03/02/2026
𝐋𝐓𝐎 𝐂𝐚𝐥𝐚𝐛𝐚𝐫𝐳𝐨𝐧 𝐓𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐑𝐨𝐬𝐚𝐫𝐢𝐨
𝐋𝐢𝐩𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬 —Sa gabay ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Z. Lopez, sa pamumuno ni Land Transportation Office (LTO) Asec. Markus V. Lacanilao na ilapit ang mga serbisyo ng LTO sa publiko, personal na tinanggap ngayong araw ni LTO Calabarzon Regional Director Elmer J. Decena ang parangal mula sa lokal na pamahalaan ng bayan ng Rosario, na kinatawan ni Vice Mayor Atanacio G. Zara, bilang pasasalamat sa matagumpay na pagpapatupad ng mga programang Free Theoretical Driving Course (TDC) at E-Patrol Caravan noong taong 2025.
Kinilala ng LGU Rosario ang malaking ambag ng mga programang ito sa pagpapalakas ng kaalaman sa road safety at sa pagbibigay ng mas madali at mas accessible na mga serbisyo ng LTO para sa mamamayan ng bayan.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni RD Decena ang LGU Rosario sa patuloy na tiwala at pakikipagtulungan, at iginiit na mananatiling bukas ang LTO Calabarzon sa mga programang maglalapit ng serbisyo ng pamahalaan sa publiko at magpapalakas ng kaligtasan sa kalsada.
Patuloy ang LTO Calabarzon sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang higit pang mailapit ang serbisyo sa publiko at maisulong ang ligtas at disiplinadong paggamit ng kalsada.