STAND UP CMC

STAND UP CMC STAND UP CMC is the local chapter of STAND UP - the broadest political party-alliance of students in

DEPENSAHAN ANG MALAYANG PAMAMAHAYAG! PALAYAIN ANG MGA BILANGGONG PULITIKAL! ILITAW ANG LAHAT NG DESAPARECIDOS!Ngayong ar...
30/08/2024

DEPENSAHAN ANG MALAYANG PAMAMAHAYAG! PALAYAIN ANG MGA BILANGGONG PULITIKAL! ILITAW ANG LAHAT NG DESAPARECIDOS!

Ngayong araw, Agosto 30, minamarkahan natin ang Araw ng Pambansang Kalayaan sa Pamamahayag bilang paalala sa patuloy na pagdepensa sa karapatan natin sa isang midyang malaya at pagtamasa sa tunay na diwa ng demokrasya sa Pilipinas.

Ayon sa World Press Freedom Index ng Reporters Without Borders, nahuhuli sa ranggo ang Pilipinas sa pwestong ika-134 sa 180 kabilang pang bansa at teritoryo. Manipestasyon ito sa taguri sa Pilipinas bilang isa sa pinakadelikadong bansa para sa mga mamamahayag bunsod ng patuloy na karahasan at intimidasyon ng estado sa mga tagapagtaguyod ng katotohanan at tagapagmasid ng kabulukan, korapsyon, at impyunidad na nangyayari sa Pilipinas.

Sa antas ng mga publikasyong pangestudyante, marami ang dumadaan sa pagsensura gawa ng administratibong mga patakaran sa pamantasan. Nauudlot din ang operasyon ng mga estudyanteng mamamahayag dahil sa lumalalang burukrasya na humahadlang sa pagkamit ng pondo at espasyo. Bilang alternatibong tagapag-hatid ng balita, hangaring ng mga publikasyong pangkampus na maging progresibo at lumihis sa pagiging papet lamang ng mga administrasyon ng pamantasan.

Sa kanayunan, ika-apat na taon na sa kulungan ang community journalist na si Frenchie Mae Cumpio mula sa akusasyon at walang batayang pagkakakulong sa kanya ng awtoridad noong 2020. Mas kahindik-hindik rin na tatlong mamamahayag na pinatay noong nakaraang taon ay galing sa kanayunan . Ang mga malalagim na sinasapit ng ating mga mamamahayag sa kanayunan at komunidad ay nag-uugat sa kagustuhang sila’y patahimikin; dahil ang pagpapatahimik sa midya ay pagpapatahimik sa naratibo ng masa.

Hindi lihis ang danas ng mga mamamahayag sa labas ng Pilipinas, kabilang na rito ang mga mamamahayag sa Gaza na humaharap sa mapanupil na kamay ng imperyalistang US. Ngayong araw rin, inaalala natin ang mga desaparecidos – mga taong puwersahang dinakip ng mga puwersa ng estado. Talamak ang kaso nito sa mga mamamahayag partikular na sa Palestine kung saan walang habas na tinotortyur at isinasawalang bahala ang buhay ng mga tao. At sa bawat buhay ng mamamahayag na hindi na mabilang at mapangalanan sa kanilang pagkapaslang o pagkawala, ay pagkabigong makalabas ng katotohanan sa pambubusabos ng estado sa mga sibiliyan.

Litaw sa mga kasong ito na saanmang anggulo tignan, walang nangyayaring “lifting of fear” para sa mga mamahayag dahil talamak pa rin ang samu’t saring inhustisya sa ilalim ng mga pasista gaya ng rehimeng Marcos-Duterte.

Mula Pilipinas hanggang Gaza, sa pamantasan hanggang kanayunan, ngayong makabuluhang Pambansang Araw ng Kalayaan sa Pamamahayag, nagkakaisa tayo sa pagsulong ng tunay na midyang malaya at mapagpalaya.

Kasabay nito ay ang ating pagkalampag sa Kongreso sa pagpasa sa Campus Press Freedom Bill upang tuluyang matamasa ng mga estudyante ang kalayaan na magpahayag at maging mas kritikal sa administrasyon, lipunan at sa kasalukuyang sitwasyon ng midya. Sa isang lipunan kung saan ang mga isyu ng kawalan ng katarungan ay patuloy na humahadlang sa pag-unlad at pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan, mahalagang ipakita natin ang ating matibay na determinasyon sa paglaban. Hindi tayo titigil hangga't ang kalayaan sa pamamahayag ay maging pangunahing karapatan ng bawat isa. Patuloy ang ating paglaban hangga’t makalaya ang lahat ng bilanggong alagad ng midya at wala nang pinapaslang sa ngalan ng kritikal na pamamahayag.




KITAKITS SA ORG FAIR BUKAS MULA 9AM HANGGANG 4PM! ✊Ang STAND UP CMC ay ang lokal na balangay ng STAND UP sa Kolehiyo ng ...
23/08/2024

KITAKITS SA ORG FAIR BUKAS MULA 9AM HANGGANG 4PM! ✊

Ang STAND UP CMC ay ang lokal na balangay ng STAND UP sa Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla. Ito ay binubuo ng mga pormasyong naniniwala na ang edukasyon ay isang karapatan. Sinusulong ng STAND UP CMC ang isang pambansa, siyentipiko, at makamasang alternatibo sa kasalukuyang sistema ng edukasyon.

Ito ang panahon para sa mga Alagad ng Media na militanteng ipaglaban ang ating mga demokratikong karapatan at paglingkuran ang sambayanan.

Wala kaming application process! Mag-schedule lamang ng orientation dito: bit.ly/STANDUPCMCOrye at bisitahin ang aming social media pages!

Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP - CMC (STAND UP CMC)

 ❤️‍🔥
28/04/2024

❤️‍🔥

TW: This article contains graphic descriptions of death.

Kal never marched in Cine Adarna as a Maskom graduate. But on April 20, the entire cinema was hers.

It seemed fitting. After all, Maskom was her first home, and she lived the college’s principles ‘til the very end: magmulat, maglingkod, makibaka.

Read: tinigngplaridel.net/para-kay-kal/

Story by Guinevere Latoza
Design by Azel Cabais
Photos by STAND UP CMC & Kal Peralta

22/04/2024
Para Kay Kal: Pagdiriwang ng Makulay at Radikal na Buhay ni KalThis is an invitation to celebrate our beloved Kal's life...
19/04/2024

Para Kay Kal: Pagdiriwang ng Makulay at Radikal na Buhay ni Kal

This is an invitation to celebrate our beloved Kal's life and her total embodiment of service to the people. This is a remembrance of Kal's principles that are deeply rooted, not just in compassion for the downtrodden, but in a societal analysis that extols the masses as the primary agents of change.

Let's gather on Saturday (April 20), 1:00 to 4:00 PM at Cine Adarna, UP Diliman to give Kal a hero's welcome and tribute!

For those who will be attending physically, please register here: bit.ly/ParaKayKalLive

For those who will be attending online, please register here: bit.ly/ParaKayKalOnline

This isn't the end. It is but the dawning of a new chapter in our beloved Kal's life. A chapter in which her fire and determination live on in us whose lives she touched. 🔥✊🏽❤



PINAKAMATAAS NA PAGPUPUGAY SA’YO, ATE KAL! ✊Ipinapaabot ng STAND UP CMC ang pinakamataas na pagpupugay kay Kal Peralta, ...
16/04/2024

PINAKAMATAAS NA PAGPUPUGAY SA’YO, ATE KAL! ✊

Ipinapaabot ng STAND UP CMC ang pinakamataas na pagpupugay kay Kal Peralta, dating Chairperson ng partido-alyansa sa CMC at isang Alagad ng Midya na naglingkod sa sambayanan hanggang dulo.

Para sa mga kaanak, kaibigan at lahat ng gustong makiramay, pwede na nating makasama ang labi ng pinakamamahal nating si Kal mula ngayong araw hanggang April 18 sa Room 111, St. Peter Chapels Quezon Ave., Quezon City.

Magkakaroon rin ng Grand Parangal para kay Kal. Ilalabas ang mga detalye tungkol dito sa madaling panahon.

Patuloy pa rin ang pangangalap ng donasyon para maagapayan ang pamilya sa mga gastusin sa lamay at libing. Ang mga detalye sa pagpapadalhan ay nasa ibaba.

Hindi ito pagtatapos. Buhay si Kal sa bawat isa sa atin. 🔥 Pagpupugay sa buhay na inialay sa sambayanan! ✊🏽 Mahal ka namin, Kal! ❤

*Details of the Grand Parangal/ Tribute to follow. Please keep posted.



birthday na ni marcos 😵‍💫birthday na ni marcos 🤒birthday! 🤢 na ni! 🤢 marcos! 🤢 ngayon! 🤮daan kayo sa booth ng STAND UP C...
11/09/2023

birthday na ni marcos 😵‍💫
birthday na ni marcos 🤒
birthday! 🤢 na ni! 🤢 marcos! 🤢 ngayon! 🤮

daan kayo sa booth ng STAND UP CMC ngayong araw sa CMC Org Fair! abangan niyo rin kami sa FWA!

DEFEND THE DEFENDERS! HANDS OFF JPEG GARCIA! JUNK TERROR LAW! Last September 1, Student Regent 3rd Nominee Jpeg Garcia w...
04/09/2023

DEFEND THE DEFENDERS! HANDS OFF JPEG GARCIA! JUNK TERROR LAW!

Last September 1, Student Regent 3rd Nominee Jpeg Garcia was accused of having violated the Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020, as filed by the 59th Infantry Battalion-Philippine Army (IBPA). This makes Garcia the 19th individual from Southern Tagalog who faces trumped up charges for allegedly violating the ATA. The state weaponizes this law against human rights defenders, including Kenneth Rementilla, Jasmin Rubia, and Hailey Pecayo.

Last July 2022, Garcia, Rementilla, Pecayo and Rubia joined a fact-finding mission to probe the killing of a 9-year-old Kyllene Casao in Taysan, Batangas. This was the basis of the 59th IBPA to press charges against them, to cover up the murder of the child.

The weaponization of this draconian law further intensifies the fascist attacks towards militant groups and individuals who only call for social change and justice amidst relentless and unjust attacks of the state. Now that we are under a Marcos-Duterte regime, the threats to rights defenders increase and impunity escalates. With that, militarization of farmlands, villages, schools and even universities intensify as part of the counter-insurgency program of the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

We strongly condemn the tactics of the 59th Infantry Battalion and other state forces to intimidate activists’ attempts in demanding justice on state-sponsored killings. The trumped up charges against Garcia and other human rights defenders only perpetuates the culture of impunity among the ranks of the Philippine Army who are the real suspects of indecency and homicide. In the face of assault toward activists, it is imperative that we demand for the abolishment of the NTF-ELCAC and the junking of the Anti-Terror Act.

Marcos and Duterte are threatened by the masses’ united and strengthened force that exposes their reign of terror, thus they manipulate the law against us. Nevertheless, our struggle persists and we remain unfazed as we fight for the dismissal of charges against Jpeg Garcia, the 18 Southern Tagalog activists, and other defenders antagonized by the state.

HANDS OFF ACTIVISTS!
STOP THE ATTACKS!

OPISYAL NA PAHAYAG NG STAND UP CMC HINGGIL SA PAMUMUNO NG STAND UPTW // sexual harassment at abuseNitong mga nagdaang ar...
09/05/2023

OPISYAL NA PAHAYAG NG STAND UP CMC HINGGIL SA PAMUMUNO NG STAND UP

TW // sexual harassment at abuse

Nitong mga nagdaang araw, nalantad sa Aktibisita 2023 ang ‘di-katanggap-tanggap na paggalaw ng pamunuan at ilang mga miyembro ng STAND UP hinggil sa paghawak ng mga kaso ng sexual harassment at pag-abuso sa kapangyarihan. May ilang mga tindig din ang partido, partikular sa usapin ng bagong Chancellor at sa Frat-Related Violence na umani ng batikos hindi lamang sa mga dumalo sa forum, kundi mula na rin sa mga kasapi ng partido.

Lubos na nabahala ang lokal na balangay ng STAND UP CMC sa mga tindig at kasagutan ng partido sa Aktibisita 2023. Sa mga inilabas na impormasyon kaugnay sa mga aksyon ng STAND UP, hindi naisentro ang impormasyong ito sa mga kasaping organisasyon at lokal na balangay, kabilang na ang STAND UP CMC.

Malinaw mula sa mga akusasyon ng pagmamaliit sa mga biktima, pagwalis sa mga lehitimong mga hinaing nila, dagdag pa ang kwestiyonableng mga tindig at kakulangan sa pag-abot sa malawak nitong kasapian — pumalpak ang kasalukuyang pamumuno ng STAND UP sa pagtugon sa mga hinaing ng mga kasapi nito.

Batayang prinsipyo ng mga Alagad ng Midya ang pagtataguyod ng katotohanan at paglilingkod sa pamamagitan ng kritikal na pamamahayag. Sa matapat na paggampan sa papel na ito, nangangahulugang kahit ang STAND UP CMC ay hindi maaaring palusutin ang mga kilos ng STAND UP na tumataliwas sa mga prinsipyo nito. Higit pa rito, lubos na naaapektuhan sa ngayon ang buong kasapian ng partido dahil sa pagkait ng mga demokratikong proseso sa mga miyembro at mga lokal na balangay sa mga kolehiyo.

Mariing kinokondena ng STAND UP CMC ang pamunuan ng STAND UP sa paglihis sa mga batayang prinsipyong pang-organisasyon ng partido, partikular sa kapabayaan nito sa mga mabibigat na usapin tulad ng sexual harassment. Sa paglaban para sa mga ligtas na espasyo, hindi katanggap-tanggap ang pagtugon ng pamunuan ng STAND UP sa ganitong mga kaso na nagpanganib sa kaligtasan at kalagayan ng mga biktima.

Bilang pagtindig kasama ng mga biktima, mariin naming pinapanawagan at sinisiguro ang aming pakikilahok sa pagwawasto ng mga kamalian at pagpapanagot sa mga nagkasala. Pinapanawagan ng STAND UP CMC na:
(1) Harapin ng mga kasaping nadawit sa sexual harassment ang mga akusasyon, magpasailalim sa mga lehitimong proseso, at tanggapin ang mga karampatang parusa ng kanilang mga pagkakamali;
(2) Agarang simulan ng STAND UP ang mga imbestigasyon at magbukas ng sexual harassment desks nang matulungan ang mga biktima sa pagkamit ng hustisya; at
(3) Higit sa lahat, baguhin ayon sa pangangailangan at paunlarin ng STAND UP ang konstitusyon at mga mekanismo nito para tugunan ang mga akusasyon hinggil sa sexual harassment at abuso. Hinahamon din namin ang STAND UP na agarang maglabas ng pahayag hinggil sa paghingi ng tawad sa mga biktima ng karahasan at pagpapabaya ng pamunuan.

SA PANAHONG HINDI PANGUNAHAN NG STAND UP DILIMAN ANG PAGBABAGO AT PAGWAWASTO NG PAMUNUAN, NAKAHANDA ANG STAND UP CMC NA MANGUNA SA PAGWAWASTO NG PARTIDO. DAHIL SA TATAG AT DETERMINASYONG NAKASANDIG SA LAKAS NG MAMAMAYAN, PATUNAY ANG KASAYSAYAN NG STAND UP CMC SA PAGHARAP NITO SA HINDI MABILANG NA MGA KAHIRAPAN AT KRISIS SA LOOB O LABAS MAN NG PAMANTASAN.

Hinihikayat din ng STAND UP CMC ang iba pang mga balangay ng STAND UP, maging ang mga kasaping pormasyon, na makiisa sa ating aktibo at malay na kolektibong pagwawasto hanggang sa pagkamit ng mga pagbabagong sama-sama nating ninanais sa organisasyon.

Nananatiling tunay, palaban, at makabayan ang STAND UP CMC sa pagsingil ng hustisya at pananagutan, saan mang panig ito magmula. Walang takot na haharapin ng STAND UP CMC ang bawat daluyong na hahampas sa patuloy na paglaban nito para magkaroon ng boses hindi lamang ang mga estudyante ng Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon, higit at lalo na ang mga inaapi at naghihirap na mga sektor ng lipunang Pilipino.

11/04/2023
20/03/2023

Address

Diliman

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when STAND UP CMC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to STAND UP CMC:

Share