30/06/2026
🇵🇭 WE ARE ONE.
Hindi relihiyon ang naghahati sa atin. Hindi tribo. Hindi kultura. Hindi wika.
Ang tunay na pagkakaisa ay nagsisimula kapag iisa ang paninindigan natin para sa katotohanan, pananagutan, at mabuting pamamahala.
Anuman ang ating pananampalataya, lahi, pinagmulan, o lengguwahe, iisa lamang ang ating tahanan—ang Republika ng Pilipinas. Ang kinabukasan ng ating mga anak ay higit na mahalaga kaysa anumang kulay ng politika.
📢 Nakikiisa ang PERTUBUHAN BANGSA MELAYU FILIPINA, Pertubuhan Warisan Bangsa Melayu Inc, House of Rajah Sirungan Kedatuan Buayan, Warisan Wanita Filipina Nusantara Council sampu ng lahat ng kasapi sa mapayapang panawagan para sa katotohanan, pananagutan, at integridad sa pamahalaan. Naninindigan kami na ang sinumang mapatunayang lumabag sa batas ay dapat managot sa ilalim ng due process at ng Saligang Batas.
Hindi tayo nagtitipon dahil sa p**t. Nagtitipon tayo dahil sa pag-asa na maayos pa ating Inang bansa.
Hindi tayo nagkakaisa upang sirain ang bansa. Nagkakaisa tayo upang itaguyod ang katotohanan at palakasin ang ating demokrasya.
Our TagLifeline:
"Ang pagkakaisa ay hindi pagkakapareho ng relihiyon, tribo, o kultura. Ang tunay na pagkakaisa ay ang sama-samang paninindigan para sa katotohanan, katarungan, at pagmamahal sa bayan."
🇵🇭 WE ARE ONE. FIGHT FOR TRUTH.
🇵🇭 This is JATI
by TSM Critical Insights ✊🏻