Barangay Poblacion, Diadi, Nueva Vizcaya

Barangay Poblacion, Diadi, Nueva Vizcaya Barangay Poblacion exemplifies tolerance in its accepting, inclusive, and harmonious community.

Huwag mong gamitin ang sinasabi mong iyong kahirapan upang makakuha ng simpatiya sa iba, habang ginagawa mo ang ang iyon...
15/06/2024

Huwag mong gamitin ang sinasabi mong iyong kahirapan upang makakuha ng simpatiya sa iba, habang ginagawa mo ang ang iyong mga evil na gawain pailalim sa iba.

LAST CANVASSING NG MR. & MISS LITTLE POBLACION 2024 MATAGUMPAY!May 19, 2024Barangay Poblacion: Naidaos sa Barangay Hall ...
20/05/2024

LAST CANVASSING NG MR. & MISS LITTLE POBLACION 2024 MATAGUMPAY!

May 19, 2024

Barangay Poblacion: Naidaos sa Barangay Hall ng Poblacion ang huling canvassing para sa Mr. and Miss Little Poblacion 2024, para sa unang "Grand ABRASA Festival 2024" noong May 18, 2024, bilang bahagi ng kanilang ika-53rd Barangay Fiesta.

Sa tulong ng mga barangay opisyales sa pamumuno ni PB Josephine "JOSIE" Miguel-Baybayan, nairaos ng matagumpay ang aktibidad.

Nagpapasalamat si Kapitana Josie sa lahat ng mga magulang at mga anak na nakiisa sa patimpalak, pati na rin sa mga opisyales ng barangay at purok na tumulong sa mga kandidato at kandidata.

Ipinapakita nito ang pagkakaisa at kooperasyon ng komunidad sa pagsasagawa ng mga aktibidad para sa kabutihan ng lahat.

!

Gamitin ang iyong kaalaman at talino sa pagharap sa mga hamon.Magpakatalino sa harap ng mga pagsubok na kailangan ng aga...
20/05/2024

Gamitin ang iyong kaalaman at talino sa pagharap sa mga hamon.

Magpakatalino sa harap ng mga pagsubok na kailangan ng agarang mga desisyunan.

Bukod sa lahat, humingi ng tulong sa taas, at gamiting batayan ang mga layunin at konsensiya.

Panginoon, nagpapasalamat po kami sa ulan na inyong idinilig sa aming mga kalupaan. Na nagbigay daan at pahintulot sa am...
19/05/2024

Panginoon, nagpapasalamat po kami sa ulan na inyong idinilig sa aming mga kalupaan. Na nagbigay daan at pahintulot sa amin na makapagtanim muli para sa aming mga kabuhayan..

Grasyas sa ulan na inyong ipinadala Panginoon, dahil nagdulot ito ng aming kaginhawaan lalo na sa mga bata sa napaka-init na panahon dala ng matinding sikat ni haring araw.

Hiling din po namin na, ang pagkakaisa sa aming komunidad ay manatiling matatatag.

Sana, patnubayan niyo po kami palagi sa inyong karunungan. Amen.

Sa isang malupit at nagngangalit na mundo, ang kabaitan at halakhakan ay parang sinag ng araw - ito'y nagbibigay liwanag...
18/05/2024

Sa isang malupit at nagngangalit na mundo, ang kabaitan at halakhakan ay parang sinag ng araw - ito'y nagbibigay liwanag sa mga malulungkot na araw para sa lahat sa isang magandang Sabado ng umaga.

Ang simpleng pagbibigay ng pagmamahal at saya ay nakakatulong upang pagaanin ang mga pasanin ng buhay.

Sa maningning na Biyernes sa Poblacion, magkakaisa ang mamayan at iiwan ang mga hindi pagkakasundo para sa kapakanan ng ...
16/05/2024

Sa maningning na Biyernes sa Poblacion, magkakaisa ang mamayan at iiwan ang mga hindi pagkakasundo para sa kapakanan ng komunidad.
Ito ay upang magsama-sama at magkaisa para sa isang matagumpay na pagpapatakbo ng mga gawain para sa pag-usad ng komunidad.

Sinasabi ng karamihan na hindi nagbabago ang mga tao dahil tayo ay genetically predisposed.Subalit, naniniwala ako na an...
16/05/2024

Sinasabi ng karamihan na hindi nagbabago ang mga tao dahil tayo ay genetically predisposed.

Subalit, naniniwala ako na ang ating determinasyon at pagsisikap ang mag-didikta sa ating kapalaran.

Kung ano ang gusto nating maging tayo at kung ano ang mga nais natin sa buhay, tayo lang ang may kapangyarihang gawin yan. Siyempre pa, sa tulong ng ating Panginoon na siyang may likha sa atin.

Hindi lahat ay nakakakita ng parehong parte ng ating pagkatao. May taong nagsasabi na maganda at mabuti ang ating pag-uu...
14/05/2024

Hindi lahat ay nakakakita ng parehong parte ng ating pagkatao.

May taong nagsasabi na maganda at mabuti ang ating pag-uugali at kaluluwa; mayroon namang nagsasabing malamig tayo at masama ang ating pagkatao sa kanila.

Paniwalaan natin pareho ang dalawa. Dahil ang karakter at pag-uugali natin sa iba ay, batay lamang sa pagtrato nila.

Sa huli, mas maiige parin ang pagtitimpi anu man ang sabihin nila.

SUNOG SA KABUNDUKAN NG POBLACION NAGDULOT NG MALAWAK NA PINSALA May 14, 2024 Barangay Poblacion: Kahapon, ika-13 ng Mayo...
14/05/2024

SUNOG SA KABUNDUKAN NG POBLACION NAGDULOT NG MALAWAK NA PINSALA

May 14, 2024

Barangay Poblacion: Kahapon, ika-13 ng Mayo 2024, bandang alas tres trenta ng hapon, nang may report kay PB Kapitana Josephine "JOSIE" Miguel-Baybayan tungkol sa sunog sa kagubatan ng bulubunduking bahagi ng Purok 3, Poblacion, Diadi, Nueva Vizcaya.

Agad ipinaabot ni Kapitana Josie kay Kagawad Christopher Eric P. Tito ang ulat at ipinag-utos nito na inspeksiyunin ang lugar.

Kasama ang kawani ng Diadi Bureau of Fire, umakyat agad sa bundok si Kagawad Eric upang upang ma asses ang sunog. Kahit matarik at masukal ang bundok, sinikap nina Kagawad na akyatin ito.

Nakita nila ang malawak at malubhang pinsala ng sunog sa taas. Pinilit ng grupo ni Kagawad Eric na patayin ang apoy subalit hindi sapat ang kanilang puwersang mano mano upang mapatay ito.

isa sa naapektuhan si Madam Honeylou "Aliw Ramos" Navidad kung saan, naabo ang kanyang mga pananim at pasilidad. Sa kabutihan ng Diyos, dumating ang ulan bandang gabi, na nagpatigil sa sunog at nagligtas sa barangay Poblacion, mula sa mas malawak na pinsala.

Palagi nating tandaaan, na ang pagsusunog sa kagubatan ay isang krimen na nagdudulot ng malubhang pinsala sa kalikasan at kabuhayan ng mga residente ng komunidad.

!

14/05/2024

"Huwag sunugin ang kagubatan para hindi tayo masaktan sa balik niya sa ating kabuhayan. Alagaan natin ang kalikasan para sa ating kinabukasan."

Ang dulot ng sunog kahapon May 13, 2024, na ginawa ng walang pusong mamamayan. Pati pinaghirapan ng iba naabo na lamang.


Ang iyong kalusugang pangkaisipan ay mahalaga. Bigyan tuon at prayoridad ang kapayapaan ng iyong pag-iisip.Makitungo sa ...
13/05/2024

Ang iyong kalusugang pangkaisipan ay mahalaga. Bigyan tuon at prayoridad ang kapayapaan ng iyong pag-iisip.
Makitungo sa lahat ng tao sa iyong paligid nang nagingibabaw ang kababaan ng loob at pang-unawa.

Kapag nahihirapan ka dahil sa dami ng dapat gawin at may kataasan ang stress sa larangan ng iyong paggawa, tandaan na an...
13/05/2024

Kapag nahihirapan ka dahil sa dami ng dapat gawin at may kataasan ang stress sa larangan ng iyong paggawa, tandaan na ang iyong trabaho ay isang bagay na hindi dapat naa-apektuhan ng mga panlabas na pwersa.

Kontrolin ang emosyon at piliing huwag makapanakit ng iba dahil sa stress at tensiyon. Mag-focus sa takbo ng trabaho at panatilihing matatatag ang kaisipan para mahanap ang kapayapaan sa iyong kalooban.

Humanise the workplace.

Address

Diadi

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Poblacion, Diadi, Nueva Vizcaya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share