03/06/2026
𝗥𝗜𝗭𝗔𝗟𝗬𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗜 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡, 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗡𝗔 𝗘𝗗𝗨𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗬𝗢𝗡
IKA-2 NG HUNYO 2026
Mas lalong nag-alab ang diwa ng bayanihan sa ikalawang araw ng Brigada Eskwela 2026 sa aktibong pakikilahok ng mga g**o, magulang, mag-aaral, at mga katuwang ng paaralan bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Pormal na sinimulan ang araw sa isang Kick-Off Program, na sinundan ng motorcade at Zumba activity na nagbigay ng sigla, kasiyahan, at pagkakaisa sa Dr. Jose P. Rizal Senior High School.
Isinagawa rin ang Parents' Orientation upang maipabatid ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga pagbabago sa kurikulum, mga programa ng paaralan, at mga inaasahang tungkulin ng mga mag-aaral para sa darating na Taong Panuruan 2026-2027.
Samantala, sa State of School Address (SOSA), ibinahagi ni Ms. Rea C. Bunan, School Principal II, ang mga natamong tagumpay ng paaralan, gayundin ang mga proyektong nakatakdang isakatuparan para sa patuloy na pag-unlad at kahusayan ng institusyon.
Muling pinatunayan ng ikalawang araw ng Brigada Eskwela na sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagtutulungan, at malasakit ng bawat isa, mas nagiging handa ang paaralan at mas nagiging matatag ang pundasyon ng edukasyon para sa mga Rizalyano.
Sama-sama sa paghahanda, sama-sama sa tagumpay!
✍️ : Shella Mae Velunta, Layout Editor and Divine Lindsay Sisperez, Writer I The Rizalian Publication
🖼️ : Ashley Guarda, Associate Editor-in-Chief I The Rizalian Publication
📸 : Raq Aquino, Photojournalist, The Rizalian Publication