25/05/2026
Pagbati sa ating kaMALIGAYAhin Accountant Eden I. Gaurano, mula sa Sangguniang Barangay Maligaya sa pamumuno ni PB Tintin Reyes Malaluan !
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
Sa ikatatlong pagkakataon, muling nakamit ng Bayan ng Dolores ang pinakamataas na pagkilala mula sa Philippine Association of Local Government Accountants (PHALGA) matapos makatanggap ng UNMODIFIED OPINION mula sa Commission on Audit (COA) para sa CY 2024 Financial Statements.
Bilang pagkilala sa mahusay, tapat, at maayos na pamamahala sa pananalapi ng ating Lokal na Pamahalaan, iginawad sa Bayan ng Dolores ang prestihiyosong 2026 PHALGA Excellence Award โ ang pangatlong sunod-sunod na pagkilalang natanggap ng ating bayan mula taong 2024 hanggang 2026.
Personal na tinanggap ang nasabing parangal ng ating Municipal Accountant, Ma'am Eden I. Gaurano, sa ginanap na 2026 PHALGA Excellence Award sa Dakak Golf and Beach Resort, Dapitan City.
Ang tatlong sunod-sunod na taon ng pagkamit ng Unmodified Audit Opinion ay hindi lamang patunay ng kahusayan sa pamamahala ng pananalapi, kundi sumasalamin din sa matibay na integridad, pagkakaisa, at dedikasyon ng bawat tanggapan ng Lokal na Pamahalaan.
Ipinapakita rin nito ang mahusay at tapat na pamamahala ng ating butihing Mayor Orlan A. Calayag, lalo na sa mahigpit na pagsunod sa umiiral na batas, alituntunin, at regulasyon sa larangan ng accounting at auditing. Isa itong matibay na ebidensya ng transparent, responsable, at mahusay na paggamit ng pondo ng bayan para sa kapakanan at patuloy na pag-UNLAD ng bawat Doloresin.
Taos-pusong pasasalamat sa Municipal Accounting Office sa pangunguna ni Maโam Eden I. Gaurano, kasama ang kanyang mga masisipag at dedikadong kawani, sa kanilang mahusay, tapat, at walang sawang paglilingkod para sa bayan.
Gayundin, taos-pusong pasasalamat sa lahat ng department heads, Sangguniang Bayan ng Dolores sa pangunguna ni Vice Mayor Doc Jon Alilio at kawani ng ibaโt ibang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan sa kanilang patuloy na pagsunod sa mga itinakdang alituntunin at regulasyon bilang patunay ng kanilang mahalagang kontribusyon sa pagtataguyod ng integridad, transparency, at legalidad sa lahat ng gawain at transaksyon ng pamahalaang bayan.
Patuloy nating panatilihin ang mahusay, malinis, at makataong pamamahala para sa mas maUNLAD na Bayan ng Dolores.