10/08/2026
๐โโ๏ธ๐ PORMAL NA PAGGAWAD NG NALIKOM MULA SA ADOPT-A-COTTAGE | SEASON 2: โI RUN, I CAREโ ๐๐
Mula sa bawat hakbang na ginawa hanggang sa bawat ambag na ibinahagi, ang malasakit at pangako ay naging konkretong suporta.
Noong Agosto 7, 2026, pormal na pinagkaloob ng Justice Sector Coordinating Council (JSCC) ang โฑ421,991.50 na halaga ng construction materials para sa Kawanihan ng Pamamahala ng Piitan at Penolohiya XI, Davao City JailโAnnex, sa pamamagitan ng Adopt-A-Cottage Season 2: โI Run, I Careโ .
Ang mahalagang suportang ito ay makatutulong sa pagpapabuti at pagsasaayos ng mga pasilidad ng piitan, upang magkaroon ng mas ligtas, maayos, at mas angkop na kapaligiran para sa mga Taong Pinagkaitan ng Kalayaan o PDL na nasa aming pangangalaga.
๐ค Higit pa sa isang simpleng paggawad, ito ay patunay na sa pamamagitan ng pagtutulungan, malasakit, at matibay na ugnayan, may tunay tayong magagawa para sa kapakanan ng iba.
Sa lahat ng aming mga katuwang sa komunidad, maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at sa pagtupad sa inyong pangako na naging konkretong tulong para sa Kawanihan ng Pamamahala ng Piitan at Penolohiya XI Davao City JailโAnnex! ๐๐
Sama-sama, tayo ay nagtatayo ng mas maayos na kinabukasan. Sama-sama, tayo ay gumagawa ng pagbabago.