MOO Dumaran Pantawid Pamilya Updates

MOO Dumaran Pantawid Pamilya Updates This is an FB page created by MOO Dumaran Pantawid Pamilya to be used for any posts, announcements, news and updates related to DSWD-4Ps implementation.

All transaction related to the program operation

19/08/2022

4Ps Success Story shared by the daughter of Mrs. Anita Rellen, Beneficiary from Barangay Conel, General Santos City.

"Ako po si Deserie B. Rellen,dalawamput dalawang taong gulang (22),
benepisyaryo ng programang Pantawid Pamilyang Pilipino mula sa
Barangay Conel, General Santos City. I am so very grateful to have been given
the opportunity to be one of your beneficiary. Hindi man naging madali ang aking
napagdaanan sa aking pag-aaral ngunit nag sumikap ako para sa aking
pamilya.

Nakapag tapos ako sa kursong Bachelor of Science in Information System sa
paaralang Cronasia Foundation College Inc. I have accomplished much of what
I never thought possible. My education is important to me, at ang Pantawid Pamilyang Pilino Program(4Ps) ay isa nakatulong sa akin especially with my financial status at isa rin kayo sa nagkatulong sa pagtupad ng aking pangarap na makapagtapos ng kolehiyo.

I know that the Lord always has things in his control, and I believe he used you to bless me in a time of need. I will forever be
grateful for this, and I cannot thank you enough for it.

Thank you so
much, Pantawid Pamilyang Pilino Program(4Ps)!"

MS. GANDA VIDAL, RSW
City Link
General Santos City

Magandang araw sa lahat!Mga ka-4Ps ienroll na ninyo ang inyong mga anak na nag-aaral sa elementary at high school. Malap...
19/08/2022

Magandang araw sa lahat!

Mga ka-4Ps ienroll na ninyo ang inyong mga anak na nag-aaral sa elementary at high school. Malapit ng magsara ang enrolan, baka malate kayo. Nasa huli lagi ang pagsisisi. Kaya, bilisan na at huwag nang antayin ang huling araw ng enrolan.

Paki-marites naman po ito sa mga magulang o kapitbahay na may mga anak na pinapaaral sa elementarya at sekondarya.

Maraming salamat po.

 : Alas nuwebe a medya ngayong umaga, August 12, 2022, naipareceive po natin ang referral letter ng MOO Dumaran para sa ...
12/08/2022

: Alas nuwebe a medya ngayong umaga, August 12, 2022, naipareceive po natin ang referral letter ng MOO Dumaran para sa pitumpo't siyam (79) na Not Attending School (NAS) sa DepEd Alternative Learning System (ALS) coordinator para sa kaukolang interbensiyon na kanilang maibibigay.

Mismong si G. Dennis G. Dela Torre, DepEd ALS Coordinator ang nagsadya sa Municipal Operation Office ng Pantawid Pamilya ng Dumaran para irecieve ang nasabing refferal letter. Makikita sa larawan ang pagpirma ng receiving copy ng MOO ni G. Dela Torre habang ipinapatanggap sa kaniya ni TL Miriam M. Punay ang referral letter for NAS.

Ang MOO Dumaran ay lubos-lubos na nagpapasalamat sa suportang ibinibigay DepEd Dumaran District. Hika nga, para sa iisang layunin ng parehong kawanihan ng gobiyerno ang DSWD at DepEd ay patuloy na isasakatuparan ang pagtulong sa mga kabataan na ipaintindi at ipayakap ang kahalagang ng edukasyon. Kung saan edukasyon ang isa nakikita at napatunayan ng pinakamabisang sandata para labanan ang kahirapan.



 : Isinagawa ang iba't-ibang aktibidades ng Pantawid Pamilyang Pilpino Program kasabay ng pay-out ng cash grants ng mga ...
11/08/2022

: Isinagawa ang iba't-ibang aktibidades ng Pantawid Pamilyang Pilpino Program kasabay ng pay-out ng cash grants ng mga 4Ps beneficiaries ng Barangay Itangil at Barangay Tanatanaon sa bayan ng Dumaran, Palawan noong ika-9 ng Agosto 2022.

Ang nasabing cash grants' release (pay-out) ay para sa buwan ng Abril at Mayo ng kasalukuyang taon. Umaga ng isagawa ito sa isang Multi-Purpose Hall ng Barangay Itangil at hapon naman sa Covered Court ng Barangay Tanatanaon.

Samantala, habang isinasagawa ang pay-out ay namigay din ng mga leaflets ang attending Pantawid staff sa tulong ng mga parent leaders. Sa kabuoan ay nasa 254 na mga benepisyaryo ng 4Ps ang napagkalooban ng mga leaflets na naglalaman ng mga impormasyon patungkol sa pagpapatupad ng programa.

Isa na rito ay ang maipaabot sa mga benepisyaryo ang pagsisiguro na dapat ay tama ang mga datos at impormasyon na kanilang ibinibigay o ipinarerehistro sa programa. Ganundin, ang maturuan silang magkompyut ng kanilang natatanggap na cash grants mula sa programa.

Naitala din ang animnapong (60) pinagsamang bilang ng mga katanongan at reklamo mula sa mga benepisiyaryo. Kadalasan sa mga katanongan ay may kaugnayan sa mga updeyt na kanilang isinumite noong mga nakaraang buwan. At reklamo ng mga grantee patungkol sa kulang na natanggap na cash grants mula sa programa.

Naisagawa din ang pag-apdeyt ng mga batang benepisyaryo ng 4Ps sa edukasyon na nasa ilalim ng transitioning grade level o mga batang magkikinder, grade 7 at grade 11. Ilan ding mga paalala ang inanunsiyo sa mga benepisyaryo na may kinalaman sa kanilang pagtupad sa mga kondisyon ng programa.

Address

Dumaran

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MOO Dumaran Pantawid Pamilya Updates posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to MOO Dumaran Pantawid Pamilya Updates:

Share

Category