09/10/2026
π
πππππ π
ππ πππ ππππ
Mahigit 320 pamilyang Doloresin ang nagsama-sama at nakibahagi sa masaya at makabuluhang pagdiriwang ng Family Fun Day 2026 na may temang βKapit-Bisig na Pamilya: Tungo sa Ligtas, Malusog at Matatag na Pamayanan,β na ginanap sa Alcala Covered Court, Brgy. Silanganan.
Pinangasiwaan ito ng tanggapan ng MSWD sa pangunguna ni Ms. Cipriana A. Montierro at sa gabay at suporta ng ating butihing Mayor Orlan A. Calayag.
Personal na dumalo rin ang ating butihing Mayor Orlan A. Calayag upang magbahagi ng isang makabuluhang mensahe na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng matatag na pamilya bilang pundasyon ng isang ligtas, malusog, at nagkakaisang pamayanan. Nakiisa rin sa okasyon ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, kabilang sina Committee on Social Welfare Chairperson Kons. Joed Reyes, Kons. Ai-Ai Cabrera, Kons. Chai Amat, at Kons. Beth AcuΓ±a.
Naging mas makulay at masaya ang pagdiriwang sa pamamagitan ng ibaβt ibang aktibidad na nilahukan ng mga pamilya, gaya ng Family Got Talent, Creative Frame Making Contest, Family Games, face painting, at photobooth. Naghatid din ng dagdag na saya sa mga bata ang pagbisita ni Jollibee, na nagbigay ng mas masayang karanasan sa mga dumalo.
Bukod sa mga aktibidad pampamilya, nagsagawa rin ang M Lhuillier ng talakayan tungkol sa insurance at payroll. Bilang bahagi ng kanilang pakikiisa, nagkaloob din sila ng tatlong canopy para sa tanggapan ng MSWD.
Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Dolores sa pamumuno ng ating butihing Mayor Orlan A. Calayag, sa pagsuporta at pagsusulong ng mga programang naglalayong palakasin ang bawat pamilyang Doloresin at itaguyod ang kapakanan ng ating mga kababayan.