28/04/2020
Ang opisyal ng barangay/representative/block leader o HOA officer (kung kayo ay nasa subdivision) ay mag iikot para kunin ang pangalan, edad at address ng nakatira sa mga bahay na hindi nabigyan o nakasama sa tulong pinansyal na mula sa ating national government.
Ang sanguniang barangay sa pamamagitan ng barangay resolution po ang magbibigay ng opisyal na listahan na bibigyan ng tulong ng ating City Government.
Doon po magbabase ang ating Pamunuang Lungsod kung ilan ang bahay na dapat bigyan ng Php 2,000.00 sa bawat barangay.
Ang lahat ng bahay ay bibigyan MALIBAN lamang sa nakakuha na ng tulong mula sa national government katulad ng SAP (Social Amelioration Program), 4Ps at Senior Pensioners.
Ibibigay po itong form sa inyo, sagutan nyo po at maiiwan ang isang kopya sa inyo para pag naibigay na sa inyo yung Php 2,000.00 ay bibigay nyo naman itong isang form na naiwan sa inyo kasama ng photo copy o xerox ng valid ID nyo at pirmahan nyo itong photo copy ng ID nyo.
Ganun lang po!😷