05/09/2026
โฝ ๐๐ซ๐จ๐ญ๐๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐ข๐ฆ๐ข๐ฅ๐ข, ๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐๐ง ๐๐๐ฅ ๐๐ฎ๐ซ
Sa paanyaya ng Provincial Treasurer's Office at Municipal Treasurers Association ng Agusan del Sur, nagsagawa ang DOE-Mindanao ng Capacity Development Training on Calibration and Sealing of Fuel Dispensers para sa mga kawani ng Treasurer's Offices mula sa 14 na lungsod at munisipalidad sa lalawigan.
Isinagawa ang pagsasanay sa pamamagitan ng matibay na collaboration at synergy ng DOE-Mindanao, mga Local Government Units (LGUs), CSI Global Corporation, at LGU Davao City upang palakasin ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan sa calibration at sealing ng fuel dispensers at higit pang maprotektahan ang kapakanan ng mga mamimili.
Mahalagang papel ang ginagampanan ng mga Treasurer's Offices sa pagtiyak na ang mga fuel retail outlet o gasolinahan ay naghahatid ng tamang sukat at eksaktong dami ng produktong petrolyo sa bawat transaksyon. Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, higit pang napahusay ang kanilang kaalaman at kasanayan sa inspeksyon, kalibrasyon, at pagseselyo alinsunod sa mga umiiral na batas, pamantayan, at regulasyon.
Sa patuloy na pagtutulungan ng DOE, mga LGU, at iba pang stakeholders, mas napapalakas ang pagpapatupad ng mga regulasyon at mga mekanismo ng pagbabantay upang matiyak ang accurate fuel delivery sa mga gasolinahan. Mahalaga ito upang maprotektahan ang mga mamimili laban sa underdelivery at iba pang paglabag, at matiyak na natatanggap ng bawat motorista ang eksaktong dami ng produktong petrolyo na katumbas ng kanilang binabayaran.
Patuloy na isinusulong ng DOE at mga katuwang nitong ahensya ang patas na kalakalan, transparency, at consumer protection sa sektor ng langis sa ilalim ng layuning "Tamang Sukat, Tumpak na Hatid, Protektadong Mamimili."
โฝโ
Tamang Sukat, Tumpak na Hatid, Protektadong Mamimili!