08/06/2026
๐ฆ๐๐ฃ ๐๐๐ฅ๐๐ข ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐จ๐๐ง๐ข | Marivica Arabica Coffee โ
Mahilig ka ba sa de-kalidad at tunay na masarap na kape? Tikman ang Marivica Arabica Coffeeโgawa sa purong Arabica coffee na itinanim at inani mula sa paanan ng Mt. Apo.
Mapagpipilian ito sa coffee beans, ground coffee, at powdered coffee, na angkop para sa mga coffee lover, negosyo, at coffee shops na naghahanap ng premium at maaasahang suplay ng kape.
Ang produktong ito ay likha ni Marivic Dubria, isang benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) at miyembro ng Sitio Balutakay-Managa SLP Association sa Bansalan, Davao del Sur.
Hindi lamang para sa personal na konsumo, ang Marivica Arabica Coffee ay pinagkakatiwalaan na rin bilang supplier ng ilang kilalang coffee shops sa Davao City dahil sa kalidad, lasa, at konsistent nitong produksyon.
Kinilala na rin ang produkto sa iba't ibang patimpalak at parangal, patunay sa dedikasyon at husay ng isang lokal na negosyanteng nagsusulong ng de-kalidad na kape mula sa Davao Region.
๐ Mga coffee shop, cafรฉ owners, resellers, at coffee enthusiasts na naghahanap ng supplier ng premium Arabica coffee, maaaring makipag-ugnayan kay Marivic Dubria sa 0912 960 1610.
Suportahan ang lokal na produkto. Mula Mt. Apo, hatid ang kalidad at lasa na maipagmamalaki sa bawat tasa. โโจ