12/06/2026
ARAW NG KALAYAAN
Official Statement of Congressman Omar S. Duterte
June 12, 2026
Ngayong Araw ng Kalayaan, binibigyang-pugay natin ang sakripisyo ng ating mga bayani. Ang kalayaang tinatamasa natin ngayon ay pamanang humahamon sa ating isabuhay ang kanilang tapang sa pagharap sa mga krisis ng kasalukuyan.
Mabigat ang pinagdaraanan ng bansa dahil sa korupsiyon, mataas na presyo ng bilihin, at iba pang suliraning nagpapahirap sa mga ordinaryong pamilya. Ito ang panahon upang magkaisa tayo, magpakita ng disiplina, at ituwid ang sistema laban sa mga mapagsamantala.
Ang wagas na pagmamahal sa taumbayan ang gabay natin upang malagpasan ang mga pagsubok na ito. Magkaisa tayong protektahan ang interes ng bawat isa nang may katapatan at lakas ng loob, dahil walang ibang magtatanggol sa Pilipinas kundi tayo ring mga Pilipino.
Mabuhay ang malayang bansang Pilipinas!
-Rep. Omar S. Duterte