25/02/2025
Stairway_What is OSAEC? https://drive.google.com/file/d/1rid-IhzPHpb3rTlAjMytzM6ed7rkFRgm/view?usp=drive_link
Date of Posting: February 11, 2025
FB Caption:
2025: Digital Bayanihan, para sa Kabataang Ligtas at Protektado Online!
Sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, lahat tayo may papel sa pagpapanatili ng ligtas na digital na mundo para sa kabataan! Kaisa ang NCC-OSAEC-CSAEM, ating pinagdiriwang ang Safer Internet Day 2025!
Paano tayo makakaisa sa Digital Bayanihan?
Maging responsable sa paggamit ng internet – Iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon at sensitibong content.
Gabayan ang kabataan – Ituro ang tamang paggamit ng internet at paano iwasan ang cyberbullying, sextortion, at online exploitation.
Iulat at labanan ang abuso – Kung may nakikitang mapang-abuso na aktibidad online tulad ng Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC), i-report ito agad sa tamang ahensya.
Palakasin ang digital literacy – Turuan ang mga bata ng online safety practices upang mapanatili silang ligtas sa internet.
Panoorin ang video na ito mula sa Stairway Foundation at alamin kung paano natin maisasabuhay ang Digital Bayanihan upang protektahan ang ating kabataan!
Sama-sama nating gawing ligtas at positibo ang internet para sa lahat!
Kung may nais kang ireport na mga insidente ng OSAEC, tumawag lang sa Makabata Helpline 1383
Department of Education (DepEd)_BeCyberSafe
https://drive.google.com/file/d/154FDjYmVN1oRB79rDhs1ovOR_Sr5V9m-/view?usp=share_link
Date of Posting: February 18
FB Caption:
Ang Kawaran ng Edukasyon ay nakikisa sa selebrasyon ng 2025 Safer Internet Day, with the theme: " 2025: Digital Bayanihan, para sa Kabataang Ligtas at Protektado Online!"
Ating muling tunghayan ang video in partnership with the Stairway Foundation Inc., at kaisa ang National Coordination Center against Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (NCC-OSAEC-CSAEM), na tumatalakay sa mga panganib na dala ng OSAEC at CSAEC sa ating mga kabataan. Ang video na eto ay nag lalayon na palakasin ang ating adbokasiya na protektahan ang karapatan ng mga kabataan online at ang ligtas at responsableng pag gamit ng internet.
Para sa mga nais mag-report ng mga insidente ng OSAEC at CSAEM at mga pang aabuso, maaaring tumawag sa LRPD-Learners TeleSafe Contact Center Helpline 8632-1372 o sa #33733 o magpadala ng mensahe sa [email protected] o sa LRPD page.
(IJM)_Bayang Walang Bahid ng OSAEC
https://drive.google.com/file/d/17mgtlcU9-wuoUI82fm8BcmX-G1h90p7C/view?usp=drive_link
Date of Posting: February 25, 2025
FB Caption:
Ang diwa ng bayanihan ay likas sa ating mga Pilipino—lagi tayong nagkakaisa at nagtutulungan sa harap ng anumang pagsubok.
Ngayong Safer Internet Day, sama-sama nating palakasin ang ating panawagan para sa mas ligtas na internet para sa ating mga kabataan.
Isa sa mga pinakamalaking banta sa kanilang seguridad ay ang Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC)—isang malagim na krimen na nagaganap sa loob ng tahanan at sumisira sa kinabukasan ng maraming bata.
Ang pagre-report ay isang hakbang patungo sa kaligtasan ng isang bata. Sa bawat batang ating poprotektahan, mas pinagtitibay natin ang pundasyon ng isang ligtas at makatarungang lipunan.
Ngayong Safer Internet Day, kumilos tayo para sa isang !
Kung may nalalaman kang kaso ng OSAEC, huwag manahimik. I-report ito sa mga sumusunod na hotlines:
Philippine National Police – Women and Children Protection Center
0919-777-7377 (Smart)
0966-725-5961 (Globe)
1343 ACTION LINE
Dial 1343 or visit www.1343actionline.ph
Makabata Helpline
1383
Maging bahagi ng solusyon. Magsumbong upang protektahan ang kabataan!