11/04/2026
‘SORSU IS SOARING HIGH’
Patuloy ang pagpapakilala at kinikilala ang Sorsogon State University (SorSU) hindi lamang sa buong bansa, bagkus ay sa buong mundo.
Kasunod ito ng sunod-sunod na taong pagkilala bilang Top University sa buong rehiyon ng Bicol sa EduRank at ang napabilang na dalawang Topnotchers sa March 2026 Civil Engineers Licensure Examination.
Ayon kay Dr. Geraldine F. De Jesus, Presidente ng SorSU, hindi umano ito magiging posible kung wala ang solidong suporta ng kanilang stakeholders at iba pang tagasuporta ng naturang paaralan.
Binigyang-diin naman Dr. De Jesus na ang tagumpay ng kanilang paaralan ay dahil sa iisa nilang obheto para sa kanilang estudyante.
Kinilala rin ng opisyal ang “consistency” na ipinakita ng mga estudyanteng mula sa kanilang Unibersidad na napapabilang sa listahan ng Topnotchers sa bawat licensure examination, na isa sa nagiging rason kung bakit mas lalo pang kinikilala ang SorSU.
Dagdag pa nya, sa admission pa lamang sa kanilang paaralan ay strikto na ang kanilang patakaran kung kaya’t sa una pa lamang ay nakikitaan na umano nila ng espesyal na kakayahan at kaalaman ang kanilang estudyante.
Dahil dito, binibigyan nila ng sapat na suporta at edukasyon ang kanilang mag-aaral upang matupad ang kanilang obheto na masuportahan ang mag-aaral hanggang sa maging ganap na itong propesyunal.
Hangad naman ni Dr. De Jesus ang patuloy na pag-angat ng kanilang eskwelahan at makilala ng tuluyan sa buong mundo.