Land Transportation Office Region XI

Land Transportation Office Region XI The official page of LTO Region XI (Davao)

π‹π“πŽ, 𝐍𝐀𝐆𝐋𝐀𝐁𝐀𝐒 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐒𝐀 π€ππ“πˆππŽπ‹πŽ π‘πŽπ€πƒ 𝐂𝐑𝐀𝐒𝐇 𝐍𝐀 πˆπŠπˆππ€π’π€π–πˆ 𝐍𝐆 πˆπ’π€ππ† π„π’π“π”πƒπ˜π€ππ“π„ 𝐀𝐓 πˆπŠπˆππ€ππˆππ’π€π‹π€ 𝐍𝐆 πˆπ‹π€ππ† ππ„πƒπ„π’π“π‘πˆπ€π; πƒπ‘πˆπ•π„π‘...
09/06/2026

π‹π“πŽ, 𝐍𝐀𝐆𝐋𝐀𝐁𝐀𝐒 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐒𝐀 π€ππ“πˆππŽπ‹πŽ π‘πŽπ€πƒ 𝐂𝐑𝐀𝐒𝐇 𝐍𝐀 πˆπŠπˆππ€π’π€π–πˆ 𝐍𝐆 πˆπ’π€ππ† π„π’π“π”πƒπ˜π€ππ“π„ 𝐀𝐓 πˆπŠπˆππ€ππˆππ’π€π‹π€ 𝐍𝐆 πˆπ‹π€ππ† ππ„πƒπ„π’π“π‘πˆπ€π; πƒπ‘πˆπ•π„π‘ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Agad naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at itinalagang driver ng sasakyang sangkot sa isang viral na insidente sa Don Vicente Avenue, Barangay Cupang, Antipolo City noong Hunyo 7, 2026, na nagdulot ng pinsala sa ilang pedestrian at ikinasawi ng isa sa mga biktima.

Inatasan ang mga ito na humarap sa opisina ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO at magsumite ng sinumpaang paliwanag at kaukulang dokumento bilang bahagi ng isinasagawang imbestigasyon. Posibleng maharap ang mga ito sa kasong Reckless Driving at pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na maaaring magresulta sa suspensyon o pagbawi ng lisensya.

Kasabay nito, ipinag-utos ng LTO ang agarang pagsuko ng lisensya ng driver at isasailalim sa 90-araw na preventive suspension habang nagpapatuloy ang pagdinig sa kaso. Inilagay rin sa alarm status ang naturang sasakyan.

β€œNakikiramay kami sa pamilya ng nasawi at hangad namin ang agarang paggaling ng mga nasaktan. Patuloy ang mahigpit na monitoring at agarang aksyon ng LTO sa mga insidenteng may kinalaman sa kaligtasan sa kalsada. Hindi natin ito pinapalampas at bawat kaso ay aming iniimbestigahan upang maipatupad ang naaangkop na aksyon alinsunod sa batas. Prayoridad ng LTO ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada,” ani LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao

Tiniyak naman ng LTO na magiging patas, masusi, at naaayon sa due process ang isinasagawang imbestigasyon. Kasabay nito, muling pinaalalahanan ng ahensya ang lahat ng motorista na pairalin ang responsableng pagmamaneho at isaisip na ang bawat desisyon sa kalsada ay may kaakibat na epekto sa buhay at kaligtasan ng kapwa.

https://www.facebook.com/share/p/14dbAFoDm2w/

π‹π“πŽ, πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐀𝐍𝐆 πƒπ‘πˆπ•π„π‘ 𝐍𝐀 π’π€ππ†πŠπŽπ“ 𝐒𝐀 πˆππ’πˆπƒπ„ππ“π„ 𝐒𝐀 π€ππ“πˆππŽπ‹πŽ 𝐍𝐀 ππ€π†πƒπ”π‹πŽπ“ 𝐍𝐆 ππˆππ’π€π‹π€ 𝐒𝐀 ππ„πƒπ„π’π“π‘πˆπ€π 𝐀𝐓 𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐎...
08/06/2026

π‹π“πŽ, πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐀𝐍𝐆 πƒπ‘πˆπ•π„π‘ 𝐍𝐀 π’π€ππ†πŠπŽπ“ 𝐒𝐀 πˆππ’πˆπƒπ„ππ“π„ 𝐒𝐀 π€ππ“πˆππŽπ‹πŽ 𝐍𝐀 ππ€π†πƒπ”π‹πŽπ“ 𝐍𝐆 ππˆππ’π€π‹π€ 𝐒𝐀 ππ„πƒπ„π’π“π‘πˆπ€π 𝐀𝐓 𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 πŒπŽπ“πŽπ‘πˆπ’π“π€; π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€, π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ

Agarang nagsagawa ng imbestigasyon ang Land Transportation Office (LTO) at naglabas ng Show Cause Order (SCO) laban sa driver at rehistradong may-ari ng isang Mitsubishi Adventure GLX 2 kaugnay ng isang insidente sa Antipolo City na nagdulot ng pinsala sa isang pedestrian at pagkakabangga sa dalawa pang sasakyan.

Batay sa Spot Report ng Rizal Police Provincial Office, Antipolo Component City Police Station, nasa kahabaan umano ng Daang Bakal sa Barangay Dela Paz, Antipolo City ang naturang sasakyan nang mapunta ito sa kabilang lane at mabangga ang isang pedestrian.

Matapos ang unang banggaan, nagpatuloy pa umano sa pag-andar ang sasakyan at nabangga ang isang Honda XRM 125 motorcycle at isang Kawasaki Barako tricycle na nakaparada sa gilid ng kalsada.

Lumabas din sa ulat na tinangka umanong umalis ng driver sa lugar ng insidente ngunit napilitang huminto matapos ma-flat tire ang sasakyan sa P. Oliveros Street. Kalaunan ay na-aresto ito ng mga rumespondeng pulis.

Ayon din sa video na kumakalat sa social media at kuha mismo ng nagdokumento ng insidente, ipinahayag din ang hinala na ang driver ay maaaring nasa ilalim ng impluwensya ng alak nang mangyari ang insidente.

Dinala naman ang nasugatang pedestrian sa pagamutan upang mabigyan ng agarang medikal na atensyon.

Dahil sa insidenteng ito, inatasan ng LTO sa pamamagitan ng Intelligence and Investigation Division (IID) ang rehistradong may-ari at ang driver ng sasakyan na humarap sa itinakdang pagdinig. Maaaring managot ang driver sa mga paglabag na Reckless Driving, Duty of Driver in Case of Accident, Mandatory Use of Seat Belts, at Driving While Under the Influence of Alcohol or Narcotic Drugs. Maaari rin itong maharap sa suspensyon o pagbawi ng kanyang driver's license dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Bilang bahagi ng mga hakbang ng ahensya, inilagay sa alarm status ang driver's license ng sangkot na motorista at ang naturang sasakyan upang hindi makapagproseso ng anumang transaksyon sa LTO habang dinidinig ang kaso.

β€œPatuloy nating binabantayan ang mga ganitong insidente at agad tayong kumikilos sa oras na may matukoy na posibleng paglabag. Mahalagang matiyak na naipatutupad nang maayos ang batas at naisasagawa ang mga kinakailangang aksyon sa tamang panahon. Hindi natin binabalewala ang mga ganitong insidente," ani LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao.

Makakaasa ang publiko na sa mga insidenteng tulad nito, agad na magsasagawa ng kaukulang aksyon ang LTO upang matiyak ang masusing imbestigasyon at ang pagpapanagot sa sinumang mapatutunayang lumabag sa batas. Patuloy ring isusulong ng ahensya ang mga hakbang na naglalayong mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa mga lansangan.

https://www.facebook.com/share/p/1H96AJczs4/

Muling umaksyon ang Land Transportation Office (LTO) laban sa isang Jetour SUV na sangkot sa viral na hit-and-run incide...
08/06/2026

Muling umaksyon ang Land Transportation Office (LTO) laban sa isang Jetour SUV na sangkot sa viral na hit-and-run incident sa South Luzon Expressway (SLEX) na nagdulot ng pinsala sa isang miyembro ng Highway Patrol Group (HPG).

Kaugnay nito, naglabas ang LTO, sa pamamagitan ng Intelligence and Investigation Division (IID), ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at sa driver ng sasakyan upang magpaliwanag hinggil sa insidente.

Batay sa viral video na in-upload ng Riders Safety Advocates of the Philippines (RSAP), makikita ang isang HPG officer na nasa kahabaan ng SLEX noong Hunyo 6. Habang papakanan umano ito mula sa overtaking lane, biglang bumilis at lumiko pakaliwa mula sa ikatlong linya ang isang Jetour SUV. Dahil sa naturang maniobra, nabangga nito ang motorsiklo ng HPG officer, na naging sanhi ng kanyang pagkakatumba at pagtatamo ng mga pinsala.

Matapos ang insidente, hindi umano huminto ang sasakyan upang alamin ang kalagayan ng nasugatang HPG Officer at sa halip ay agad na umalis sa lugar.

Dahil dito, inaatasan ng LTO ang rehistradong may-ari at ang driver ng sasakyan na humarap sa itinakdang pagdinig.

Posibleng managot ang driver sa mga paglabag na Reckless Driving at Duty of Driver in Case of Accident. Maaari rin itong maharap sa suspensyon o pagbawi ng kanyang driver's license dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Bilang bahagi ng agarang aksyon ng ahensya, inilagay rin sa alarm status ang naturang sasakyan upang hindi ito makapagproseso ng anumang transaksyon sa LTO habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Samantala, inatasan ang driver na isuko ang kanyang driver's license sa LTO at agad itong sasailalim sa preventive suspension sa loob ng siyamnapung (90) araw habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, "Patuloy nating pinaaalalahanan ang lahat ng motorista na maging responsable sa pagmamaneho at laging unahin ang kaligtasan ng kapwa nila gumagamit ng kalsada. Hindi katanggap-tanggap ang pag-alis sa lugar ng isang aksidente, lalo na kung may nasaktan. Sa mga ganitong sitwasyon, sisiguraduhin ng LTO na maimbestigahan ang insidente at mapanagot ang sinumang mapatutunayang lumabag sa batas."

Sa huli, laging pinapaalala ng LTO na ang kaligtasan sa kalsada ay nagsisimula sa bawat motorista. Ang pagiging responsable sa pagmamaneho at pagsunod sa batas trapiko ay mahalaga upang maiwasan ang mga aksidente at maprotektahan ang buhay ng lahat ng gumagamit ng lansangan. Makakaasa ang publiko na patuloy na ipatutupad ng LTO ang batas nang patas at walang kinikilingan.

https://www.facebook.com/share/p/1EJdKnfXZE/

π•πˆπ‘π€π‹ 𝐍𝐀 π‡πˆπ“-𝐀𝐍𝐃-𝐑𝐔𝐍 𝐒𝐀 𝐒𝐋𝐄𝐗 𝐍𝐀 ππ€π†πƒπ”π‹πŽπ“ 𝐍𝐆 ππˆππ’π€π‹π€ 𝐒𝐀 𝐇𝐏𝐆 πŽπ…π…πˆπ‚π„π‘, πˆππ€πŠπ’π˜π”ππ€π 𝐍𝐆 π‹π“πŽ; πƒπ‘πˆπ•π„π‘ 𝐍𝐀 π“π”πŒπ€πŠπ€π’, π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€ π‘πˆπ

Muling umaksyon ang Land Transportation Office (LTO) laban sa isang Jetour SUV na sangkot sa viral na hit-and-run incident sa South Luzon Expressway (SLEX) na nagdulot ng pinsala sa isang miyembro ng Highway Patrol Group (HPG).

Kaugnay nito, naglabas ang LTO, sa pamamagitan ng Intelligence and Investigation Division (IID), ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at sa driver ng sasakyan upang magpaliwanag hinggil sa insidente.

Batay sa viral video na in-upload ng Riders Safety Advocates of the Philippines (RSAP), makikita ang isang HPG officer na nasa kahabaan ng SLEX noong Hunyo 6. Habang papakanan umano ito mula sa overtaking lane, biglang bumilis at lumiko pakaliwa mula sa ikatlong linya ang isang Jetour SUV. Dahil sa naturang maniobra, nabangga nito ang motorsiklo ng HPG officer, na naging sanhi ng kanyang pagkakatumba at pagtatamo ng mga pinsala.

Matapos ang insidente, hindi umano huminto ang sasakyan upang alamin ang kalagayan ng nasugatang HPG Officer at sa halip ay agad na umalis sa lugar.

Dahil dito, inaatasan ng LTO ang rehistradong may-ari at ang driver ng sasakyan na humarap sa itinakdang pagdinig.

Posibleng managot ang driver sa mga paglabag na Reckless Driving at Duty of Driver in Case of Accident. Maaari rin itong maharap sa suspensyon o pagbawi ng kanyang driver's license dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Bilang bahagi ng agarang aksyon ng ahensya, inilagay rin sa alarm status ang naturang sasakyan upang hindi ito makapagproseso ng anumang transaksyon sa LTO habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Samantala, inatasan ang driver na isuko ang kanyang driver's license sa LTO at agad itong sasailalim sa preventive suspension sa loob ng siyamnapung (90) araw habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, "Patuloy nating pinaaalalahanan ang lahat ng motorista na maging responsable sa pagmamaneho at laging unahin ang kaligtasan ng kapwa nila gumagamit ng kalsada. Hindi katanggap-tanggap ang pag-alis sa lugar ng isang aksidente, lalo na kung may nasaktan. Sa mga ganitong sitwasyon, sisiguraduhin ng LTO na maimbestigahan ang insidente at mapanagot ang sinumang mapatutunayang lumabag sa batas."

Sa huli, laging pinapaalala ng LTO na ang kaligtasan sa kalsada ay nagsisimula sa bawat motorista. Ang pagiging responsable sa pagmamaneho at pagsunod sa batas trapiko ay mahalaga upang maiwasan ang mga aksidente at maprotektahan ang buhay ng lahat ng gumagamit ng lansangan. Makakaasa ang publiko na patuloy na ipatutupad ng LTO ang batas nang patas at walang kinikilingan.

π‘π„π‚πŠπ‹π„π’π’ πƒπ‘πˆπ•πˆππ† 𝐒𝐀 π“πŽπ‹π‹π–π€π˜ πƒπ€π‡πˆπ‹ 𝐒𝐀 πƒπ„π‹πˆπŠπ€πƒπŽππ† 𝐏𝐀𝐆-𝐒𝐖𝐄𝐑𝐕𝐄, πˆππ€πŠπ’π˜π”ππ€π 𝐍𝐆 π‹π“πŽ; π’π‚πŽ πˆππˆπ‹π€ππ€π’, π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€, π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€...
08/06/2026

π‘π„π‚πŠπ‹π„π’π’ πƒπ‘πˆπ•πˆππ† 𝐒𝐀 π“πŽπ‹π‹π–π€π˜ πƒπ€π‡πˆπ‹ 𝐒𝐀 πƒπ„π‹πˆπŠπ€πƒπŽππ† 𝐏𝐀𝐆-𝐒𝐖𝐄𝐑𝐕𝐄, πˆππ€πŠπ’π˜π”ππ€π 𝐍𝐆 π‹π“πŽ; π’π‚πŽ πˆππˆπ‹π€ππ€π’, π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€, π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ 𝐍𝐆 πƒπ‘πˆπ•π„π‘ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ

Agad na umaksyon ang Land Transportation Office (LTO) laban sa driver ng isang Honda Civic na sangkot sa viral na insidente ng agresibong pagmamaneho sa isang tollway matapos itong makuhanan ng video na umano'y paulit-ulit na lumalabag sa mga road lane markings sa gitna ng daloy ng trapiko.

Sa direktiba ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang LTO Intelligence and Investigation Division (IID). Natukoy ang rehistradong may-ari at driver ng isang Honda Civic na sangkot sa naturang insidente, na nagresulta sa pag-isyu ng Show Cause Order (SCO) laban sa kanila.

Batay sa viral video na kumakalat sa social media, ilang beses umanong nag-swerve ang nasabing sasakyan sa solid white lane at double solid yellow lane habang bumibiyahe sa isang limited-access highway o tollway. Naganap umano ang insidente sa gitna ng daloy ng trapiko, bagay na maaaring magdulot ng panganib hindi lamang sa driver kundi maging sa iba pang gumagamit ng kalsada.

Dahil dito, inaatasan ng LTO ang rehistradong may-ari at driver ng sasakyan na humarap sa IID upang magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa kasong Reckless Driving at kung bakit hindi dapat suspendihin o bawiin ang lisensya ng driver dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Kasabay nito, iniutos din ng LTO ang agarang pagsuko ng lisensya ng driver sa IID. Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, isinailalim sa 90-araw na preventive suspension ang lisensya nito at inilagay naman sa alarm status ang naturang sasakyan.

β€œHindi katanggap-tanggap ang ganitong uri ng pag-uugali sa kalsada. Ang bawat motorista ay may pananagutang sumunod sa mga batas-trapiko at isaalang-alang ang kaligtasan ng kapwa. Kapag may mga paglabag na naglalagay sa panganib sa kapwa motorista at iba pang gumagamit ng kalsada, asahan nilang kikilos ang LTO, ” ani Lacanilao.

Dagdag pa niya na patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng LTO sa mga umiiral na batas-trapiko laban sa mga motoristang nagpapakita ng kawalan ng disiplina at paglabag sa mga alituntunin sa kalsada. Hinikayat din niya ang lahat ng gumagamit ng lansangan na pairalin ang responsableng pagmamaneho at paggalang sa batas upang makatulong sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na daloy ng trapiko para sa lahat.

https://www.facebook.com/share/p/1BBCNmErqm/

π‹π€π’πˆππ† 𝐍𝐀 π„π’π“π”πƒπ˜π€ππ“π„ 𝐍𝐀 ππ€π†πˆππ† π€π†π‘π„π’πˆππŽ 𝐒𝐀 πŠπ€π‹π’π€πƒπ€, 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐍𝐀 ππˆππ€π“π€π–π€π 𝐍𝐆 π’π‚πŽ; π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€, π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽNagp...
06/06/2026

π‹π€π’πˆππ† 𝐍𝐀 π„π’π“π”πƒπ˜π€ππ“π„ 𝐍𝐀 ππ€π†πˆππ† π€π†π‘π„π’πˆππŽ 𝐒𝐀 πŠπ€π‹π’π€πƒπ€, 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐍𝐀 ππˆππ€π“π€π–π€π 𝐍𝐆 π’π‚πŽ; π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€, π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ

Nagpalabas ang Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng pamumuno ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ng Show Cause Order (SCO) laban sa driver ng isang Suzuki Hatchback na sangkot sa viral road rage incident na kumakalat sa social media.

Batay sa viral video, makikita ang umano’y komprontasyon sa pagitan ng driver ng isang Suzuki Hatchback at ng driver ng isang truck sa kahabaan ng Vergara Highway sa Cabanatuan City, Nueva Ecija. Ayon sa ulat, ilang beses umanong hinampas ng driver ng Suzuki Hatchback ang truck at nagpakita ng agresibong pag-uugali sa kasagsagan ng insidente.

Lumabas din sa ulat na ang driver, na umano’y isang estudyante, at ang mga kasama nito ay nasa impluwensya ng alak nang maganap ang insidente.

Bukod sa naturang insidente, lumitaw din sa social media ang isa pang viral video na nagpapakita sa kaparehong indibidwal na umano’y sangkot sa isang hiwalay na insidente sa Gapan City, Nueva Ecija. Batay sa ulat, nahuli naman itong nag-counterflow at kalaunan ay nasangkot sa pisikal na pananakit sa isa pang motorista.

Dahil dito, inatasan ng Intelligence and Investigation Division (IID) ang sangkot na rehistradong may-ari at ang driver na humarap sa tanggapan nito upang magpaliwanag kaugnay ng mga posibleng paglabag, kabilang ang Reckless Driving, Driving While Under the Influence of Alcohol, at pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Kasalukuyang isinasailalim din sa masusing imbestigasyon ang isa pang viral video may kaugnay sa sangkot na indibidwal upang matukoy kung may mga karagdagang paglabag na maaaring isampa laban sa kanya.

β€œLalo tayong nababahala dahil hindi lamang iisang insidente ang iniuugnay sa sangkot na driver. Ang paglitaw ng isa pang viral video na umano’y agresibo at marahas na pag-uugali ay nagpapakita ng posibleng pattern ng kawalang-disiplina sa kalsada. Ito ang dahilan kung bakit kinakailangang masusing imbestigahan ang kaso at tiyaking mapapanagot ang sinumang mapatutunayang lumabag sa batas,” ani Lacanilao.

Samantala, isinailalim ng LTO sa 90-day preventive suspension ang driver’s license ng sangkot na driver, habang inilagay naman sa alarm status ang Suzuki Hatchback. Inatasan din ang driver na isuko ang agad kanyang driver’s license.

Pinaalalahanan ni Assistant Secretary Lacanilao ang lahat ng motorista na ang kaligtasan sa lansangan ay nakasalalay sa disiplina at responsableng pag-uugali ng bawat isa. Aniya, mahalagang pairalin ang paggalang sa kapwa road users at mahigpit na sumunod sa mga batas-trapiko upang maiwasan ang mga insidenteng maaaring magdulot ng panganib sa publiko.

https://www.facebook.com/share/p/18heKxv5Rh/

π‹π“πŽ, π”πŒπ€πŠπ’π˜πŽπ 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 ππ‘πˆππ€πƒπŽππ† 𝐒𝐔𝐕 𝐍𝐀 πŒπ€π˜ πˆπ‹π„π†π€π‹ 𝐍𝐀 ππ‹πˆππŠπ„π‘π’; π’π€π’π€πŠπ˜π€π 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐍𝐀 πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€, π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ 𝐍𝐆 πƒπ‘πˆπ•π„π‘ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ...
06/06/2026

π‹π“πŽ, π”πŒπ€πŠπ’π˜πŽπ 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 ππ‘πˆππ€πƒπŽππ† 𝐒𝐔𝐕 𝐍𝐀 πŒπ€π˜ πˆπ‹π„π†π€π‹ 𝐍𝐀 ππ‹πˆππŠπ„π‘π’; π’π€π’π€πŠπ˜π€π 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐍𝐀 πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€, π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ 𝐍𝐆 πƒπ‘πˆπ•π„π‘ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ

Pinatunayan muli ng Land Transportation Office (LTO) na walang puwang ang anumang uri ng espesyal na pribilehiyo sa kalsada matapos maglabas ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at driver ng isang Toyota Land Cruiser na umano'y gumagamit ng hindi awtorisadong red at blue blinking lights.

Sa direktiba ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, agad na inatasan ang Intelligence and Investigation Division (IID) na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng nasabing insidente.

Kaya naman, inaatasan ang rehistradong may-ari at ang driver ng naturang sasakyan na humarap sa IID upang ipaliwanag kung bakit hindi dapat managot ang rehistradong may-ari sa kasong Unauthorized/Unlawful Use of Blinkers at kung bakit hindi naman dapat suspendihin o bawiin ang lisensya ng driver dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Kasabay nito, ipinag-utos din ng LTO ang agarang pagsuko ng driver's license ng sangkot na driver at isasailalim ito sa 90-araw na preventive suspension habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Inilagay na rin sa alarm status ang Toyota Land Cruiser upang matiyak ang pagsunod sa mga kautusan ng ahensya.

β€œAng paggamit ng blinking lights sa mga pribadong sasakyan ay nagdudulot ng maling impresyon na ang gumagamit nito ay may espesyal na kapangyarihan o pribilehiyo sa kalsada. Mas nagiging sensitibo ang publiko sa ganitong mga paglabag kapag nakakabit ito sa mamahalin o high-end na sasakyan dahil maaari itong magbigay ng pananaw na may mga indibidwal na nagtatangkang gamitin ang kanilang estado o impluwensiya upang makakuha ng espesyal na pagtrato sa lansangan,” ani Lacanilao.

Patuloy na hinihikayat ng LTO ang publiko na sumunod sa mga batas-trapiko at iwasan ang paggamit ng anumang kagamitan na walang kaukulang pahintulot mula sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

Kung may nasaksihang paglabag sa batas-trapiko, maaaring isumite ang mga ulat na ito sa pamamagitan ng opisyal na mga plataporma ng LTO, kabilang ang β€œI-Report Mo Kay LTO Chief” page at ang website na https://ireportmokayltochief.ph/, upang agad na maimbestigahan at maaksyunan.

https://www.facebook.com/share/p/1EXAmGZLq4/

Report issues related to land registration. Use our platform for efficient service and accountability in the Philippines.

π•πˆπ‘π€π‹ 𝐍𝐀 β€œπŽππ’π“π‘π”π‚π“πˆπŽπ πŽπ… π“π‘π€π…π…πˆπ‚β€ 𝐒𝐀 π’πŠπ˜π–π€π˜, πˆππ€πŠπ’π˜π”ππ€π 𝐍𝐆 π‹π“πŽ, π’π‚πŽ πˆππˆπ‹π€ππ€π’; π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€, π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ 𝐍𝐆 πƒπ‘πˆπ•π„π‘ 𝐒𝐔𝐒𝐏...
05/06/2026

π•πˆπ‘π€π‹ 𝐍𝐀 β€œπŽππ’π“π‘π”π‚π“πˆπŽπ πŽπ… π“π‘π€π…π…πˆπ‚β€ 𝐒𝐀 π’πŠπ˜π–π€π˜, πˆππ€πŠπ’π˜π”ππ€π 𝐍𝐆 π‹π“πŽ, π’π‚πŽ πˆππˆπ‹π€ππ€π’; π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€, π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ 𝐍𝐆 πƒπ‘πˆπ•π„π‘ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ

Patuloy ang mabilis na aksyon ng Land Transportation Office (LTO) laban sa isang rehistradong may-ari at driver ng isang Mitsubishi Adventure na sangkot sa viral na insidente sa Skyway matapos itong makuhanan ng dashcam video habang umano'y humaharang sa daloy ng trapiko.

Sa direktiba ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, agad na pinaimbestigahan ang insidente na kumakalat sa social media, na nagresulta sa pag-isyu ng Show Cause Order (SCO) laban sa sangkot na sasakyan.

Batay sa dashcam video na ibinahagi sa page ni James Deakin, makikitang pansamantalang nahinto ang daloy ng trapiko sa isang bahagi ng Skyway dahil sa naturang insidente. Ito ay naganap noong Hunyo 3, 2026, bandang alas-singko ng hapon, sa bahagi ng Skyway malapit sa SM City Sta. Mesa.

Dahil dito, inaatasan ng LTO, sa pamamagitan ng Intelligence and Investigation Division (IID) ang rehistradong may-ari at ang driver ng sasakyan na humarap sa pagdinig at magsumite ng kanilang sinumpaang salaysay kaugnay ng mga alegasyon laban sa kanila. Kabilang sa mga posibleng paglabag na kanilang haharapin ay Reckless Driving, Obstruction of Traffic, at pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle, bukod pa sa iba pang paglabag na maaaring matukoy habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Samantala, inilagay na rin sa alarma ang naturang sasakyan. Ang lisensya naman ng driver ay sasailalim sa 90-araw na preventive suspension habang isinasagawa ang imbestigasyon.

"Simple lang ang pakiusap natin sa lahat ng motorista: Tiyaking sumunod sa batas trapiko at maging responsable sa kalsada. Sa pamamagitan ng disiplina at pag-iingat, maiiwasan natin ang mga insidenteng naglalagay sa panganib sa buhay at kaligtasan ng ating mga kababayan," ani Lacanilao.

Sa huli, muling pinaalalahanan ng LTO ang lahat ng motorista na pairalin ang disiplina, pag-iingat, at responsableng pagmamaneho sa lahat ng oras. Ang mahigpit na pagsunod sa mga batas-trapiko ay mahalaga upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at maayos na daloy ng trapiko sa mga lansangan.

Makakaasa rin ang publiko na patuloy ang LTO sa pagsagawa ng kaukulang aksyon laban sa mga motorista na lumalabag sa batas at naglalagay sa alanganin sa kaligtasan ng publiko.

https://www.facebook.com/share/p/1HqkYqKcJH/

Address

Quimpo Boulevard, Barangay 40-D
Davao City
8000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639189260903

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Land Transportation Office Region XI posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Land Transportation Office Region XI:

Share