26/02/2026
MAHALAGANG ANUNSYO PARA SA ATING MGA KAPATID NA MUSLIM ๐ข
Shine Brighter Datu Piang
Para po sa kaalaman ng mga Kapatid nating mga Muslim, Narito Ang bagong Memorandum mula sa Supreme Court (Office of the Court Administrator) na inilabas nitong Pebrero 24, 2026, tungkol sa pagpaparehistro ng kasal.
Ano ang dapat malaman?
Sa ilalim ng Republic Act No. 11596 (Prohibition of Child Marriage Law), mahigpit nang ipinagbabawal at itinuturing na krimen ang pagpapakasal ng sinumang wala pang labing-walong (18) taong gulang.
Narito ang mahahalagang punto ng Memorandum:
โข ๐ซ Bawal na ang Child Marriage: Hindi na tatanggapin (REFUSE) ng mga Shariโah District at Circuit Courts ang rehistrasyon ng marriage certificates kung ang isa o parehong ikinasal ay wala pang 18 taong gulang.
โข โ๏ธ Na-repeal ang dating batas: Ang probisyon sa P.D. No. 1083 (Code of Muslim Personal Laws) na pumapayag sa kasal ng menor de edad ay hindi na mayabisa. Ito ay pinalitan na ng R.A. No. 11596.
โข โ Void ab initio: Ang anumang kasal na kinasasangkutan ng bata ay itinuturing na "walang bisa" sa simula pa lamang at walang legal na epekto.
โข ๐ฎ May Pananagutang Kriminal: Ang mga magulang, guardian, o sinumang mag-aayos, magpapadali, o magsasagawa (officiating) ng child marriage ay maaaring makasuhan at maparusahan sa ilalim ng batas.
PAUNAWA: Ang post na ito ay para lamang sa pagbabahagi ng impormasyon at edukasyon ng publiko. Ang mga dokumentong nakalakip ay opisyal na Memorandum mula sa Office of the Court Administrator ng Supreme Court ng Pilipinas (Petsa: February 24, 2026). Layunin nito na magbigay-linaw sa mga bagong regulasyon sa ilalim ng Republic Act No. 11596. Para sa mga legal na katanungan, mas mabuting kumunsulta sa isang lisensyadong abogado o sa pinakamalapit na Shariโah Court sa inyong lugar..
Jane Radzmirah Uy Andamen Sou Heil