13/02/2026
Today, we proudly acknowledge and extend our heartfelt gratitude to Pinagdanlayan Rural Improvement Club (PRIC) for the successful handover of various medicines and a stand fan to our Barangay Health Center.
Maraming salamat po sa inyong generosity at malasakit sa ating komunidad. Ang mga gamot na inyong ibinigay ay malaking tulong para mas mapalawak pa ang serbisyong medikal na naibibigay ng ating health center, lalo na sa mga kababayan nating nangangailangan ng agarang atensyon at suporta. Dahil dito, mas marami pa tayong matutulungan at mas mapapalakas ang ating commitment sa accessible at quality healthcare para sa lahat.
Gayon din ay pasasalamat sa pagbibigay din ng stand fan na makakatulong para mas maging comfortable ang ating mga pasyente habang sila ay naghihintay o nagpapakonsulta, lalo na ngayong mainit ang panahon. Small things like this truly make a big difference in creating a better and more welcoming environment sa ating health center.
Ang partnership na ito ay patunay na kapag nagkakaisa ang komunidad, mas nagiging makabuluhan at mas napapabilis ang pag-abot ng tulong sa nangangailangan. We are truly grateful for PRIC’s continuous support and dedication to serving our barangay.
Muli, ang bumubuo ng Sangguniang Barangay ng Pinagdanlayan ay taos-puso pong nagpapasalamat. Nawa’y magpatuloy ang ganitong klaseng pagtutulungan para sa mas malusog, mas matatag, at mas maunlad na komunidad para sa ating lahat. 🤍❤️