02/03/2026
𝗪𝗮𝗹𝗼 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗩𝗶𝘇𝗰𝗮𝘆𝗮: 𝟴 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵𝘀 𝗼𝗳 𝗦𝘁𝗮𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗿𝗺
Kakabsat ko nga Novo Vizcayanos, walong buwan na ng ating paninindigan sa Dupax del Norte. Walong buwan na ng pagkakaisa.
Noong Agosto ng nakaraang taon, nagsimula ang ating pagbabarikada laban sa exploration ng Woggle Corporation sa Dupax Del Norte. Sa loob ng walong buwang ito, nakita natin ang tunay na lakas ng Novo Vizcayano kapag tayo ay sama-sama para sa ating kalikasan at kinabukasan.
Hindi natin mararating ang puntong ito, ang pansamantalang suspensyon ng permit at ang mapakinggan ang ating boses sa kongreso at senado, kung wala ang inyong walang sawang tulong. Mula sa aming puso, nais naming pasalamatan ang lahat ng naging bahagi ng ating laban:
SA MGA PERSONALIDAD, LEADERS, AT LEGAL SUPPORT:
Maraming salamat kina Sen. Robin Padilla, Sen. Erwin Tulfo, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Loren Legarda, Sen. Francis Pangilinan, Rep. Leila de Lima, Rep. Renee Co (Kabataan), Rep. Sarah Elago ng Gabriela, Rep. Antonio Tino ng ACT Teachers Party-List, at Atty. Teddy Baguilat at sa mga mambabatas at mga senador na nakausap at napagdulugan natin ng ating mga hinaing. Salamat sa legal at human rights monitoring ni Atty. Tony La Viña at ng Klima Center, Atty. Ellice Balgos at ang legal counsel ng DDN Defenders, at ang UP Law Center – Institute of Human Rights.
Suporta rin mula sa League of Municipalities of the Philippines (LMP)-NV sa pangunguna ni Mayor Benjamin Cuaresma III, kina Mayor Remelina Peros-Galam, Mayor Liwayway Caramat, Mayor Antonio Sergio G. Bagasao, at ang Sangguniang Bayan ng Dupax del Norte na pinangungunahan ni Vice Mayor Ric Ronelson Asuncion at Councilor Randolh Tominez. Saludo rin sa mga Sangguniang Barangay ng Bitnong, Oyao, Inaban, at Munguia sa inyong matapang na resolutions.
SA MGA ALYANSA AT SOLIDARITY GROUPS:
Salamat sa Defend Nueva Vizcaya Movement (DNVM), KM Ngayon Na (Rep. Kenneth Paolo Tereng), Living Laudato Si’ Philippines, Kalikasan PNE, AGHAM, Center for Environmental Concerns (CEC), KATRIBU, IPMSDL, YACAP, PAHRA, Taripnong–Cagayan Valley, at ang Philippines-Palestine Friendship Association.
Salamat din sa ating global allies: ICHRP at London-Philippine Solidarity (LPS).
SA ATING FAITH-BASED AT COOPERATIVE PARTNERS:
Salamat sa Catholic Diocese of Bayombong & DSAC na pinangungunahan ni Most Reverend Bishop Jose Elmer Mangalinao, Caritas Philippines, NCCP, UCCP Council of Bishops, Episcopal Diocese of Northern Luzon and Santiago, UMC-Bambang, Inter-Franciscan Ministers Conference of the Philippines (IFMCP), at St. Barnabas Church.
Katuwang ang ating mga local groups at coops: Dupax del Norte Defenders na pinangungunahan ni Bro Florentino Daynos, ANVIK, Munguia Multi-Purpose Farmers Cooperative (MMPC), St. William Multipurpose Coop, Episcopal Development Foundation of St. Mark, The Episcopal Diocese of Santiago Coop, Batal Igorot Savings and Development Coop, at CAVREA-Nueva Vizcaya.
SA ACADEME AT MEDIA:
Salamat sa mga g**o at mag-aaral ng Saint Mary’s University (SMU) at Nueva Vizcaya State University (NVSU). Salamat sa pag-uulat ng katotohanan: Altermidya, Bulatlat, Northern Dispatch (Nordis), at KMJS (Kapuso Mo, Jessica Soho), atbp.
HIGIT SA LAHAT, salamat sa mga residenteng nasa barikada araw at gabi. Ang laban nating ito ay para sa inyo. Hindi tayo titigil hangga't hindi ganap na nakakansela ang banta sa ating lupain.
TULOY ANG LABAN!
Comment a '❤️’ if you have been with us since August! or Tag someone who has been a hero for our environment.