31/05/2026
๐ฅ๐ข๐ข๐ง๐๐ ๐ง๐ข ๐ฅ๐๐ฆ๐ | ๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ด๐ฒ ๐๐ผ๐ฟ๐๐บ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Sa loob ng tatlong araw, naging bahagi ang mga kinatawan ng Kabataan ng Salay sa Heritage Forum 2026 na may temang โRooted to Rise: Isabela Indigenous Youth Cultural and Artistic Leadership Workshop.โ Isang makabuluhang pagkakataon ito upang mas mapalalim ang pag-unawa at pagpapahalaga ng kabataan sa kultura, kasaysayan, at identidad ng mga katutubong pangkat sa Isabela.
Bilang kinatawan ng mga Itawis, buong pagmamalaking ipinakita ng Kabataan ng Salay ang mayamang kultura, tradisyon, at pamana ng ating komunidad sa pamamagitan ng ibaโt ibang cultural learning sessions, workshops, at sa culminating activity na โSala Ti Isabela.โ Kasama rin sa pagdiriwang ang mga kabataang kinatawan ng mga Yogad, Gaddang, at Ybanag, na nagbigay-buhay sa pagkakaiba-iba at pagkakaisa ng mga kultura sa lalawigan.
Ang programang ito ay nagsilbing daan upang higit pang mapatatag ang papel ng kabataan bilang mga tagapag-ingat at tagapagtaguyod ng ating pamana para sa susunod na henerasyon.
Taos-pusong pasasalamat kina Dr. John Christopher Mesana, Mr. Mark Joy De Jesus, at sa Lahing Kayumanggi Dance Troupe ng Bulacan State University sa kanilang pagbabahagi ng kaalaman at inspirasyon. Gayundin sa LGU Echague sa pangunguna ni Mayor Faustino Dy V at LGU Santiago City sa pangunguna ni Mayor Alyssa Sheena Tan para sa matagumpay na pagsasagawa ng programang ito bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Heritage Month.
Pavvurulunan. Padduffunan. Itawis tayoโugat ng kahapon, tinig ng ngayon, at pag-asa ng bukas.