04/09/2026
SA MATAGUMPAY NA PAGTATAPOS NG ATING KAMPANYA LABAN SA TIGDAS AT TIGDAS HANGIN
Sa pagtatapos ng ating Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA), buong puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng kampanyang ito.
Taos-puso po ang aming pasasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng Dinalungan, sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Hon. Arvee Vargas, sa walang sawang suporta at pakikiisa sa programang MR-SIA. Ang inyong suporta ay naging mahalagang bahagi upang maisakatuparan ang layunin ng kampanyang ito.
Lubos din ang pasasalamat ng Municipal Health Office sa ating mga Barangay Local Government Units (BLGUs), mula Barangay Ditawini hanggang Nipoo. Hindi po magiging matagumpay ang kampanyang ito kung wala ang inyong suporta at pakikiisa mula day one hanggang sa huling araw. Maraming salamat sa inyong pagtanggap, pakikipagtulungan, at pagtulong upang maabot ang bawat batang kailangang maprotektahan.
Sa aming mga masisipag na BHWs at BNS, na hindi inalintana ang pagod, init, at mahabang oras ng pag-iikotโmaraming, maraming salamat po! Kayo ang naging katuwang ng ating mga Midwives, DOH-HRH, at Public Health Nurses sa pagsundo, pagmomonitor, at paghikayat sa mga batang hindi pa nababakunahan. Ang inyong dedikasyon sa serbisyo ay tunay na kahanga-hanga.
Pasasalamat din sa aming OIC Municipal Health Officer, Dr. Beverly Beralde sa paglalaan ng oras sa huling araw ng pagbabakuna upang makahikayat pa lalong lalo na sa mabababa ang coverage na barangay.
Higit sa lahat, taos-puso po ang aming pasasalamat sa ating mga magulang at tagapangalaga ng mga batang nabakunahan. Maraming salamat sa inyong tiwala sa Municipal Health Office. Kayo po ang tunay na katuwang at bayani ng kampanyang ito dahil pinili ninyong maniwala, makiisa, at gawin ang inyong bahagi upang maprotektahan hindi lamang ang inyong mga anak kundi pati na rin ang inyong mga ka-barangay.
Sa bawat batang nabakunahan, isang hakbang tayo tungo sa mas ligtas at mas protektadong komunidad at sa pagkamit ng HERD IMMUNITY. ๐ก๏ธ
Humihingi rin po kami ng paumanhin sa anumang hindi pagkakaunawaan o pagkakataong maaaring na-misunderstood ang aming mga health workers. Nauunawaan po namin na may mga pagkakataong hindi naging madali ang ating mga pag-uusap at proseso. Ngunit nais po naming ipabatid na wala kaming ibang hangad kundi ang makamit ang nararapat na proteksyon para sa inyong mga anak.
Bilang mga Public Health Workers, ito po ang aming sinumpaang tungkulinโang maglingkod, magbigay-kaalaman, manghikayat, at higit sa lahat, maiwasan ang sakit bago pa ito magkaroon ng pagkakataong makapinsala.
PREVENTION IS ALWAYS BETTER THAN CURE.
Sa pagtatapos ng kampanyang ito, baon namin ang pasasalamat sa bawat taong naglaan ng oras, pagod, suporta, at tiwala.
Maraming salamat, Dinalungan!
Mula sa Municipal Health Office, maraming salamat sa inyong pakikiisa, pakikipagtulungan, at sama-samang paninindigan para sa kalusugan ng ating mga chikiting.
TAPOS NA ANG KAMPANYA, PERO ANG PANININDIGAN PARA SA KALUSUGAN AY AMING IPAGPAPATULOY.