DOH Davao Region

Call Directions Website

DOH Davao Region Official page of the Department of Health - Davao Center for Health Development

DOH: PROTEKTAHAN ANG SARILI MULA SA BANTA NG HAZE AT MARUMING HANGIN!Ayon sa pinakahuling ulat mula sa Department of Env...
04/09/2026

DOH: PROTEKTAHAN ANG SARILI MULA SA BANTA NG HAZE AT MARUMING HANGIN!

Ayon sa pinakahuling ulat mula sa Department of Environment and Natural Resources - Environmental Management Bureau (DENR-EMB), kasalukuyang binabantayan ang kalagayan ng hangin dahil sa haze na nakakaapekto sa mga lugar sa National Capital Region (NCR), Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA.

Ang observed haze ay posibleng sanhi ng usok at transboundary haze mula sa mga sunog sa Kalimantan, Indonesia na nadadala sa ating bansa dahil sa hanging habagat.

Paalala para sa mga pampublikong drayber, delivery riders, street vendors, at field workers na madalas nasa kalsada, sundin ang mga gabay at paalala mula sa DOH ngayong may haze. Tandaan, laging unahing protektahan ang iyong kalusugan!




DOH: WALANG N95 MASK? ALAMIN ANG MGA ALTERNATIBONG PARAAN PARA MAPROTEKTAHAN PA RIN ANG SARILI LABAN SA HAZEKapag may ha...
03/09/2026

DOH: WALANG N95 MASK? ALAMIN ANG MGA ALTERNATIBONG PARAAN PARA MAPROTEKTAHAN PA RIN ANG SARILI LABAN SA HAZE

Kapag may haze, mahalagang bawasan ang paglanghap ng usok at maliliit na particle na maaaring makairita sa mata at respiratory system.
Kung walang N95 mask at kailangang lumabas, gumamit ng basang panyo/damit o kaya naman ay gawin ang double-mask method bilang alternatibong paraan ng proteksyon.

Gayunpaman, mas mainam pa rin ang N95 mask para sa proteksyon laban sa maliliit na particle sa hangin. Kung maaari, manatili muna sa loob ng bahay at iwasang lumabas habang makapal ang haze.




DOH: WALANG N95 MASK? ALAMIN ANG MGA ALTERNATIBONG PARAAN PARA MAPROTEKTAHAN PA RIN ANG SARILI LABAN SA HAZE

Kapag may haze, mahalagang bawasan ang paglanghap ng usok at maliliit na particle na maaaring makairita sa mata at respiratory system.

Kung walang N95 mask at kailangang lumabas, gumamit ng basang panyo/damit o kaya naman ay gawin ang double-mask method bilang alternatibong paraan ng proteksyon.

Gayunpaman, mas mainam pa rin ang N95 mask para sa proteksyon laban sa maliliit na particle sa hangin. Kung maaari, manatili muna sa loob ng bahay at iwasang lumabas habang makapal ang haze.




DOH: PAALALA PARA SA LIGTAS NA PAGMAMANEHO SA GITNA NG HAZE AT MARUMING HANGINDahil sa banta ng haze at maruming hangin,...
03/09/2026

DOH: PAALALA PARA SA LIGTAS NA PAGMAMANEHO SA GITNA NG HAZE AT MARUMING HANGIN

Dahil sa banta ng haze at maruming hangin, nababawasan ang ating visibility sa kalsada. Kaya naman kailangan natin maging alerto habang nagmamaneho at namamasada.

Maging maingat sa paglakbay sa daan lalo na sa paggamit ng ilaw at distansya sa bawat sasakyan upang mapanatiling ligtas ang bawat biyahe.




MAGPABILING ANDAM SA EPEKTO SA HAZE SA PANGLAWASAng haze mao ang hugaw nga hangin nga adunay sagol nga aso, abog, ug abo...
02/09/2026

MAGPABILING ANDAM SA EPEKTO SA HAZE SA PANGLAWAS

Ang haze mao ang hugaw nga hangin nga adunay sagol nga aso, abog, ug abo gikan sa sunog.

Posibleng epekto:
- Lisod nga pagginhawa
- Pag-ubo
- Pag sakit sa dughan
- Pagluha ug pagkairita sa mata ug ilong
- Pag samot sa mga respiratory diseases sama sa asthma

Aron malikayan ang peligro:
- Pabilin sa sulod sa balay kutob sa mahimo.
- Sirad-i ang pultahan ug bintana.
- Magsul-ob og N95 mask kung mogawas.
- Kung hanap ang panan-aw, gamita ang headlights o fog lights ug pag-amping sa pag drive

Kung kinahanglan og emerhensiyang tabang, tawag dayon sa 911.

Mag-amping ug magpabiling luwas batok sa haze!




MAS MAAYOS NA SUPORTA SA PAGPAPASUSO, TINUTUKAN NG DOH DAVAOMas maayos na gabay sa pagpapasuso at pangangalaga sa sanggo...
02/09/2026

MAS MAAYOS NA SUPORTA SA PAGPAPASUSO, TINUTUKAN NG DOH DAVAO

Mas maayos na gabay sa pagpapasuso at pangangalaga sa sanggol ang layon ng DOH Davao sa isinagawang Mother-Baby Friendly Health Facility Initiative (MBFHFI) Assessor’s Training noong Agosto 25-27, 2026 sa Davao City.

Sa pagsasanay, tinuruan ang mga health worker kung paano susuriin ang mga ospital at health facility upang matiyak na nasusunod ang mga pamantayan sa tamang pagpapasuso at pagpapakain sa mga sanggol.

Kabilang dito ang pagpapatupad ng Ten Steps to Successful Breastfeeding, na nagsisilbing gabay ng mga health facility sa pagbibigay ng suporta sa mga nagpapasusong ina.

Sa pamamagitan ng pagsasanay, mas magiging handa ang mga health worker na magbigay ng tamang impormasyon at gabay sa mga ina, para sa mas ligtas at mas maayos na pangangalaga sa kanilang mga sanggol.

TAMANG PANGANGALAGA, HATID NG DOH DAVAO SA KABATAANG MAY CAHMas handa sa pag-aalaga sa sarili ang mga kabataang may Cong...
01/09/2026

TAMANG PANGANGALAGA, HATID NG DOH DAVAO SA KABATAANG MAY CAH

Mas handa sa pag-aalaga sa sarili ang mga kabataang may Congenital Adrenal Hyperplasia (CAH) matapos ang unang Adolescent CAH Boot Camp na isinagawa sa Davao City.

Pinangunahan ng DOH-Davao, katuwang ang Region XI Newborn Screening Continuity Clinic at ng eksperto sa pediatric endocrinology na si Dr. Eleonor Du- Amparado. Ito ay ginanap noong August 21-22, 2026.

Binigyang-diin ni DOH-Davao OIC Regional Director Dr. Ellenietta HMV N. Gamolo na mahalaga ang tuloy-tuloy na pangangalaga sa mga batang natukoy sa pamamagitan ng newborn screening habang sila ay lumalaki.

Tinuruan ang mga kabataan at kanilang mga magulang tungkol sa tamang pamamahala ng CAH, kabilang ang sick-day rules at mga dapat gawin kapag may adrenal crisis. Tinalakay rin ang body image, gender, fertility, relasyon at iba pang hamon sa panahon ng adolescence.

Nagbahagi naman ng kaalaman sina Dr. Eleonor Du-Amparado, Dr. Genelynne Beley, Dr. Kathreen Marie Nakashima at Dr. Mohammad Hudhaifi Alug tungkol sa medical management at psychosocial needs ng mga kabataang may CAH.

Sa pamamagitan ng Boot Camp, mas nabigyan ng kaalaman, kumpiyansa at suporta ang mga kabataang may CAH upang mas maayos nilang mapangalagaan ang kanilang kalusugan.

MAAGANG PAGTUKLAS SA KANSER, PINAIGTING SA PAGSASANAY NG MGA HEALTH WORKERMas maraming kababaihan sa Davao Region ang ma...
01/09/2026

MAAGANG PAGTUKLAS SA KANSER, PINAIGTING SA PAGSASANAY NG MGA HEALTH WORKER

Mas maraming kababaihan sa Davao Region ang maaaring makinabang sa mas maagang pagtukoy ng cervical at breast cancer matapos sanayin ng DOH Davao ang mga health worker sa pagsusuri at paggamot sa mga maagang senyales ng kanser.

Isinagawa ang limang araw na Clinical Skills Training for Cervical and Breast Cancer Screening and Treatment of Precancerous Lesions noong August 24-28, 2026 sa Davao City.

Kabilang sa mga sinanay ang mga health worker mula sa Davao Regional Medical Center at mga local health office sa Sto. Tomas, Caraga, Malita, Lupon, Bunawan, Calinan, Maco at Island Garden City of Samal.

Sa pamamagitan ng pagsasanay, mas napalawak ang kakayahan ng mga health worker na magsagawa ng Clinical Breast Examination, Visual Inspection with Acetic Acid o VIA, HPV DNA specimen collection, at pagtukoy ng mga posibleng precancerous lesion.

Sinanay din sila sa thermal ablation, isang paraan ng paggamot sa ilang cervical precancerous lesions, gayundin sa infection prevention, tamang paghawak ng mga instrumento at maayos na pagpapayo sa mga pasyente.

Ayon kay Dr. Sharon Lilly B. Valdez, head of Non-Communicable Disease Cluster of DOH Davao, mahalagang mailapit ang screening services sa mga komunidad upang mas maraming kababaihan ang magkaroon ng pagkakataong makapagpasuri.

Binigyang-diin naman ni Dr. Raquel D. Montejo, Chief of Local Health Support Division, na bahagi ito ng layunin ng DOH na mailapit ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan sa mga health center at iba pang primary care facilities.

Sa pamamagitan ng mas maraming trained health worker sa mga lokal na health facility, mas nagiging accessible para sa mga kababaihan ang screening at maagang pagtukoy ng cervical at breast cancer.

Pinangunahan ni Kristine Mae C. Gallo, cancer control regional program manager, ang pagsasanay kasama ang mga resource speaker at mentor mula sa Region 4A na sina Dr. Belen T. Garana, Gynecologic Oncologist; Dr. Jessabeth Mercado, OB GYNE; Dr. Justin Villaflor, Medical Officer III, CHD CALABARZON; Dr. Celeste Aida Halili, Medical Officer III, LGU Tanza Cavite; Ms. Andromeda Pacumio-Dechavez, LGU Tanza Cavite; at Mr. Christopher Aguillon, Tanza Cavaite.

Ngayong Araw ng mga Bayani, ating ginugunita ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan.Sa panahon ngayon...
31/08/2026

Ngayong Araw ng mga Bayani, ating ginugunita ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan.

Sa panahon ngayon, ang kabayanihan ay patuloy na nabubuhay sa bawat health worker na araw-araw na naglilingkod, nag-aalaga, at nagbibigay ng pag-asa sa mga Pilipino.

Sa ospital, health center, komunidad, at bawat lugar na nangangailangan ng tulong, ang kanilang malasakit at serbisyo ay tunay na anyo ng kabayanihan.

Saludo kami sa lahat ng health workers na patuloy na nagsisilbi para sa mas malusog na Pilipinas.

π‘π„π†πˆπŽπ-π–πˆπƒπ„ 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 ππ‘πŽπŒπŽπ“πˆπŽπ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ πˆπŒππ‹π„πŒπ„ππ“π€π“πˆπŽπ π‘π„π•πˆπ„π– 𝐀𝐍𝐃 πŸπŸŽπŸπŸ• π’π“π‘π€π“π„π†πˆπ‚ π€π‹πˆπ†ππŒπ„ππ“ πŽπ… π€π‚π“πˆπ•πˆπ“πˆπ„π’Subay sa gipagawas ...
29/08/2026

π‘π„π†πˆπŽπ-π–πˆπƒπ„ 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 ππ‘πŽπŒπŽπ“πˆπŽπ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ πˆπŒππ‹π„πŒπ„ππ“π€π“πˆπŽπ π‘π„π•πˆπ„π– 𝐀𝐍𝐃 πŸπŸŽπŸπŸ• π’π“π‘π€π“π„π†πˆπ‚ π€π‹πˆπ†ππŒπ„ππ“ πŽπ… π€π‚π“πˆπ•πˆπ“πˆπ„π’

Subay sa gipagawas nga Unified National Agenda (UNA) for Health kung diin usa sa lima ka major priorities mao ang Healthy Settings, usa ka Region-wide Health Promotion Program Implementation Review and 2027 Strategic Alignment of Activities ang malampusong gipahigayon sa Department of Health Davao Center for Health Development pina-agi sa Health Promotion Unit kaniadtong Agosto 26-27, 2026 sa Apo View Hotel, Davao City.

Gitambungan ug gipartisiparan kini sa mga Provincial, City, ug Municipal Health Education and Promotion Officers (HEPOs) sa tibuok rehiyon pinaagi sa pagpanguna ni Health Promotion Unit Head, Ms. Yasmin Mandangan.

Atol sa maong kalihokan, gisusi ang mga nahimong inisyatiba ug kalampusan sa health promotion, lakip na ang mga maayong pamaagi ug hagit nga nasinati sa pagpatuman niini.

Gihisgutan ang mga strategies nga pagabuhaton alang sa pagpataas sa Health Literacy sa rehiyon, apil na usab ang pag kab-ot sa mas daghan pang learning institutions, workplaces, ug communities nga ma recognize isip usa ka healthy setting.


ππ‘π„π€π’π“π…π„π„πƒπˆππ† π…πŽπ‘ 𝐀 π’π”π’π“π€πˆππ€ππ‹π„ 𝐒𝐓𝐀𝐑𝐓 𝐈𝐍 π‹πˆπ…π„: 𝐒𝐓𝐑𝐄𝐍𝐆𝐓𝐇𝐄𝐍 𝐖𝐇𝐀𝐓 π–πŽπ‘πŠπ’Gipangunahan sa Davao del Sur Provincial Health Offi...
29/08/2026

ππ‘π„π€π’π“π…π„π„πƒπˆππ† π…πŽπ‘ 𝐀 π’π”π’π“π€πˆππ€ππ‹π„ 𝐒𝐓𝐀𝐑𝐓 𝐈𝐍 π‹πˆπ…π„: 𝐒𝐓𝐑𝐄𝐍𝐆𝐓𝐇𝐄𝐍 𝐖𝐇𝐀𝐓 π–πŽπ‘πŠπ’

Gipangunahan sa Davao del Sur Provincial Health Office ang pagsaulog sa National Breastfeeding Awareness Month uban sa suporta sa Department of Health – Davao Center for Health Development (DOH-DCHD) sa Digos City, Davao del Sur niadtong Agosto 28, 2026.

Gitambungan kini sa mga inahan ug health workers nga naghiusa sa pagpalapad sa kahibalo ug suporta sa breastfeeding ngadto sa komunidad.

Gihatagan usab og gibug-aton sa aktibidad ang importansya sa unang 1,000 days ni Baby, nga nagsilbing pundasyon sa maayong nutrisyon, proteksyon batok sa impeksyon, ug himsog nga pagtubo ug paglambo.



Address

J. P. Laurel Avenue, Bajada
Davao City
8000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DOH Davao Region posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share