27/10/2026
📣 MATAGUMPAY NA NAISAGAWA ANG BARANGAY ASSEMBLY DAY – SECOND SEMESTER CY 2026!
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh! 🤝
Matagumpay na isinagawa ang Barangay Assembly Day – Second Semester CY 2026 noong Oktubre 19, 2026, sa Covered Court ng Barangay Bugawas, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Sa temang “Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad,” naging pagkakataon ang pagtitipong ito upang maibahagi ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga programa, proyekto, at serbisyo ng barangay, mapakinggan ang mga suhestiyon at saloobin ng ating mga kabarangay, at higit pang mapalakas ang ugnayan ng pamahalaang barangay at ng komunidad.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga panauhing naglaan ng kanilang oras upang dumalo at makiisa sa ating Barangay Assembly, lalo na kina Hon. Teodoro “Ted” Moinggit, Municipal Councilor; Fire Inspector Joselito A. Oclarino at sa mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP); Zacarnain M. Acmad, Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO), kasama ang mga kawani nito; Jomar Timpadan at sa mga kinatawan ng Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR); Secretary Ronald Ramos; Police Corporal Sulaiman Managsa at sa kanyang mga kasamahan mula sa Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station (DOS MPS); at Bai Noridja Mamalinta Dimalen, RN, Nurse Supervisor. Maraming salamat po sa inyong pagdalo, pagbabahagi ng kaalaman, at patuloy na pagsuporta sa ating komunidad. Malaking bagay po ang inyong pakikiisa upang maging mas makabuluhan at matagumpay ang pagtitipong ito.
Nagpapasalamat din po kami sa ating Punong Barangay, Hon. Abdulmain A. ABAS Jr., sa mga miyembro ng Sangguniang Barangay, mga kawani ng barangay, at sa lahat ng tumulong sa paghahanda at pagsasagawa ng aktibidad. Higit sa lahat, maraming salamat sa ating mga kabarangay na naglaan ng oras upang dumalo, makinig, magbahagi ng kanilang mga saloobin, at aktibong makilahok. Ang inyong presensya at suporta ay nagpapakita na mahalaga sa atin ang pagkakaisa at sama-samang pag-unlad ng ating barangay.
Sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon, pagtutulungan, at pakikiisa ng bawat isa, patuloy nating mapapalakas ang ating komunidad at maisusulong ang mga programang makatutulong sa kapakanan ng lahat.
Muli, maraming salamat po sa inyong lahat! Nawa ay patuloy tayong magkaisa at magtulungan para sa isang mas maayos, mapayapa, at maunlad na Barangay Bugawas. Sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad na may pagkakaisa, malasakit, at tunay na paglilingkod. đź’šđź’›
Mabuhay ang Barangay Bugawas!