Sibol Kabataan ng Barangay Bayabas

Sibol Kabataan ng Barangay Bayabas PARA SA BAYAN
PARA SA BARANGAY
AT HIGIT LALO PARA SA KABATAAN

"Boto Mo, Boses Mo: Isang Paalala para sa Araw ng Halalan! 🗳️✨Save the date: October 30, 2023 (Lunes) | 7:00 AM - 3:00 P...
27/10/2023

"Boto Mo, Boses Mo: Isang Paalala para sa Araw ng Halalan! 🗳️✨

Save the date: October 30, 2023 (Lunes) | 7:00 AM - 3:00 PM

🚨 Paalala: Ang boto ng mga PWDs, Senior Citizens, at mga buntis na kababaihan sa Emergency Accessible Polling place (EAPP) , hanggang 7:00 AM - 1:00 PM.

Mga Opisyal na Ihahalal:
🌟 Barangay Elections:
- 1 Punong Barangay
- 7 Miyembro ng Sangguniang Barangay (SB)

🌟 SK Elections:
- 1 SK Chairperson
- 7 Miyembro ng SK

🌟 Plebisito ng San Jose Del Monte para sa Highly Urbanized City (HUC)
- Yes or NO

Mahalagang paalala sa mga butante:
✅ Alamin ang precinct number at voting center.
✅ Gumawa ng listahan ng iboboto.
✅ Gumamit ng ballot secrecy folder.
❌ Bawal mag-litrato o mag-kopya ng balota.
❌ Huwag ipakita ang nilalaman maliban sa assistor.
❌ Bawal burahin o sirain ang balota.

8 Hakbang sa Pagboto:
1️⃣ Lumapit sa Electoral Board (EB) at sabihin ang inyong pangalan, precinct at sequence number ayon sa listahan ng botante na nakapaskil sa presinto.
2️⃣ Kunin ang tamang balota na ibibigay ng Electoral Board (EB):
- 15-17 years old: 1 SK ballot
- 18-30 years old: 1 SK, Plebisito, at 1 Barangay ballot
- 31 years old-pataas: 1 Barangay at Plebisito ballot
3️⃣ Pumirma sa Election Day Computerized Voters List (EDCVL).
4️⃣ Punan ang balota sa pamamagitan ng pagsulat ng pangalan ng kandidatong nais iboto at gamitin ang ballot secrecy folder.
5️⃣ Tupiin ang balota kung paano ito tinanggap at ibalik ito sa Electoral Board (EB).
6️⃣ Mag-thumbmark sa kaukulang espasyo sa ballot coupon.
7️⃣ Magpalagay ng indelible ink sa kuko ng kanang hintuturo.
8️⃣ Sa harap ninyo ay tatanggalin ng Electoral Board (EB) ang ballot coupon at ilalagay ang balota at ballot coupon sa mga nakatakdang lagayan sa ballot box.

Let's make our voices heard! Bumuto ng TAMA📢🇵🇭

Published and PubMat by: Angelo S. Cruz

Pinagbatayan: PIA Bulacan at DILG Bulacan







Magandang balita ka-iSKwad! Ang COMELEC Precinct Finder ay nagbabalik online na! Maaari mo nang hanapin ang iyong Pollin...
25/10/2023

Magandang balita ka-iSKwad!

Ang COMELEC Precinct Finder ay nagbabalik online na!
Maaari mo nang hanapin ang iyong Polling Place/Precint sa October 30, 2023 para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Ilagay lamang ang sumusunod na impormasyon: BUONG PANGALAN, ARAW NG KAPANGANAKAN, at LUGAR NG PAGPAPAREHISTRO.

I-scan ang QR code o bisitahin ang link na ito:
🔗 precinctfinder.comelec.gov.ph/voter_precinct

Published and Edited by: Angelo S. Cruz








Sa mundong pinaigting ang kumpetisyon, mahalagang ang mga kwalipikasyon at kredibilidad sa lahat ng aspekto, lalo’t higi...
22/10/2023

Sa mundong pinaigting ang kumpetisyon, mahalagang ang mga kwalipikasyon at kredibilidad sa lahat ng aspekto, lalo’t higit sa paglilingkod! Sapagkat dito nakasalalay ang kinabukasan ng Barangay at Kabataan. Kaya kami ang at Sibol Kabataan ay handang ilatag ang aming mga kredibilidad para sa Sangguniang Kabataan 2023 Election.
Ito'y hindi pagmamayabang kung hindi isang oportunidad upang lubos ninyo pa kaming makilala at makita ang aming mga karanasan sa iba’t ibang larangan. Handa kaming patunayan ang aming kakayahan sa pamamagitan ng dedikasyon at integridad sa bawat aspeto ng aming paglilingkod.
Nais naming maging halimbawa ng kabataang may malasakit, tapat at malinis na paglilingkod. Sa bawat adhikain at proyektong itataguyod namin, ito'y kabahagi ng aming pangako na magsilbing tinig ng kabataan para sa mas maunlad at makatarunganang kinabukasan. Sama-sama nating itaguyod ang pag-asa at pagsibol ng makabago at maka-kabataang paglilingkod!

TEAM CEDRIC (Sibol Kabataan)
SK Chairman:
Cedric Zandro “Moymoy” Cruz

SK Kagawad:
Angelo “Ade” Cruz
Kelvin Lae “Kelvin” Cruz
Joash Ephraim “Jeje” Santos
Mark Darrel “Darrel” Ramos
John Lord “John Lord” Cruz
Ronald “Onad” Castillo
Jay, JR. “JR” Palaganas



PABATID SA PUBLIKO!Para sa Lahat ng Residente ng Barangay BayabasIpinapaabot ng COMELEC DRT ang isang mahalagang PULONG ...
21/10/2023

PABATID SA PUBLIKO!

Para sa Lahat ng Residente ng Barangay Bayabas

Ipinapaabot ng COMELEC DRT ang isang mahalagang PULONG hinggil sa VOTER'S EDUCATION, BSKE, at PREBISCITE 2023.

Kailan: Ika-24 ng Oktubre, 2023
Oras: 9:00 am
Saan:Barangay Bayabas Covered Court

Magtulungan tayo upang maging handa sa nalalapit na halalan at pagpapatupad ng mga makabuluhang hakbang para sa ating komunidad.

Dahil ang bawat boto ay mahalaga, ito'y pagkakataon para sa atin na maunawaan ang mga isyung nakataya sa ating Barangay. Dito rin natin masusuri ang mga plano at layunin ng mga kandidato para sa BSKE 2023.

*Alamin. Partisipahin. Bumoto ng May Pananampalataya.*

Salamat sa inyong pakikiisa!

Pinagbatayan: COMELEC DRT, Bulacan

Published and Edited by: Angelo S. Cruz



ALAMIN: Sa Buwan ng Wikang Pambansa, ating ginugunita ang halaga at kahalagahan ng ating pambansang wika - ang Wikang Fi...
01/08/2023

ALAMIN: Sa Buwan ng Wikang Pambansa, ating ginugunita ang halaga at kahalagahan ng ating pambansang wika - ang Wikang Filipino. Ito ang panahon kung saan binibigyang diin natin ang kahusayan ng bawat Pilipino sa paggamit at pagpapahalaga sa ating wika.

Mula sa balagtasan, tula, sanaysay, sabayang pagbigkas, hanggang sa katutubong awit, ipinakikita natin ang ating pagmamahal sa wikang Filipino. Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, tayo'y nagkakaisa at nagiging mas maunlad bilang isang bansa.

Ipinapatupad natin ang temang "Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan," upang bigyang-pansin ang papel ng ating wika sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa lipunan. Sa pamamagitan ng wika, nagiging malinaw ang komunikasyon at mas maraming tao ang nabibigyan ng boses at oportunidad.

Kaya't sa pagdaan ng Buwan ng Wikang Pambansa, patuloy nating alalahanin na ang wikang Filipino ay hindi lamang simbolo ng ating pagkakakilanlan bilang isang bansa, kundi ito rin ang sandigan ng ating bayanihan at pagkakaisa. Magkaisa tayo, at sa tulong ng ating wika, sama-samang makakamtan ang pag-unlad at tagumpay ng ating bansa.

Babasahin:
https://www.csc.gov.ph/announcements/announcement-no-13-s-2023






TIGNAN: Sa nakalipas na araw, mas lalong SUMIBOL ang pagmamahal natin sa ating mga kabarangay. Kaya’t ang inyong mga lin...
31/07/2023

TIGNAN: Sa nakalipas na araw, mas lalong SUMIBOL ang pagmamahal natin sa ating mga kabarangay. Kaya’t ang inyong mga lingkod ay nagbahagi ng konting pagkain. Sa simpleng bagay na ito ay nawa’y nakapag bigay tayo ng ngiti at kalakasan sa puso ng bawat isa, kahit na ang panahong ito ay sinubok tayo!

Samahan ninyo po kami sa aming paglalakbay tungo sa masaganang pag-usbong ng mga pangarap at pag-asang nagbubukal mula sa puso ng kabataan at bayan.

Mag-iingat po tayo sa tuwi tuwi na at huwag kalimutang magdasal para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat isa.
Maraming salamat po!



Address

Barangay Bayabas
Doña Remedios Trinidad
3009

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sibol Kabataan ng Barangay Bayabas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sibol Kabataan ng Barangay Bayabas:

Share