Mengal Women Center

Mengal Women Center A haven of protection and opportunities for women and children.

Happy Birthday, ma’am Jess Dy! 💙Thank you for inspiring and empowering so many women through Mengal Women. Praying for y...
26/03/2026

Happy Birthday, ma’am Jess Dy! 💙

Thank you for inspiring and empowering so many women through Mengal Women. Praying for your continued strength and guidance as you remain God’s instrument of hope and in uplifting women and communities. 🎉

Sa bawat tahanan at komunidad, ang kababaihan ang nagsisilbing ilaw ng lakas, malasakit, at pag-asa. 💜Ngayong Internatio...
08/03/2026

Sa bawat tahanan at komunidad, ang kababaihan ang nagsisilbing ilaw ng lakas, malasakit, at pag-asa. 💜

Ngayong International Women’s Day, kinikilala ng Mengal Women Organization ang patuloy na ambag ng mga kababaihan sa pag-aalaga ng pamilya, paglilingkod sa komunidad, at paghubog ng mas magandang kinabukasan.

Para sa bawat Mengal woman—ang inyong lakas ang aming inspirasyon. ✨

Ngayong Women’s Month, ipinapaalala ng Mengal Women Organization na ang paggalang sa kababaihan ay nagsisimula sa bawat ...
05/03/2026

Ngayong Women’s Month, ipinapaalala ng Mengal Women Organization na ang paggalang sa kababaihan ay nagsisimula sa bawat tahanan, trabaho, at komunidad.

Kapag ang kababaihan ay sinusuportahan at pinapahalagahan, mas nagiging matatag at maunlad ang ating komunidad. 💜

Nakikiisa ang Mengal Women Organization sa pagdiriwang ng National Women’s Month 2026!Sa temang “WE for Gender Equality ...
01/03/2026

Nakikiisa ang Mengal Women Organization sa pagdiriwang ng National Women’s Month 2026!

Sa temang “WE for Gender Equality and Inclusive Society” at panawagang “Lead like the Babaylans, Filipinas!”, patuloy nating kinikilala ang lakas, kakayahan, at mahalagang papel ng kababaihan sa paghubog ng mas inklusibo at maunlad na lipunan.

Ngayong Buwan ng Kababaihan, sama-sama nating ipagpatuloy ang pagkilos tungo sa tunay na gender equality at inclusive society para sa lahat.

Mabuhay ang kababaihang Pilipina! 💜


Maraming salamat sa National Irrigation Administration - Ramon! 🫰🏻Nagdonate ng cash ang NIA Employees Association for So...
23/01/2026

Maraming salamat sa National Irrigation Administration - Ramon! 🫰🏻

Nagdonate ng cash ang NIA Employees Association for Solidarity and Progress – Dam and Reservoir Division (NIAEASP-DRD) samantalang nagbigay naman ang NIA - MARIIS DRD ng diapers, formula milk, pagkain, gamot, toiletries, personal hygiene products, at damit!

Bago pa man ang kanilang kabutihang-loob na ito, bumisita na rin sila noong December bilang bahagi ng kanilang 18-Day Campaign to End Violence Against Women, na naglalayong itaguyod ang karapatan at proteksyon ng kababaihan. 🙏✨

Kung nais niyong tumulong at mag-donate, maaari kayong bumisita sa:
📍 Mengal Women Center - Municipal Compound, San Fabian, Echague
o mag-donate online sa
🌐 mengalwomen.org.


Patuloy ang pagkilos, pagtulong, at pag-asa ngayong 18-Day Campaign to End Violence Against Women. ✋🧡Dumalaw sa Mengal W...
02/12/2025

Patuloy ang pagkilos, pagtulong, at pag-asa ngayong 18-Day Campaign to End Violence Against Women. ✋🧡

Dumalaw sa Mengal Women Center ang mga kababaihang empleyado ng NIA MARIIS Dam and Reservoir Division, bilang bahagi ng kanilang division-wide initiative sa pamumuno ni Engr. Carlo C. Ablan, Division Manager A upang makiisa sa kampanya laban sa karahasan. Bukod sa pagbisita at paglibot sa pasilidad, nagsagawa rin sila ng isang munting outreach program kung saan naghandog sila ng pagkain at nagbigay ng mahahalagang gamit para sa ating mga kasalukuyang residenteng victim-survivors.

Taos-puso nagpapasalamat ang Mengal Women Center sa kanilang oras, malasakit, at patuloy na suporta. Ang bawat hakbang ninyong ibinibigay ay nagiging dagdag na lakas para sa mga kababaihan at batang unti-unting bumabangon mula sa karahasan.

Kung nais ninyong magbahagi ngayong season of giving, bukas ang aming pinto para sa personal na donasyon sa center. Maaari rin ninyong bisitahin ang aming website: mengalwomen.org ✨

TIGNAN: Dumalo ang Mengal Women Organization sa United Voices: ISU’s Call to Action for Safe Spaces, Brave Voices, and Z...
02/12/2025

TIGNAN: Dumalo ang Mengal Women Organization sa United Voices: ISU’s Call to Action for Safe Spaces, Brave Voices, and Zero Violence symposium ng Isabela State University bilang pakikiisa sa pag-obserba ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women, kasama ang iba’t ibang ahensya na nagkakaisa para wakasan ang karahasan sa lahat ng anyo nito. ✋🧡

Ibinahagi ni Xynah Gaoiran, Social Worker ng Mengal Women Center, ang mahalagang misyon at kasalukuyang programa ng sentro sa pagbibigay-proteksyon at kanlungan sa mga kababaihan at batang nakararanas ng pang-aabuso—patunay ng patuloy na paglilingkod at pag-asa na hatid ng MWC sa mga nangangailangan. 💙

Sa okasyong ito, pormal ding nilagdaan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Mengal Women Organization, pinangunahan nina MW President Febe Lansangan at MWC Executive Director Ricalyn Gaffud, at ng Isabela State University sa pangunguna ni University President Dr. Boyet Batang.

Ang kasunduang ito ay nagtatatag ng mas matatag na pagtutulungan mula sa gender advocacy, psychosocial support, hanggang sa cultural preservation at holistic programs para higit pang mapalakas ang proteksyon, pag-angat, at boses ng kababaihan at kabataan sa ating rehiyon.

Sa pakikiisa ng Mengal Women Center sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women, muli nating pinagtitibay na walang...
02/12/2025

Sa pakikiisa ng Mengal Women Center sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women, muli nating pinagtitibay na walang puwang ang anumang anyo ng pang-aabuso sa ating komunidad.

Patuloy kaming naninindigan para sa dignidad, karapatan, at kaligtasan ng bawat babae sa tahanan, sa trabaho, at sa bawat espasyo na kanilang ginagalawan. Sama-sama tayong lumikha ng isang lipunang mas ligtas, mas patas, at mas may pagmamahal.

End VAW. Support Women. Empower Communities. 🧡✊🏻

Bilang tahanan ng mga programang nagsusulong ng karapatan at kapakanan ng kababaihan, buong puso ang pakikiisa ng Mengal...
25/11/2025

Bilang tahanan ng mga programang nagsusulong ng karapatan at kapakanan ng kababaihan, buong puso ang pakikiisa ng Mengal Women Center sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women. Ito ang panahon upang mas palakasin ang boses para sa mga kababaihang patuloy na lumalaban at nangangailangan ng suporta.

Sa pamamagitan ng edukasyon, community engagement, at mga programang nakatuon sa empowerment, nananatili kaming committed na maging bahagi ng solusyon. Sama-sama nating likhain ang isang lipunang walang takot, walang pang-aabuso, at puno ng respeto.

04/11/2025

📣 Calling all Mengal Women interested in dressmaking! 🧵✂️

Magkakaroon tayo ng Dressmaking Training sa Mengal Women Sewing Training Facility sa November 24–28 mula 8:00AM-5:00PM.

🪡 Limited slots lang ito kaya kung interesado ka, magpunta na sa MW Center para magparehistro.

‼️Paalala: ito po ay MW-initiated livelihood training at hindi sa TESDA kaya wala po itong allowance at sagot ninyo ang meals niyo habang nagtetraining.

Dumalo ang Mengal Women Center sa “Strengthening SWDA Foundations: Cultivating Core Competencies for Enhanced Service De...
25/10/2025

Dumalo ang Mengal Women Center sa “Strengthening SWDA Foundations: Cultivating Core Competencies for Enhanced Service Delivery” training na ginanap noong October 20–24, 2025 sa Madison 101 Hotel, Quezon City, na inorganisa ng DSWD - Standards Bureau.

Sa apat na araw ng pagsasanay, natutunan natin ang mga core operational areas tulad ng administration and organization, case management, safety and technology, at resource mobilization—mga kasanayang makatutulong upang higit nating mapahusay ang pamamahala ng mga kaso at mapabuti ang serbisyong ibinibigay ng ating center.

Lahat ng ito ay bahagi ng ating patuloy na layunin na maprotektahan at mapangalagaan ang mga kababaihan at kabataang biktima ng pang-aabuso, at matiyak na sila ay makatatanggap ng maayos, ligtas, at makataong pangangalaga. 🌸✨

Address

Municipal Compound, Old NIA Building, San Fabian
Echague
3309

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mengal Women Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category