vs. Team Purple β€” Best Player: Buena Garcia
Basketball Men (Game 4): Team Maroon vs. Team Brown β€” Best Player: Vice Mayor Joel Rosento
Volleyball Men (Game 5): Black Team vs. Gray Wolves β€” Best Player: Joshua Marcelo
Tuloy-tuloy pa rin ang tagisan ng galing! Kitakits ulit tayo bukas para sa panibagong Ball Games pati na rin ang palakasan sa utak sa Board Games (Inter-Agency)! β™ŸοΈπŸ€πŸ
Abangan din ang ating susunod na makabuluhang aktibidad:
🌱 Tree Planting Activity
πŸ“… Kailan: September 12, 2026
πŸ“ Saan: El Nido Sanitary Landfill, Sitio Pasto, Brgy. Villa Libertad
Sama-sama tayong mag-cheer bukas at magtanim ng kinabukasan sa Sabado! See you there, everyone! πŸ™Œβœ¨

PART III: Init sa court at walang bitaw ang laban sa CSC BallGames ngayong araw! Saludo sa ating mga Best Players na nag...
08/09/2026

PART III: Init sa court at walang bitaw ang laban sa CSC BallGames ngayong araw! Saludo sa ating mga Best Players na nagpakita ng galing at puso sa paglalaro.
Volleyball Women (Game 1): Team Orange vs. Team Maroon β€” Best Player: Jocelyn Enor
Volleyball Women (Game 2): Team Black vs. Gray Wolves (Inter-Agency) β€” Best Player: Ana Rose Quimat
Basketball Men (Game 3): Tandikan vs. Team Green (Inter-Agency) β€” Best Player: Jay Collins Neil
Basketball Men (Game 4): Team Maroon vs. Team Brown β€” Best Player: John Paul Dedario
Basketball Men (Game 5): Team Orange vs. Team Purple β€” Best Player: Joey Quimay
Tuloy-tuloy lang ang saya at excitement! Kitakits ulit tayo bukas para sa panibagong araw ng palakasan. Ihanda na ulit ang inyong mga cheer at suportahan ang inyong mga manok! Sinong team ang pambato niyo bukas?

Address

El Nido

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Government of El Nido posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Government of El Nido:

Share