13/05/2025
Maraming pong salamat sa 7028 na sumuporta, tumulong, naniwala, at tumindig para sa platapormang KAYA. π
Katulad po ng ating palaging sinasabi, anuman ang maging resulta sa halalang ito, panalo pa rin po tayo sapagkat marami tayong nakilala, marami tayong napuntahan, marami tayong natutunan, at marami tayong naging kaibigan.
Tapos na po ang eleksyon. Buong puso ko pong binabati ang lahat ng mga nanalo. π€ Suportahan po natin sila sa lahat ng programang kanilang isasagawa para sa ating mga Dasolano at sa ating bayan.
Muli, ako po si Kent Aquino na palaging magpapaalalang KAYA mo, DASOLANO! π€π