Barangay Sto Niño-II Sangguniang Kabataan

Barangay Sto Niño-II Sangguniang Kabataan This page was created for you to be updated for all ongoing project and events of Our Sangguniang Kabataan officials

14/08/2026
09/08/2026

Hi, Kabataan! 🫶

May iilan pa po sa atin ang hindi pa nakakuha ng kanilang school supplies. 📚

Open po tayo ngayong Sunday, August 9, 2026 mula 4:00 PM hanggang 6:00 PM para sa mga nais pang kumuha ng kanilang school supplies.

Note: Kung wala po kayo sa listahan, please let us know. May ilan pa po tayong available na slots para sa inyo. 🫶

Keep safe and dry, everyone! ☔

08/08/2026

📢 ANNOUNCEMENT | SK LEAGUE “THE LAST DANCE” 2026 🏀

Good evening, Barangay Sto. Niño 2!

Alam naming lahat kayo ay sabik nang manood, maglaro, at malaman kung sino ang magiging CHAMPION ng ating SK League “The Last Dance” 2026! 🏆🏀

Pero higit sa lahat, kaligtasan ng bawat isa ang ating prayoridad, manonood man o manlalaro. Dahil sa masamang panahon at madulas na kondisyon ng ating covered court, napagdesisyunan ng Sangguniang Kabataan Officials na ipagpaliban muna ang Championship Games.

📅 Bagong Petsa: AUGUST 16, 2026 (SUNDAY) 🏆🏀

Maraming salamat sa inyong pang-unawa, pasensya, at patuloy na suporta. Kami rin, bilang inyong SK Officials, ay excited na malaman kung sino ang mag-uuwi ng korona at magiging CHAMPION ngayong taon! 👑🏆

Sa ngayon, unahin muna natin ang kaligtasan ng lahat.

STAY SAFE. STAY DRY. ☔
God bless everyone! 🙏

https://www.facebook.com/share/p/197TCiLFKF/

📢 SCHOOL SUPPLIES DISTRIBUTION PART 3 3️⃣ STO. NIÑO 2 📚🎒Good evening po, mga kabataan ng Sto. Niño 2!Maaari niyo na pong...
07/08/2026

📢 SCHOOL SUPPLIES DISTRIBUTION PART 3 3️⃣
STO. NIÑO 2 📚🎒

Good evening po, mga kabataan ng Sto. Niño 2!

Maaari niyo na pong makuha ang inyong school supplies bukas, August 8, 2026 (Saturday), mula 4:00 PM hanggang 6:00 PM ONLY sa ating SK Office, na matatagpuan sa loob ng ating Basketball Court.

🌧️ PAALALA PO: Kung sakaling maulan at delikado nang lumabas, huwag na pong pilitin ang inyong sarili na pumunta. Para sa inyong kaligtasan, mas mahalaga po iyon. Kami namang mga Sangguniang Kabataan Officials ay maghihintay pa rin po mula 4:00 PM–6:00 PM sa ating SK Office, sa loob ng Basketball Court, at umaasa tayo na magiging maaliwalas at maganda ang panahon bukas. 🙏☀️

🎓 PARA SA SHS AT COLLEGE STUDENTS

Patuloy pa rin po kaming naghahanap ng 88 students, mapa-Senior High School (SHS) o College, na nais mabigyan ng ating school supplies.

📌 JHS: Wala na pong available na slot. 40 JHS students lamang po ang mabibigyan.

📌 SHS & College: Mayroon tayong 230 slots para sa SHS at College. Sa ngayon, mayroon pa po tayong 88 available slots.

📝 PARA SA MGA NAKAPAGPALISTA NA

Nasa ibaba po ang listahan ng mga estudyanteng nakapagparehistro sa pamamagitan ng:
• SK page
• School Supplies Facebook Post
• Direct message sa SK page
• Direct registration sa ating mga SK Officials

⚠️ IMPORTANTENG PAALALA: Kung wala po ang inyong pangalan sa listahan ng SHS at College, maaari pa rin po kayong makakuha bukas dahil mayroon pa tayong 88 available slots.

👉 Paunahan lamang po para sa natitirang 88 slots. Hangga't may available slot, maaari po kayong pumunta bukas mula 4:00 PM hanggang 6:00 PM sa ating SK Office.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pag-unawa

See you, kabataan ng Sto. Niño 2! 🫶📚

A blissful birthday to our SK Chairman, Jefferson Porras! 🎉🎂Your dedication to serving the youth and your composure unde...
02/08/2026

A blissful birthday to our SK Chairman, Jefferson Porras! 🎉🎂

Your dedication to serving the youth and your composure under pressure are truly admirable. Thank you for your heart to serve and for being an inspiration to many. 🤝

Wishing you good health, continued success, and God's abundant blessings. May He continue to guide and strengthen you in all that you do. 🙏💙

🏀🔥 BAKBAKAN NA! 🔥🏀Sino ang mag-aangas at sino ang aabante? 💪🏽SEMI FINALS NA! Handa na ba kayong masaksihan ang matinding...
31/07/2026

🏀🔥 BAKBAKAN NA! 🔥🏀

Sino ang mag-aangas at sino ang aabante? 💪🏽

SEMI FINALS NA! Handa na ba kayong masaksihan ang matinding laban? Walang uurungan, lahat ibibigay para sa pwesto sa Finals!

🏆 Championship Game na tayo next week!
📍 Barangay Sto. Niño 2

Suportahan ang inyong paboritong koponan at maging bahagi ng aksyon! Kita-kits sa court! 💯🔥

Semifinals na next week 😁
24/07/2026

Semifinals na next week 😁

😁
17/07/2026

😁

Address

Dasmariñas

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Sto Niño-II Sangguniang Kabataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share