Councilor KipKip Yogyog

Councilor KipKip Yogyog

📢 PUBLIC INFORMATIONMagandang araw po sa ating lahat.Sa pamamagitan ng suporta ng ating LGU, sa pangunguna ng ating maha...
24/03/2026

📢 PUBLIC INFORMATION

Magandang araw po sa ating lahat.

Sa pamamagitan ng suporta ng ating LGU, sa pangunguna ng ating mahal na Mayor at Vice Mayor, tayo po ay matagumpay na nakapagsagawa ng isang committee hearing bilang Chairman ng Committee on Transportation ng ating Sangguniang Bayan.

Ang nasabing pagdinig ay hiling ng ating mga tsuper na magtaas ng pamasahe, at isinagawa rin kaugnay ng mga issues and concerns sa ilang nagpapatupad na ng pagtaas ng pamasahe.

Matapos ang maayos na talakayan kasama ang ating mga Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA), napagkasunduan po na WALA MUNANG ipatutupad na pagtaas ng pamasahe hanggang sa susunod na abiso (until further notice).

Ito po ay para sa kapakanan at fairness ng ating mga pasahero, upang hindi agad sila maapektuhan, lalo na at may umiiral namang Discount Card Program na ipinapatupad ng ating probinsya para sa ating mga rehistradong tricycle drivers.

Kami po, bilang inyong lingkod at Chairman ng Committee on Transportation, sa ilalim ng pamumuno ng ating mahal na Mayor,Vice Mayor at inyong Local Officials ay patuloy na gagawa ng mga hakbang, plano, at solusyon upang matugunan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, nang may balanse sa kapakanan ng parehong tsuper at pasahero.

Lubos din po tayong nagpapasalamat sa ating Provincial Government, sa pamumuno ng ating mahal na Gobernador at ng ating Congresswoman, sa patuloy na suporta at programang nakatutulong sa ating mga tsuper at sa buong komunidad.

Nanawagan po tayo sa lahat ng ating mga tricycle drivers at TODA na mahigpit na sundin ang napagkasunduang ito at panatilihin ang umiiral o dating pamasahe. Ang sinumang mapapatunayang lalabag at magpapatupad ng hindi awtorisadong taas-pamasahe ay maaaring patawan ng kaukulang aksyon.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa at pag-unawa.

Just Follow my Page for more updates and information.
👉 https://www.facebook.com/share/1DSLiWH88d/

First Regular Session of March(March 02,2026 -Monday)During our session, I sponsored two proposed measures:1. The propos...
05/03/2026

First Regular Session of March
(March 02,2026 -Monday)

During our session, I sponsored two proposed measures:

1. The proposed ordinance granting cash incentives to Diffun-based athletes who win in international, national, regional, and provincial competitions has now reached its Third and Final Reading.

2. The proposed ordinance granting gratuities to barangay officials, including the IPMR, who have rendered three (3) consecutive terms of service in the Municipality of Diffun is now subject for committee hearing prior to its Second Reading for further deliberation and possible amendments.

Through these measures, we aim to recognize excellence in sports and honor the dedication of our barangay officials who have faithfully served our communities.

We are hopeful for the approval of these measures for the benefit of our athletes, our barangay officials, and the people of Diffun.

Patuloy po tayong magseserbisyo at magsusulong ng mga panukalang makakatulong sa ating bayan.
Mabuhay ang Bayan ng Diffun.

Just Follow my Page for more updates and information.
👉 https://www.facebook.com/share/1DSLiWH88d/

Earlier today, the Sangguniang Bayan of Diffun convened a Committee of the Whole hearing, in the exercise of its oversig...
27/02/2026

Earlier today, the Sangguniang Bayan of Diffun convened a Committee of the Whole hearing, in the exercise of its oversight function and in aid of legislation, to clarify the status of the RHU Rehabilitation Project and related funding matters.

We invited the funding agency, DOH Region 2, and the implementing agency, DPWH, to provide updates on the project. Also present were our Municipal Health Officer, OIC Municipal Engineer, and our MPDC/Municipal Administrator to ensure proper coordination at the local level.

The objective of this hearing is to help facilitate and expedite the remaining processes so that our Rural Health Unit may soon operate at full capacity and fully serve our constituents.

Magandang araw po sa lahat.Public Information,Bilang Committee on transportation na inyong ipinagtiwala sa akin.Ibinabah...
04/02/2026

Magandang araw po sa lahat.
Public Information,

Bilang Committee on transportation na inyong ipinagtiwala sa akin.
Ibinabahagi ko po ang mahahalagang impormasyon mula sa Road Safety Summit na aking dinaluhan ngayong araw, ayon sa pahayag ng OIC ng LTO Provincial Office.

1.Tungkol sa "No Helmet Zone" Ordinance ng ating bayan :
Mayroon pong umiiral na ordinansa ang ating bayan na nagtatakda ng “No Helmet Zone.”
Gayunpaman, ipinaliwanag ng LTO na hindi sila saklaw ng nasabing ordinansa dahil ang kanilang ipinatutupad ay ang National Law na nag-uutos ng mandatory wearing of motorcycle helmets sa lahat ng kalsada.

👉Ano ang ibig sabihin nito?
•Ang No Helmet Zone Ordinance ng bayan ng Diffun ay ipinatutupad lamang ng ating lokal na traffic enforcers at PNP.
•Ang LTO, bilang ahensya ng national government, ay patuloy na mag-iisyu ng ticket sa mga hindi nakasuot ng helmet alinsunod sa national law, kahit pa nasa loob ng “no helmet zone.”
•Posibleng ang top violation na maitala ng LTO ay “no helmet.”

Paalala sa mga motorista:
Upang maiwasan ang abala, multa, at higit sa lahat para sa kaligtasan, mas mainam pa ring magsuot ng helmet sa lahat ng oras kapag nagmomotorsiklo.

2. Tungkol sa pagbabawal ng E-Trike sa National Highway

Para po sa mga nagtatanong ukol sa E-Trike:
•Bawal po ang E-Trike sa National Highway, alinsunod sa national traffic rules.
•Ayon sa LTO, ang DPWH lamang ang may kapangyarihang maglagay ng bike lane o special lane sa mga national highways.
•Hangga’t walang itinalagang bike lane o special lane mula sa DPWH, mananatiling bawal ang E-Trike sa national highway.

Ang patakarang ito ay ipinatutupad para sa kaligtasan ng mga driver, pasahero, at lahat ng gumagamit ng kalsada.

3. Tungkol sa E-License at LTO Portal

Para rin po sa kaalaman ng lahat ng motorista:
•Kung sakaling naiwan ang inyong physical driver’s license,
TINATANGGAP ang E-License, basta ito ay ipinapakita mismo sa opisyal na LTO Portal.
•Kapag kayo ay nahuli, dapat buksan at ipakita ang inyong LTO Portal account bilang patunay ng valid na lisensya.

Paalala sa lahat ng motorista:
👉 Inirerekomenda ang pag-download at paggawa ng LTO Portal account upang:
•May backup na E-License
•Maiwasan ang abala kapag naiwan ang physical license
•Mas mabilis at maayos ang verification ng inyong lisensya

Ang impormasyong ito ay inilalabas upang malinawan ang publiko at maiwasan ang kalituhan sa pagpapatupad ng batas trapiko sa ating bayan.

Just Follow my Page for more updates and information.
👉 https://www.facebook.com/share/1DSLiWH88d/

Maraming salamat po at mag-ingat tayong lahat sa daan. 🙏🚦

13/01/2026

First Regular Session of Sangguniang Bayan of Diffun.
January 12,2026.

Bukas po ang aking opisina para sa inyong mga isyu at concerns.
Maaari po kayong magtungo sa aking opisina lalo na sa mga usaping sakop ng aking committee :

-Infrastructure
-Public Works
-Transportation and Communication
-Facilities and Utilities

Just Follow my Page for more updates and information.
👉 https://www.facebook.com/share/1DSLiWH88d/




15/05/2025

Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa Iglesia Ni Cristo at sa buong Religious Community sa inyong tiwala at suporta sa aking kandidatura. Ang inyong pagkakaisa at panalangin ay naging malaking bahagi ng ating tagumpay.

Ang inyong tiwala at suporta ay siyang magsisilbing aking inspirasyon na magserbisyo ng taos puso, tapat at may takot sa diyos.
Ipagpatuloy natin ang ating pagtutulungan sa pagtatrabaho tungo sa kapayapaan, pag-unlad, at ikabubuti ng bawat Pilipino.

Muli MARAMING SALAMAT sa inyong tiwala at nawa’y pagpalain tayong lahat ng Diyos.

Ang inyong lingkod,
JOHN CLEIFFERSON "Kipkip" YOGYOG


Mga minamahal kong kaibigan, tagasuporta, at sa lahat ng aking mga kababayan sa Diffun, Quirino.Ngayon, ang aking puso a...
13/05/2025

Mga minamahal kong kaibigan, tagasuporta, at sa lahat ng aking mga kababayan sa Diffun, Quirino.

Ngayon, ang aking puso ay puno ng taos-pusong pasasalamat at kababaang-loob. Dahil sa inyong walang sawang suporta, tiwala, at paniniwala, nakamit natin ang isang kahanga-hangang tagumpay ng sama-sama.

Ang tagumpay na ito ay hindi para sa akin lamang — ito ay tagumpay nating lahat. Para ito sa bawat isa sa inyo na bumoto, tumulong, nagpakalat ng mensahe, at nanindigan para sa ating hangaring magkaroon ng mabuting pamahalaan.

Ang laban na ito ay hindi para sa akin.
Ito ay para sa inyong lahat — sa mga pamilya, manggagawa, kabataan, at nakatatanda na naniniwala sa progreso, pagkakaisa, at kapangyarihan ng komunidad.

Sa aking mga kasama, pamilya, at sa bawat taong naniwala kahit hindi tiyak ang daan — MARAMING SALAMAT mula sa kaibuturan ng aking puso.

Ang inyong anak, kapatid at kaibigan ay maglilingkod ng taos puso, may integridad, katapatan at may paninidigan.

Ang inyong lingkod,
JOHN CLEIFFERSON "Kipkip" YOGYOG

TO GOD BE THE HIGHEST GLORY 🙏🙏


"Effective LEADERSHIP is not about making speeches or being liked; LEADERSHIP is defined by result not attributes"-PETER...
06/04/2022

"Effective LEADERSHIP is not about making speeches or being liked; LEADERSHIP is defined by result not attributes"

-PETER DRUCKER


Address

Diffun
3401

Telephone

+639176188043

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Councilor KipKip Yogyog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share