Sangguniang Kabataan ng Barangay Dagatan

Sangguniang Kabataan ng Barangay Dagatan "WALANG KABATAANG MAIIWAN, ONE DAGATAN"

09/05/2026
Congratulations to the Dagatan Youth Club on successfully holding your first activity for this year, dedicated to the yo...
09/05/2026

Congratulations to the Dagatan Youth Club on successfully holding your first activity for this year, dedicated to the youth of Dagatan. We truly admire your ability to organize meaningful initiatives like this.

The Sangguniang Kabataan of Dagatan will always be here to support your future activities, as we continue to work together for the growth and development of our youth.



๐‘บ๐‘ผ๐‘น๐‘ฝ๐‘ฐ๐‘ฝ๐‘จ๐‘ณ ๐‘ด๐‘ถ๐‘ซ๐‘ฌ ๐Ÿ.๐ŸŽ | ๐‘ซ๐‘จ๐’€ ๐Ÿ‘ ๐Ÿ•๏ธ๐ŸŒŠSa ikatlong araw ng SURVIVAL MODE 2.0, muling nagtipon-tipon ang lahat upang ianunsyo ang k...
01/05/2026

๐‘บ๐‘ผ๐‘น๐‘ฝ๐‘ฐ๐‘ฝ๐‘จ๐‘ณ ๐‘ด๐‘ถ๐‘ซ๐‘ฌ ๐Ÿ.๐ŸŽ | ๐‘ซ๐‘จ๐’€ ๐Ÿ‘ ๐Ÿ•๏ธ๐ŸŒŠ

Sa ikatlong araw ng SURVIVAL MODE 2.0, muling nagtipon-tipon ang lahat upang ianunsyo ang kabuuang tala ng puntos mula sa mga nagdaang araw. Kasunod nito ay ang pagbibigay ng mga panuto para sa clean-up drive sa tabing dagat at sa lugar na kanilang tinuluyan. Ang aktibidad na ito ay isinagawa hindi lamang para sa kapakanan ng bawat grupo, kundi para sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran at ng magagandang baybayin ng dagat.

Sa huli, hinirang bilang Survivor si Ryan Philip Barsomo at itinanghal na panalo ang grupo ng Team Ahas na sina Adrian Cacao, Kyle Alimario, Mark Barsomo, Lenon Quilitis, at Arjay Ramos. Pagkatapos ng opisyal na pagkilala, nagsalo-salo ang lahat sa masayang boodle fight na inihanda ng SK Dagatan kasama ang mga boluntaryong tumulong sa programa.

Bago tuluyang umuwi, nagkaroon ng pagkakataon ang lahat na sulitin ang ganda ng dagat ng Cagbalete Island. Tumawid sila pabalik sa kabilang isla bitbit ang mahahalagang aral at karanasang natutunan sa loob ng tatlong araw na pamamalagi.

Ang SURVIVAL MODE 2.0 ay tunay na nagpatunay na sulit at worth it ang lahat ng isinagawang aktibidad. Hindi lamang ito naging daan upang mag-enjoy, kundi nagsilbing mabisang pagsasanay para sa mga SK Tanod upang mahasa sa mabuting asal, disiplina, pagkakaisa, at malasakit sa isaโ€™t isa.

Dito nagtatapos ang matagumpay na tatlong araw ng SURVIVAL MODE 2.0 ng SK Tanod-One Dagatan, isang karanasang hindi malilimutan at tiyak na magsisilbing gabay sa kanilang patuloy na paglilingkod sa komunidad.

๐‘บ๐‘ผ๐‘น๐‘ฝ๐‘ฐ๐‘ฝ๐‘จ๐‘ณ ๐‘ด๐‘ถ๐‘ซ๐‘ฌ ๐Ÿ.๐ŸŽ| ๐‘ซ๐‘จ๐’€ ๐Ÿ โ˜€๏ธSa ikalawang araw ng ginaganap na team building ng SK Tanod-One Dagatan, isa sa mga hamon ay ...
01/05/2026

๐‘บ๐‘ผ๐‘น๐‘ฝ๐‘ฐ๐‘ฝ๐‘จ๐‘ณ ๐‘ด๐‘ถ๐‘ซ๐‘ฌ ๐Ÿ.๐ŸŽ| ๐‘ซ๐‘จ๐’€ ๐Ÿ โ˜€๏ธ

Sa ikalawang araw ng ginaganap na team building ng SK Tanod-One Dagatan, isa sa mga hamon ay ang pagbili ng mga kulang na kagamitan gamit lamang ang halagang โ‚ฑ100. Kinailangan ng bawat grupo na pagkasyahin ito at ipakita ang kanilang diskarte. Bitbit din ng bawat kinatawan ang kani-kaniyang ginawang watawat bilang sagisag ng kanilang grupo.

Kinuha ang lahat ng posporo at lighter, kayaโ€™t tanging sariling paraan ang ginamit ng bawat grupo upang makagawa ng apoy. Gumamit sila ng ibaโ€™t ibang pamamaraan tulad ng pagkiskis ng kahoy upang makapagluto. Sa ganitong paraan, nakita kung gaano ka-diskarte at malikhain ang bawat grupo upang makalampas sa ikalawang araw.

Sa tanghali, nagkaroon ng mga palaro na nagbigay saya at nagpatibay ng pagkakaisa. Kinagabihan naman ay isinagawa ang bonfire at sharing session kung saan ibinahagi ng mga kalahok ang kanilang mga natutunan, naobserbahan, at mga hamong kinaharap. Matapang nilang ibinahagi ang kani-kaniyang karanasan na nagpatibay sa samahan.

Sa pagtatapos ng araw, nagbigay ng mga paalala, leksyon, at suporta ang mga kasamang SK ng Dagatan para sa patuloy na pag-unlad ng kabataan. Isang makabuluhang pagtatapos para sa ikalawang araw ng SURVIVAL MODE 2.0.

๐‘บ๐‘ผ๐‘น๐‘ฝ๐‘ฐ๐‘ฝ๐‘จ๐‘ณ ๐‘ด๐‘ถ๐‘ซ๐‘ฌ ๐Ÿ.๐ŸŽ | ๐‘ซ๐‘จ๐’€ ๐Ÿ โ›บ๏ธUnang araw ng team building ng SK Tanod-One Dagatan ay nagsimula sa isang briefing hinggil s...
01/05/2026

๐‘บ๐‘ผ๐‘น๐‘ฝ๐‘ฐ๐‘ฝ๐‘จ๐‘ณ ๐‘ด๐‘ถ๐‘ซ๐‘ฌ ๐Ÿ.๐ŸŽ | ๐‘ซ๐‘จ๐’€ ๐Ÿ โ›บ๏ธ

Unang araw ng team building ng SK Tanod-One Dagatan ay nagsimula sa isang briefing hinggil sa mga alituntunin at regulasyon para sa tatlong araw na pamamalagi sa isla. Mahigpit na ipinagbawal ng Sangguniang Kabataan ng Dagatan ang paggamit ng sigarilyo at v**e upang masubok ang disiplina at panandaliang paglayo sa bisyo.

Sa unang araw, bawat grupo ay nagtayo ng kani-kaniyang tahanan na magsisilbing tirahan sa loob ng tatlong araw. Kanya-kanyang luto rin ang bawat grupo upang higit na makita ang pagkakaisa at pagtutulungan.

Kinagabihan, nagkaroon muli ng pagpupulong para sa mga aktibidad na gaganapin sa susunod na araw. Naging maayos ang daloy ng mga gawain at tunay na ipinakita ng SK Tanod ang pagkakaisa at kooperasyon.

Isang matagumpay na simula para sa ๐‘บ๐‘ผ๐‘น๐‘ฝ๐‘ฐ๐‘ฝ๐‘จ๐‘ณ ๐‘ด๐‘ถ๐‘ซ๐‘ฌ ๐Ÿ.๐ŸŽ

27/04/2026

๐’€๐‘ถ๐‘น๐‘ท ๐‘น๐‘ฌ๐‘ฎ๐‘ฐ๐‘บ๐‘ป๐‘ฌ๐‘น๐‘ฌ๐‘ซ ๐‘ต๐‘จ ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ด๐‘ฐ!! ๐Ÿซก

Isang karangalan na kami ay opisyal nang kinikilala bilang Youth Organization ang SK Tanod Youth Eco-Aide ng Barangay Dagatan. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa amin, kundi para sa buong komunidad na aming pinaglilingkuran. Taos-puso kaming nagpapasalamat sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Dagatan, kay Mam Jaynelyn Anives bilang ating Local Youth Development Officer, at sa National Youth Commission sa kanilang walang sawang suporta at tiwala.

Ito ay simula pa lamang mas paiigtingin pa namin ang aming paglilingkod, pangangalaga sa kalikasan, at pagbibigay-inspirasyon sa kabataan. Para sa bayan, para sa kalikasan, at para sa susunod na henerasyon kami ay handa, kami ay kikilos, at kami ay magpapatuloy.

27/04/2026
26/04/2026
๐‘ป๐’‰๐’Š๐’“๐’•๐’š-๐’‡๐’Š๐’“๐’”๐’• ๐‘น๐’†๐’ˆ๐’–๐’๐’‚๐’“ ๐‘บ๐’†๐’”๐’”๐’Š๐’๐’ ๐’๐’‡ ๐‘บ๐’‚๐’๐’ˆ๐’ˆ๐’–๐’๐’Š๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’•๐’‚๐’‚๐’ ๐’๐’‡ ๐‘ฉ๐’‚๐’“๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’š ๐‘ซ๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’•๐’‚๐’ April 18, 2026 The Regular Session of Sanggunia...
22/04/2026

๐‘ป๐’‰๐’Š๐’“๐’•๐’š-๐’‡๐’Š๐’“๐’”๐’• ๐‘น๐’†๐’ˆ๐’–๐’๐’‚๐’“ ๐‘บ๐’†๐’”๐’”๐’Š๐’๐’ ๐’๐’‡ ๐‘บ๐’‚๐’๐’ˆ๐’ˆ๐’–๐’๐’Š๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’•๐’‚๐’‚๐’ ๐’๐’‡ ๐‘ฉ๐’‚๐’“๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’š ๐‘ซ๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’•๐’‚๐’

April 18, 2026

The Regular Session of Sangguniang Kabataan of Brgy. Dagatan was called to order at 7:00 PM on April 18, 2026 at the barangay session hall. Hon. Kryzt Andrey M. Bacay, SK Chairperson and the other SK Officials were present. The meeting commenced with a prayer led by Hon. Marc Andrei Garcia.

SK Chairman, Hon. Kryzt Andrey M. Bacay presented the agenda as follows:
I. Approval of Agenda
II. Calendar of Business
A. Unfinished Business
B. Business for the Day
1.) Hambujan Festival 2026 Post Activity Assesment
2.) Survival Mode 2.0
3.) Lakbay-Aral
4.) Organizational Chart
5.) Other Matters


Sk Chairperson
Hon. Kryzt Andrey Magpantay Bacay

Sk Councilors
Hon. Jellsie Amat
Hon. Marc Andrei Garcia
Hon. Alessandra Maรฑibo
Hon. Jan Ashley Lambit
Hon. Garlie Cobarrubias
Hon. Jayvee Milambiling
Hon. Jan Ury Lajara

SK Treasurer
Joyce Custudio

SK Secretary
Jomar Milambiling

"Para sa Kabataan, Para sa Dagatanโ˜๏ธโค๏ธ๐Ÿ’ฏ"



Address

Dagatan
Dolores

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Barangay Dagatan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share