13/08/2026
Mula sa Outpatient, ngayon naman ay para sa ating Inpatient! 🩵
Matapos ang matagumpay na pamamahagi ng mainit at masarap na meryenda sa ating Outpatient Department, ipinagpatuloy natin ang munting handog ng pagmamalasakit sa pamamagitan ng pagbibigay ng meryenda sa ating mga Inpatient.
Nawa'y sa simpleng paraan ay maipadama natin ang pag-aaruga, pag-asa, at suporta sa bawat pasyenteng patuloy na lumalaban at nagpapagaling.
Maraming salamat sa walang sawang suporta at malasakit ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III sa mga programang naglalayong magbigay ng dekalidad at makataong serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan. 💙