21/06/2026
✨ AQUINO GOT TALENT 2026 ✨
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na Aquino Got Talent na ginanap noong June 20, 2026 dito sa Barangay Aquino!
Una sa lahat, taos-pusong pasasalamat sa ating Board of Judges na naglaan ng kanilang oras, kaalaman, at patas na paghusga upang maging matagumpay ang ating patimpalak. Maraming salamat din sa lahat ng contestants na buong tapang na ipinakita ang kanilang talento at galing sa entablado. Kayo ang tunay na puso ng programang ito.
Sa mga kabataan ng Barangay Aquino at sa lahat ng sumuporta, nakiisa, at naki-celebrate kasama namin, maraming-maraming salamat. Ang inyong presensya, sigla, at suporta ang naging dahilan kung bakit naging mas masaya at makabuluhan ang ating programa.
Lubos din kaming nagpapasalamat sa ating Punong Barangay Ernie Sioson at sa buong Barangay Officials para sa kanilang suporta at pakikiisa sa mga programang nakalaan para sa kabataan. Gayundin, maraming salamat kay SK Chairperson Ajieluz Manabat at sa buong Sangguniang Kabataan Officials ng Barangay Aquino na walang sawang nagplano at nagtrabaho upang maisakatuparan ang event na ito.
Congratulations din sa ating mga raffle winners na nag-uwi ng mga papremyo tulad ng electric fan, 5kg rice, grocery packages, electric kettle, rice cooker, at cash prizes na ₱200 para sa 25 masuwerteng winners!
Muli, maraming salamat, Barangay Aquino! Hanggang sa susunod nating programa. Patuloy nating suportahan ang talento, pagkakaisa, at kakayahan ng kabataang Aquino. 💙✨