04/06/2026
πππππ πππππππππππ πππ ππππππππ πππππππ | ππππ ππ, ππππ
Ginanap ngayong araw sa Bulwagan ng Bayan ang oryentasyon para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE), na dinaluhan ng 411 kalahok mula sa ibaβt ibang barangay ng bayan ng Dinalupihan.
Layunin ng aktibidad na magbigay ng kaalaman ukol sa mga isasagawang gawain, gayundin sa mga kwalipikasyon at kinakailangang proseso upang makalahok sa programa. Samantala, nagbigay rin ng impormasyon ang Municipal Health Office (MHO) tungkol sa PhilHealth YAKAP Program, na pinangunahan ni Dra. Marla Ronquillo bilang representante ni MHO Head Dra. Lahaina Bulaong.
Pinangunahan ang aktibidad ng ating 3rd District Office sa pamumuno ni Cong. Gila Garcia, na kinatawan ni Ms. Harley Duero, katuwang din sa pagsasagawa ng oryentasyon ang ating PESO Manager, Hector Lintag, upang masiguro ang maayos na daloy ng programa at pagbibigay ng impormasyon sa mga kalahok.