Municipality of Echague

Municipality of Echague Echague is a 1st class municipality located in southern Isabela Province. Echague is one of the main corn and pineapple producers of Isabela.

The Official page of the Local Government Unit of Echague, Isabela

EMERGENCY HOTLINES
RESCUE: 0917-626-2352/0943-132-0604
PNP: 0917-681-6913
BFP: 0917-500-2585 It is bounded on the north by the towns of San Isidro, Alicia, Angadanan, and San Guillermo, on the east by Dinapigue, on the south by Quirino Province, San Agustin, and Jones, and on the west by Santiago City. It has a total land

area of 680 square kilometers and is politically subdivided into 64 barangays. Isabela State University has its main campus in this town.

02/06/2026
Binuksan na ang DSWD FO2 SWAD Satellite Office sa Bayan ng Echague sa pangunguna nina Regional Director Lucia Suyu-Alan ...
31/05/2026

Binuksan na ang DSWD FO2 SWAD Satellite Office sa Bayan ng Echague sa pangunguna nina Regional Director Lucia Suyu-Alan at Mayor Faustino “Inno” Dy V. Layunin ng bagong satellite office na ilapit ang mga serbisyo ng DSWD sa mga benepisyaryo, lalo na sa mga residente ng 6th District of Isabela at mga karatig-lugar, upang mabawasan ang oras at gastusin sa pagbiyahe sa pagkuha ng tulong at mga programa ng ahensya.

Sa mensahe ni Mayor Dy, pinagtibay niya ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan ng Echague sa mga programang panlipunan ng DSWD bilang bahagi ng sama-samang adhikain na mas mailapit ang serbisyo sa mga nangangailangan.

Taos-pusong pasasalamat kina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, kinatawan ng 6th District of Isabela, at sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa pangunguna nina Governor Rodolfo Albano III at Vice Governor Francis Faustino “Kiko” Dy sa kanilang suporta sa pagtatatag ng SWAD Satellite Office para sa lalawigan at mamamayan ng Isabela.

Sa loob ng tatlong araw, naging makabuluhang pagkakataon ang Heritage Forum 2026 na may temang “Rooted to Rise: Isabela ...
31/05/2026

Sa loob ng tatlong araw, naging makabuluhang pagkakataon ang Heritage Forum 2026 na may temang “Rooted to Rise: Isabela Indigenous Youth Cultural and Artistic Leadership Workshop” upang mas mapalalim ang kaalaman at pagpapahalaga ng mga kabataang kalahok sa kultura, identidad, at mayamang pamana ng Isabela sa pamamagitan ng mga talakayan, workshop, at cultural learning sessions.

Bilang pagtatapos ng programa, ipinamalas nila ang kanilang mga natutunan sa Culminating Activity na “Sala Ti Isabela,” kung saan tampok ang makukulay na presentasyon mula sa Yogad, Itawis, Gaddang, at Ybanag groups.

Taos-pusong pasasalamat kina Dr. John Christopher Mesana, Mr. Mark Joy De Jesus, at sa Lahing Kayumanggi Dance Troupe ng Bulacan State University sa kanilang mahalagang ambag sa tagumpay ng programang ito.

Ang Heritage Forum 2026 ay kolaborasyon ng LGU Echague sa pangunguna ni Mayor Faustino Dy V at LGU Santiago City sa pangunguna ni Mayor Alyssa Sheena Tan bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Heritage Month.


ANNOUNCEMENT 📣Due to bad weather conditions, all Mayor’s Cup 2026 games scheduled today, May 31, will be transferred to ...
30/05/2026

ANNOUNCEMENT 📣

Due to bad weather conditions, all Mayor’s Cup 2026 games scheduled today, May 31, will be transferred to the ISU Amphitheater to ensure the safety of players and spectators.

Games will officially start at 3:00 PM.

Please be guided accordingly and continue to support our participating teams. Thank you for your understanding.


29/05/2026

Maraming salamat, Mayor Francis Zamora! Looking forward to learning from San Juan City’s best practices! 🤗

Matagumpay na naisagawa ang Day 1 ng 3-day Heritage Forum: “Rooted to Rise: Isabela Indigenous Youth Cultural and Artist...
29/05/2026

Matagumpay na naisagawa ang Day 1 ng 3-day Heritage Forum: “Rooted to Rise: Isabela Indigenous Youth Cultural and Artistic Leadership Workshop,” sa pagtutulungan ng LGU Echague at LGU Santiago City, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng pagpapahalaga sa kultura, sining, at pagkakakilanlan ng mga katutubong komunidad sa Isabela.

Sa pangunguna ng keynote speaker na si Dr. John Christopher Mesana, naging makabuluhan ang unang araw ng workshop sa pamamagitan ng mga talakayan ukol sa Indigenous Youth Leadership as Cultural Stewardship, Sustainable Cultural and Arts Management, Ethics, Protocols, and Safeguarding, at Youth Cultural Action Planning Clinic na nagbigay ng mas malalim na pag-unawa sa mahalagang papel ng kabataan bilang mga tagapagtaguyod at tagapag-ingat ng ating kulturang pamana.

Sa loob ng tatlong araw, patuloy na palalalimin ng workshop ang kaalaman, kamalayan, at aktibong pakikilahok ng mga kabataang katutubo tungo sa pagpapanatili at pagpapayabong ng ating mayamang kultura at pamana.



Bilang bahagi ng adbokasiya na matiyak ang tuloy-tuloy na pag-aaral ng bawat batang Echagueño, matagumpay na isinagawa n...
28/05/2026

Bilang bahagi ng adbokasiya na matiyak ang tuloy-tuloy na pag-aaral ng bawat batang Echagueño, matagumpay na isinagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) Echague katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang Bata, Balik-Eskwela Campaign 2026.

Layon ng gawaing ito na hikayatin, gabayan, at suportahan ang mga batang kabilang sa Not Attending School (NAS) upang muling makabalik sa paaralan at maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Tinalakay rin sa programa ang Alternative Learning System (ALS) bilang isang mahalagang oportunidad para sa mga out-of-school youth at adult learners upang matapos ang kanilang basic education sa isang flexible at inclusive na paraan, anuman ang kanilang kalagayan o yugto sa buhay.

Patuloy na pinagtitibay ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na ahensya ang kahalagahan ng edukasyon bilang susi sa mas maliwanag na kinabukasan.

🏅 HONGKONG INTERNATIONAL MATH OLYMPIAD – HEAT ROUND 2026 🏅Malugod na binabati ng Pamahalaang Bayan ng Echague ang ating ...
27/05/2026

🏅 HONGKONG INTERNATIONAL MATH OLYMPIAD – HEAT ROUND 2026 🏅

Malugod na binabati ng Pamahalaang Bayan ng Echague ang ating mga batang math achievers na nagbigay karangalan sa ating bayan sa Hongkong International Math Olympiad – Heat Round 2026 noong May 17! 🎉

🌟 GOLD AWARDEES
• David Padua III
• Ezra Zamantha De Leon
• Attiya Jaasiel Aquino
• Luisa Angela Castro
• Garielle Chloe Vinarao
• Jayemi Raphael Dela Cruz
• Iverson James Bisares

🥈 SILVER AWARDEES
• Princess Xychelle Dayag
• Alex Joaquin Pascua
• Romel Angelo Dayag
• Appryll Kate Roxas
• Adhiey Santistevan
• Amarah Ivanna Tamani
• Jan Gregor Bonilla
• Ariannie Alesia Mangaoil
• Carla Anthonette Foronda

🥉 BRONZE AWARDEES
• Marcoux Ynno Duque Millano
• Myrtelle Gem Pascual
• Bryon Lewis Flores
• Mary Sherandyle Gaffud
• Haniel May Pepito
• Reymark Anconcil
• Sky Kendra Verdadero
• Deity Luna Pepito

Sa 24 na awardees ng Echague, 15 ay mula sa St. Joseph’s Vineyard Montessori School, 3 mula sa Echague National High School, 3 mula sa St. Dominic Human Development Center, 2 mula sa First Echague United Methodist School at 1 mula sa TAPS Santiago City.

Patuloy ninyong dalhin ang galing at talino ng Batang Echagueño sa mas mataas pang antas. Congratulations! 👏

📸: Coach Donna Mae Awat, Coach Belle Ramil, Coach Genesis Ramil, Coach Armando Tamani & Coach Alexis Agustin

Ang Eid’l Adha, o Feast of Sacrifice, ay isang banal na pagdiriwang na sumasagisag sa pananampalataya, sakripisyo, at lu...
27/05/2026

Ang Eid’l Adha, o Feast of Sacrifice, ay isang banal na pagdiriwang na sumasagisag sa pananampalataya, sakripisyo, at lubos na debosyon.

Sa pagdiriwang na ito, ang Pamahalaang Bayan ng Echague ay taos-pusong nakikiisa sa ating mga kapatid na Muslim. Nawa’y maghatid ito ng kapayapaan, biyaya, at pagkakaisa sa bawat isa. ✨🌙

𝐍𝐎𝐓𝐈𝐂𝐄 𝐎𝐅 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄𝐃 𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐑𝐔𝐏𝐓𝐈𝐎𝐍𝟐𝟗 𝐌𝐚𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐅𝐫𝐢𝐝𝐚𝐲) | 𝟏𝟏:𝟎𝟎 𝐀𝐌 - 𝟏:𝟎𝟎 𝐏𝐌AFFECTED AREA:Parts of Echague📌Angoluan📌A...
26/05/2026

𝐍𝐎𝐓𝐈𝐂𝐄 𝐎𝐅 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄𝐃 𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐑𝐔𝐏𝐓𝐈𝐎𝐍
𝟐𝟗 𝐌𝐚𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐅𝐫𝐢𝐝𝐚𝐲) | 𝟏𝟏:𝟎𝟎 𝐀𝐌 - 𝟏:𝟎𝟎 𝐏𝐌

AFFECTED AREA:

Parts of Echague
📌Angoluan
📌Annafunan
📌Aromin
📌Babaran
📌Benguet
📌Caniguing
📌Carulay
📌Castillo
📌Diasan
📌Dugayong
📌Fugu
📌Gumbauan
📌Mabbayad
📌mabuhay
📌Madadamian
📌Magleticia
📌Malibago
📌Narra
📌Pag-asa
📌Salay
📌Salvacion
📌San Antonio Ugad
📌San Fabian (HIGHWAY)
📌San Fabian (MUNICIPAL ROAD)
📌Santa Cruz
📌Santo Domingo
📌Silauan Norte (Parts)
📌Silauan Sur (4, 5, 6 & 7)
📌Sinabbaran
📌Sitio Turod
📌Sitio Vintar
📌Soyung (part)
📌Tuguegarao
📌Villa Campo
📌Villa Rey

Including Big Loads
📌iFeed, Alicia
📌WANXIN WOOD PULPING INC., Alicia
📌Echague Municipal Health Center, Echague
📌ISU Echague Campus, Echague
📌NFA, Echague
📌San Fabian (HIGHWAY), Echague
📌San Fabian (MUNICIPAL ROAD), Echague

REASON: Load transfer of 15MVA Alicia Feeder 2 to 5MVA Alicia transformer.

* Power service may be restored earlier or upon completion of maintenance. For your safety, always consider our lines energized.

Address

San Fabian
Echague
3309

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipality of Echague posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipality of Echague:

Share

Category