14/06/2026
Binisita rin ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, kasama si Disaster Response Management Group (DRMG) Undersecretary Diana Rose Cajipe, ang Mobile Storage Unit (MSU) at Mobile Clinic na nagsisilbing mahalagang bahagi ng pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol.
Sa pagbisita sa MSU, tiniyak ng Kalihim na maayos at organisado ang pag-iimbak ng family food packs (FFPs) at iba pang relief supplies para mas mapabilis ang paghahanda at paghahatid ng tulong sa mga apektadong pamilya. Sinundan ito ng pag-inspeksyon sa Mobile Clinic kasama sina Glan Mayor Victor James Yap Sr. DSWD Field Office (FO) 11 Regional Director Loreto Jr. Cabaya at DSWD FO-12 Regional Director Rhuelo Aradanas, kung saan ito ay patuloy na nagbibigay ng pangunahing serbisyong pangkalusugan para sa mga evacuees at residente.
Bahagi ito ng patuloy na pagtitiyak ng DSWD na hindi lamang pagkain at relief supplies ang naaabot ng mga apektadong komunidad kundi maging ang mga serbisyong mahalaga sa kanilang kalusugan at kapakanan.