27/10/2020
Certificate of Authority to Operate
Ang isang chemical laboratory na sumusunod sa Republic Act 10657, o mas kilala bilang Chemistry Profession Act of 2015, ay binibigyan ng Certificate of Authority to Operate (CATO) matapos suriing mabuti ng Board of Chemistry. Tanging mga kumpanya o institusyong may nasabing katibayan ang maaaring magpatakbo ng isang chemical laboratory at magsagawa ng chemical analysis sa Pilipinas.
Maaaring makita ang talaan ng mga kumpanyang may CATO sa: www.icp.org.ph/downloads
May karampatang mga parusa ang naghihintay sa isang kumpanya na mapatutunayang lumabag sa batas na ito. Ang pinakamataas na namumuno sa nasabing kumpanya ay maaaring makulong ng hanggang isang taon at/o pagbayarin ang kumpanya ng multang hanggang isang milyong piso.