25/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
| Matagumpay na naisagawa noong ika-21 ng Mayo 2026 ang Pamanang Lutuing Doloresin 2026 Cooking Contest na may temang Sarap na Walang Kupas, Dala Hanggang sa Bagong Henerasyon na ginanap sa Unlad Food Hall (Dolores Public Market) . Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐ซ๐ข๐ญ๐๐ ๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐๐๐๐ na pinangasiwaan ng Tanggapan ng Pambayang Turismo sa pangunguna ni Designated Municipal Tourism Operations Officer/EA Jason D. Ocado katuwang ang Market Office sa pangunguna ni Sir. Domingo Dimayacyac at sa atas at gabay ng butihing Mayor Orlan A. Calayag.
Naging mas kapanapanabik ang patimpalak matapos ang limang kalahok ay sumabak sa isang ๐๐-๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ kung saan sila mismo ang namili ng sariwa at lokal na sangkap mula sa ating pampublikong pamilihan gamit ang halagang โฑ1,500 bawat kalahok.
Higit pa sa isang cooking contest, layunin ng aktibidad na ito na maitaguyod at isulong ang ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐. Ito ay isang inisyatibong nagpapakita na ang ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ง๐ญ๐ซ๐จ ๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฅ๐๐ง ๐ค๐ฎ๐ง๐๐ข ๐ข๐ฌ๐ ๐ซ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐, ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฆ๐จ, ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ง๐ฅ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง. Sa pamamagitan nito, nabibigyang halaga ang ating mga lokal na produkto, mga manininda, at mga tradisyunal na lutuing tunay na maipagmamalaki ng bawat Doloresin.
Nakamit ng mga kalahok mula Brgy. Kinabuhayan na sina Salve Diala Palabrica at Leonila D. Abrenica ang 1st Place. Samantala, nakuha naman nina Maโam Maria Theresa Loyola at Toren Loyola ang 2nd Place, habang 3rd Place naman si Rizamira Alcazar.
Dumalo rin at nagbigay ng mensahe si Vice Mayor Renato โDoc Jonโ Alilio Jr., kasama si Committee on Tourism, Culture and Arts Chairperson Konsehal Ai-Ai Cabrera.
Lubos na pasasalamat ang ipinapaabot ng ating butihing Mayor Orlan A. Calayag sa tatlong huradod na sina: Maโam Ma. Christina Decal, Maโam Florence Mendoza, Tourism Officer ng San Antonio, Quezon, at Sir Rommel Calixto. Gayundin, taos-pusong pasasalamat sa lahat ng kalahok na nagbahagi ng kanilang talento, kasanayan, at pagmamahal sa lutuing Doloresin.
Tinitiyak ng ating butihing Mayor Orlan A. Calayag na patuloy na maiangat ang turismo ng Bayan ng Dolores sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ating kulturang pangkulinarya at pagsusulong ng isang Market Tourism bilang mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan, kultura, at pag-UNLAD ng ating bayan.