Philippine Ports Authority - PMO Davao

Philippine Ports Authority - PMO Davao Philippine Ports Authority, Port Management Office of Davao

Naganap ang Unang Biyernes na Banal na Misa nitong Agosto 7, 2026, sa Port Management Office (PMO) Davao, na dinaluhan n...
20/08/2026

Naganap ang Unang Biyernes na Banal na Misa nitong Agosto 7, 2026, sa Port Management Office (PMO) Davao, na dinaluhan ng mga kawani ng tanggapan bilang bahagi ng kanilang buwanang gawaing pang-espiritwal.

Matapos ang banal na misa, isinagawa ang pagbabasbas sa bagong Patient Transport Vehicle (PTV) at iba pang opisyal na sasakyan ng PMO Davao. Pinangunahan ng pari ang seremonya ng pagbabasbas at nag-alay ng panalangin para sa kaligtasan ng mga gagamit ng mga sasakyan at sa matagumpay na pagtupad ng mga ito sa kanilang tungkulin sa paglilingkod sa publiko.







β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”

Facebook:
X:
Youtube:
Instagram:
Tiktok: lessReply in thread

Isinagawa ang Workshop on Real Estate Management of the Philippine Ports Authority (PPA), Batch 1 noong Agosto 4–5, 2026...
17/08/2026

Isinagawa ang Workshop on Real Estate Management of the Philippine Ports Authority (PPA), Batch 1 noong Agosto 4–5, 2026, sa PMO Davao Training Center.

Dinaluhan ang workshop ng mga kinatawan mula sa iba't ibang Port Management Offices (PMOs), kabilang ang PMO Bohol, PMO Panay/Guimaras, PMO Eastern Leyte/Samar, PMO Misamis Occidental, PMO Socsargen, at PMO Iligan.

Layunin ng workshop na palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa wastong pamamahala ng real estate ng PPA, kabilang ang mga kaugnay na polisiya, proseso, at pamamaraan sa pangangasiwa ng mga ari-arian ng ahensya.

Nagbahagi rin ng kanilang kaalaman at karanasan ang mga resource speakers mula sa Commercial Services Department (CSD), Legal Services Department (L*D), Port Planning and Development Department (PPDD), Treasury Department (TD), at Philippine Ports Authority Training Institute (PPATI). Tinalakay nila ang iba't ibang paksa na may kaugnayan sa Real Estate Management at sinagot ang mga katanungan ng mga kalahok upang higit na mapalalim ang kanilang pag-unawa sa mga usaping may kinalaman sa pamamahala ng mga ari-arian ng PPA.

Naging matagumpay ang workshop sa pagbibigay ng mahahalagang kaalaman at pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng mga opisina upang maisulong ang mas epektibo at maayos na pamamahala ng real estate sa Philippine Ports Authority.

11/08/2026
11/08/2026

𝐏𝐏𝐀 𝐄𝐗𝐏𝐀𝐍𝐃𝐒 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇𝐂𝐀𝐑𝐄 ππ„ππ„π…πˆπ“π’ π…πŽπ‘ πŒπŽπ‘π„ 𝐓𝐇𝐀𝐍 𝟐,𝟎𝟎𝟎 π„πŒππ‹πŽπ˜π„π„π’

11 AUGUST 2026 – The Philippine Ports Authority (PPA) continues to strengthen its commitment to employee welfare by expanding access to healthcare benefits for its workforce. Through its accredited employees’ association, PANTALAN, the National Executive Board (PANTALAN NEB), with the assistance of the Human Resource Management Department (HRMD), today, August 11, 2026, signed a Health Maintenance Organization (HMO) contract with MEDOCare Health Systems, Inc.

Effective today, August 11, the HMO program covers 2,092 PPA employees, including regular and Contract of Service (COS) personnel, as well as their qualified dependents. The program provides broader access to healthcare services through MEDOCare’s nationwide network of more than 10,000 specialist doctors and over 1,000 affiliated hospitals and clinics.

PPA General Manager Jay Santiago welcomed the initiative, noting that providing employees with access to healthcare is part of the agency's commitment to supporting the people behind its operations.

"Kahit po may mga bagyo tuloy-tuloy ang operasyon ng PPA, our employees give so much of themselves in serving the Filipino people, kaya nararapat lamang na alagaan din natin ang kanilang health and well-being. Kapag healthy, well-cared for, at supported ang ating workforce, mas nagiging matatag din ang PPA at mas mahusay nating napaglilingkuran ang ating mga kababayan,” GM Santiago said.

The HMO coverage is aligned with the Medical Allowance Benefit under the Compensation and Position Classification System (CPCS) and the authority granted by the Governance Commission for GOCCs (GCG) to PPA to implement the benefit. This initiative complements PPA’s continuing efforts to promote employee health and well-being through preventive and community-oriented programs.

The agency also continues to implement its Annual Medical and Physical Examination (AMPE) for PPA Head Office personnel as part of its preventive healthcare initiatives, encouraging employees to be more proactive in monitoring and maintaining their health.

Earlier in July 2026 for its 52nd Anniversary, PPA conducted a bloodletting activity to encourage voluntary blood donation among employees and stakeholders, promoting a culture of community service while raising awareness of the importance of blood donation. Through these initiatives, PPA continues to invest not only in the infrastructure and systems that support the country’s ports, but also in the people who keep them moving.

# # #

10/08/2026
Nakilahok ang mga kawani ng Philippine Ports Authority (PPA) – Port of Maco sa paanyaya ng Philippine Coast Guard – Mari...
03/08/2026

Nakilahok ang mga kawani ng Philippine Ports Authority (PPA) – Port of Maco sa paanyaya ng Philippine Coast Guard – Marine Environmental Protection Group Southeastern Mindanao (MEPG SEM), sa isinagawang Simultaneous Coastal Cleanup and Mangrove Tree Planting Activity noong Hulyo 31, 2026, sa Barangay San Roque, Maco, Davao de Oro, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-41 Anibersaryo ng Coast Guard District Southeastern Mindanao.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan at mga katuwang na organisasyon, kabilang ang Philippine Coast Guard (PCG), Davao International Container Terminal (DICT), Wave Industrial Sales, Barangay Bantay Dagat, mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, at iba pang pribadong kumpanya at volunteer organizations.

Sa naturang aktibidad, nakiisa ang mga kinatawan ng Port of Maco sa paglilinis ng baybayin at pagtatanim ng mga punlang bakawan (mangrove), bilang suporta sa mga programang naglalayong pangalagaan ang kapaligiran, mapanatili ang kalinisan ng mga baybaying-dagat, at mapalakas ang kamalayan ng publiko sa pangangalaga ng likas na yaman. Naging maayos at matagumpay ang isinagawang aktibidad sa pamamagitan ng pagtutulungan at koordinasyon ng mga kalahok mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga boluntaryo.







β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

Matagumpay na isinagawa ang 3rd Quarter Port Management Advisory Council (PMAC) nitong Hulyo 29, 2026, sa Training Cente...
30/07/2026

Matagumpay na isinagawa ang 3rd Quarter Port Management Advisory Council (PMAC) nitong Hulyo 29, 2026, sa Training Center. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa Tug Operators, Dabaw Pilots, at iba't ibang Shipping Lines, kasama ang iba pang mga stakeholder ng pantalan.

Layunin ng pagpupulong na talakayin ang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa operasyon ng pantalan at palakasin ang koordinasyon sa pagitan ng mga kalahok upang matiyak ang ligtas, maayos, at episyenteng serbisyo sa mga sasakyang pandagat.

Tinalakay ang mga usapin hinggil sa umiiral na pilotage charges upang matiyak ang patas at angkop na pagpapatupad ng mga ito. Tinalakay din ang pangangailangan sa pagbibigay ng tug assistance upang mapanatili ang kaligtasan at kahusayan sa pagmamaniobra ng mga barko sa loob ng pantalan. Isa din sa napag-usapan ang papel at responsibilidad ng mga kinatawan ng may-ari ng sasakyang pandagat, kabilang ang kanilang koordinasyon sa mga kinauukulang tanggapan at iba pang stakeholder. Nagkaroon din ng bukas na talakayan ukol sa iba pang mga isyu na may kaugnayan sa pagpapabuti ng operasyon, koordinasyon, at paghahatid ng serbisyo sa loob ng pantalan.

Naging matagumpay ang pagpupulong sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng lahat ng dumalo. Nagkaroon ng makabuluhang palitan ng pananaw at mga rekomendasyon na inaasahang makatutulong sa patuloy na pagpapahusay ng mga serbisyo at operasyon ng pantalan.







β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

Bilang paggunita sa ika-52 anibersaryo ng Philippine Ports Authority (PPA), matagumpay na isinagawa ang mga aktibidad na...
22/07/2026

Bilang paggunita sa ika-52 anibersaryo ng Philippine Ports Authority (PPA), matagumpay na isinagawa ang mga aktibidad na nilahukan ng mga kawani ng PMO Davao.

Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Flag Ceremony na pinagunahan ng Head Office. Sinundan ito ng Anniversary Mass bilang pasasalamat sa mga biyayang natanggap ng ahensya at panalangin para sa patuloy nitong tagumpay.

Matapos ang misa isinagawa ang Rice Distribution bilang bahagi ng programa para sa kapakanan at suporta sa mga kawani. Kasunod nito ang Zumba Exercise, na nagbigay ng pagkakataon sa lahat na makilahok sa isang masigla at nakapagpapalusog na gawain.

Bilang pagpapatibay ng samahan at pagkakaisa, nagsalo-salo ang mga kawani sa isang Boodle Fight. Bilang pagtatapos ng pagdiriwang, isinagawa ang Pickleball Tournament, na nilahukan ng mga kawani. Naging matagumpay ang paligsahan at nagbigay ito ng pagkakataon upang maipakita ang kanilang husay sa isports, mapalakas ang samahan, at maisulong ang isang aktibo at malusog na pamumuhay.

Naging matagumpay ang pagdiriwang ng ika-52 anibersaryo ng Philippine Ports Authority. Ang mga isinagawang aktibidad ay hindi lamang nagbigay ng kasiyahan sa mga kawani kundi nagpatibay rin ng kanilang pagkakaisa, dedikasyon, at patuloy na suporta.







β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

Address

Km. 10, Port Area, Sasa
Davao City
8000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Philippine Ports Authority - PMO Davao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Philippine Ports Authority - PMO Davao:

Shortcuts

Share