28/05/2026
Ano ang SSO sa madaling salita?
Isipin mo na ang SSO (Single Sign-On) ay isang Digital Hall Pass.
Isang beses ka lang magsusulat ng pangalan mo sa guard, bibigyan ka na ng isang magic pass. Gamit ang pass na 'to, pwede mo nang pasukin ang lahat ng kwarto sa school nang hindi mo na kailangang kumatok at magpakilala nang paulit-ulit sa bawat pinto.
Ang dalawang magkaibang bagay.
Sa opisina, may dalawang magkaibang lugar kung saan nakatago ang mga laruan o files natin:
On-Prem (On-Premises): Ito ang "Bahay o Opisina." Ito 'yung mga computer, server, at hard drive na physical mong nahahawakan at nakikita sa loob mismo ng gusali.
Azure: Ito ang "Cloud o Virtual space." Ito 'yung mga apps at websites na gumagana gamit ang internet (tulad ng Microsoft 365, SharePoint, o email). Hindi mo sila nakikita physically, pero andoon sila sa cloud.
Ang Invisible Glue.
Azure AD Connect: Siya naman ang "Tulay o Tagapasa." Dahil magkaiba ang lugar ng On-Prem (opisina) at Azure (cloud), si Azure AD Connect ang tagakopya ng mga pangalan at password. Pinagdidikit niya ang dalawang bagay para maging isang sistema na lang sila.
Bakit ito magandang gamitin?
Hindi Nakakapagod: Isang password lang ang tatandaan mo, hindi sampu.
Sobrang Bilis: Isang login lang, pasok ka na sa lahat ng apps mo.
Mas Secure: Pag may umalis na empleyado, isang click lang sa system, bawi agad ang magic pass niya sa lahat ng kwarto.
Ang Goal: Isang login. Pasok kahit saan.