Kasimbayan - UTS

Kasimbayan - UTS Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kasimbayan - UTS, Dasmariñas.

Panalangin at Kapahayagan para sa Pagdiriwang ng Pandaigdigan Araw ng Kababaihan. Inaalala namin ang mga babaeng hindi m...
12/03/2026

Panalangin at Kapahayagan para sa Pagdiriwang ng Pandaigdigan Araw ng Kababaihan.

Inaalala namin ang mga babaeng hindi mapapantayan ang paglilingkod. Pinararangalan namin ang mga nag-aruga sa amin at nagturo sa amin na parangalan at mahalin ka, O Diyos. Nawa'y ang kanilang halimbawa ng pananampalatayang Kristiano ay tumulong na baguhin kami patungo sa Inyong halimbawa.

Pinararangalan namin ang mga babaeng nagpapakain sa nagugutom, binibihisan ang mga walang damit, nagbibigay ng kapanatagan sa mga nalulungkot, at inaaliw ang mga nababagabag. Nawa'y patuloy ninyong matugunan ang kanilang mga pangangailangan habang sila ay naglilingkod sa iba. Pinararangalan namin ang mga babaeng nagdadalamhati sa pagkawala ng mga mahal sa buhay. Nawa'y patuloy Mo silang palakasin, O Diyos, sa pamamagitan ng Iyong Salita. Nawa'y matuto kaming palakasin ang loob nila gaya ng pagpapasigla nila sa amin. Pinararangalan namin ang mga babaeng nagdadalang-tao, maging ang mga babaeng patuloy na nananalangin upang magkaroon ng anak. Nawa'y kanlungin Mo sila maging ang mga anak na kanilang dinadala o dadalhin sa ilalim ng pag-iingat ng Iyong makapangyarihang Presensya. Kinikilala namin ang lahat ng kababaihan na nauna sa amin, pinangalanan man o hindi na pinangalanan. Pinagpapala namin ang mga babaeng umiyak para sa amin, nagpunas ng aming mga luha, nanalangin para sa amin, at tumawang kasama namin.

Pinaparangalan din namin ang lahat ng tumitindig para sa mga babaeng ito. Pinagpapala namin ang mga humihikayat sa kanila na mangarap, na ilabas ang pinakamahusay nilang kakayanan, ang tumutulong sa kanila na dalhin ang kanilang mga pasanin, at nagmamahal sa kanila nang wasto, O Diyos. Nawa'y bantayan Mo at ingatan ang lahat ng mga kababaihang ito maging ang lahat ng nagmamahal sa kanila. Italaga ang sandaling ito para sa Iyong kaluwalhatian. Sa pangalan ng Diyos na nag-aalaga at lumikha sa amin. Amen.

--------
Salamat kay Pastor Aleissa na nagfacilitate at nagbigay ng repleksyon sa Kapehan Fellowhship!

📷 S.P.
🏠☕️ Ate Elsie & Ate Precy ❤️

08/01/2026

Ang Kapatirang Simbahan para sa Bayan, UTS Chapter (KASIMBAYAN-UTS) ay nagpapahayag ng mariing pagkondena sa tahasang pambobomba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Abra de Ilog, Mindoro noong bagong taon. Sa kasalukuyan, nakaranas at patuloy na dumararanas ang mga komunidad,higit na ang mga katutubong Mangyan - Iraya at maliliit na magsasaka, ng matinding epekto ng militarisasyon, aerial bombing, at air strafing sa ilalim ng tinaguriang “focused and sustained military operations.”

Ang mga aksyon na ito ay nagdudulot ng takot, pagdurusa, trauma, at seryosong banta sa buhay, kabuhayan, at dignidad ng mga sibilyan.

Ang paglaban ng mga komunidad ay bunga ng bulok at mapanupil na sistemang umiiral kung saan ang mga mamamayan ay pinagsasamantalahan, pinagkakaitan ng kabuhayan, at inilalagay sa panganib dulot ng militarisasyon, mapanirang proyekto, at iba pang aabuso ng kapangyarihan ng estado.

Ang pagtutol ay tugon sa sistematikong pang-aabuso at paglabag sa Karapatan-Pantao, habang patuloy na ipinaglalaban ang kanilang kabuhayan, lupang ninuno, at dignidad laban sa karahasan at kawalan ng katarungan.

Kaya naman, kami ay nagpapaabot ng taos-pusong pakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at kasamahan ni Jerlyn Rose Doydora, isang estudyanteng mananaliksik mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), na piniling makibahagi sa buhay ng mga maralita at katutubo sa kanayunan upang alamin ang kanilang kabuhayan at kalagayan. Nanawagan kami ng hustisya sa kanyang pagkasawi bilang bahagi ng responsableng pananagutan sa karahasan sa komunidad.

Kasabay nito, nananawagan kami na ilitaw ang isa pang kabataan na si Chantal Anicoche, na patuloy na nawawala dahil sa epekto ng pambobomba at air strafing ng mga militar.

Pinapaalalahanan namin ang lahat ng may kapangyarihan sa hamon ng Salita ng Diyos sa Mikas 6:8:

“Ang hinihingi ng Panginoon sa iyo ay gawin ang katarungan, ibigin ang kagandahang-loob, at lumakad nang mapagpakumbaba kasama ng iyong Diyos.”

Naniniwala kami na hangga’t may mga kapatid na patuloy na naghihirap, inaapi, at nagugutom dahil sa mga inhustisya, hindi pa natin mararanasan ang tunay na kapayapaan at kalayaan na nakabatay sa katarungan. Kaya naninindigan kami sa panawagang itigil ang karahasan at pagbobomba sa mga kanayunan bilang pagsunod sa kalooban ng Diyos na nagbibigay-halaga sa buhay at dangal ng tao.

Ang paggalang sa buhay at karapatan ng bawat mamamayan,higit ang mga niyuyurakan ang buhay at karapatan ay pagpapahayag ng ating pananampalataya na makatarungan at tunay na kapayapaan na nagmumula sa Diyos na magpalaya na kasama ng mga dukhang api at pinagsasamantalahan.

Kaya malinaw na walang puwang ang pambobomba at anumang anyo ng dahas sa kalooban ng Diyos, na nakaugat sa katarungan, habag, at pangangalaga sa buhay.




08/01/2026
01/12/2025
29/11/2025
ANG KAPAHAYAGAN NG KASIMBAYAN – UTS SA PAGLABAN SA KORAPSYON! Sa gitna ng mga maanomalyang proyekto ng ating pamahalaan,...
29/11/2025

ANG KAPAHAYAGAN NG KASIMBAYAN – UTS SA PAGLABAN SA KORAPSYON!

Sa gitna ng mga maanomalyang proyekto ng ating pamahalaan, kami sa Kapatirang Simbahan para sa Bayan-UTS ay tumatayo bilang tinig ng katarungan at liwanag ng katotohanan, dala ang pag-ibig ng Diyos para sa bayang pagod na sa kasinungalingan at pang-aabuso ng iilang naghaharing uri sa ating lipunan. Nananawagan kami para sa isang mataas na pamantayan ng integridad, transparency, at pananagutan sa pamahalaan.

Tulad ni Propeta Amos sa kanyang panawagang; “Bumuhos ang katarungan na parang tubig,” buong tapang naming ipinahahayag: Ang katiwalian ay kasalanan laban sa Diyos at laban sa Bayan ng Diyos. Ito ay hindi lamang paglabag sa patakaran, kundi isang pag-atake sa tiwala, karapatan, at kinabukasan ng bawat mamamayan na dapat labanan at panagutin, walang puwang para sa pagtatago; walang lider o opisyal ang dapat palampasin.

Kaya kami, bilang tagapagdala ng mensahe ng katarungan at katapatan ay tumitindig kasama ang taong bayan kasabay ang panawagan na “ Panagutin ang lahat ng sangkot sa korupsyon mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang kawani ng pamahalaan.” Tinatanggap naming ang anumang uri ng korapsyon—ay labag sa batas ng bayan at ng Diyos.

Kaya hinikayat namin ang bawat mamamayan na sumama sa pagkilos sa darating na Nobyembre 30 sa Crossing, Calamba, upang bahain ng panawagan at protesta ang lansangan laban sa katiwalian at kawalan ng pananagutan sa ating pamahalaan.

Ito ay hakbang tungo sa radikal na transparency, pananagutan, at tunay na reporma sa ating lipunan. Higit sa lahat, ito ay pagsasabuhay ng ating pananampalataya na ang katarungan may katapatan ay uusbong, at ang katiwalian ay babagsak sa diwa at lakas ng nagkakaisang lakas sambayanan.





28/11/2025

Magkita-kita tayo sa pagkilos, ang pagbaha sa Crossing Calamba sa November 30!

nayan mga Kurakot!

Ngayong araw ay nagsagawa ang mga mag-aaral ng UTS, kasama ang KASAMA-LR, ng Wednesday Forum upang talakayin ang malawak...
26/11/2025

Ngayong araw ay nagsagawa ang mga mag-aaral ng UTS, kasama ang KASAMA-LR, ng Wednesday Forum upang talakayin ang malawakang korapsyon at katiwalian na patuloy na nagpapahirap sa sambayanang Pilipino.

Inilahad sa talakayan ang samu’t saring anyo ng kahirapan, pang-aabuso, at pang-aapi na nararanasan ng mamamayan, lalo na ng mga kababaihan, dahil sa kapabayaan at katiwalian ng iba’t ibang ahensya at mismong Estado.

Malinaw na ipinakita sa forum ang matinding epekto ng korapsyon sa mga pangunahing pangangailangan ng tao, ang pagkasira ng pang-ekonomiyang kalagayan, ang kawalan ng dekalidad na edukasyon, ang kakulangan sa serbisyong pangkalusugan, at ang pagkait sa maraming serbisyong dapat ibinibigay ng pamahalaan para sa ikabubuti ng lahat.

Sa kabuuan, nananawagan kami sa lahat na labanan ang korapsyon at panagutin ang mga tiwali. Inaanyayahan din ang bawat isa na lumabas sa ating mga komportableng kalagayan at makiisa sa malawakang pagkilos upang isigaw ang ating panawagan para sa buhay, kabuhayan, at karapatan.

Sama-sama tayong kikilos sa Nobyembre 30! Baha sa Crossing Calamba!



Ngayong araw, November 25, 2025, Ang kapatirang simbahan para sa Bayan Ay namahagi ng Debosyonal Polyeto "huwag Kang Kuk...
25/11/2025

Ngayong araw, November 25, 2025, Ang kapatirang simbahan para sa Bayan Ay namahagi ng Debosyonal Polyeto "huwag Kang Kukurap! Imulat ang iyong mata" sa SHS at College Student ng PCU.


Ang Kapatirang Simbahan para sa Bayan-UTS ay nakikiisa sa panaghoy at panawagan ng masa sa State of the Nation Address. ...
27/07/2025

Ang Kapatirang Simbahan para sa Bayan-UTS ay nakikiisa sa panaghoy at panawagan ng masa sa State of the Nation Address. Kinikilala ng KASIMBAYAN-UTS ang buhay na pananampalatayang nagsasapamuhay ng mga huwaran ni Jesus, na pangunahing nakatuon sa propetikong pagtatanyag ng katarungan para sa lahat ng may buhay.

Itinatanyag ang makatarungang buhay, ang sapat na sahod na nagbibigay dignidad, at tunay na malayang nagsasapamuhay ng karapatan. Buhay! Sahod! Karapatan!

Sa kasalukuyang krisis na hinaharap ng bayan dulot ng pananalasa ng bagyo, hindi katanggap-tanggap ang tinurang ito ay “New Normal” at “Hindi Emergency”. Ito bunga ng paniniil at pangangamkam ng lupang minana ng mga katutubo dulot ng pagkaganid ng mga nasa kapangyarihan. Walang ibang pinananagot kundi ang Gobyerno na siya dapat na lumilikha ng mga kapakipakinabang na proyekto para sa masa. Subalit pansariling kapakinabangan lamang ang pangunahing inaatupag. Hindi pansamantalang ayuda ang solusyon!
Climate Justice Now!

Iwinawaksi ang korapsyon at ang walang habas na paggamit ng kapangyarihan at posisyon ni Sara Duterte nang kaniyang lustayin ang kaban ng bayan. Impeach Sara Now!

Kamtin nawa ng bawat isa ang kalasag at sikhay ng matibay na paninindigan upang hamunin, iwaksi, at durugin ang tanikala ng mga sistemang mapang-api at lumalapastangan sa diwa ng buhay sa pamamagitan ng ating nagkakaisa at nagluluwal ng mga pag-asa at pagkilos tungo sa paghilom ng sangnilikha at pamumuhay sa katarungan.

"Sisigaw laban sa inyo ang mga bato ng pader, at aalingawngaw sa buong kabahayan. Mapapahamak kayo! Nagtatag kayo ng lunsod sa pamamagitan ng kasamaan; itinayo ninyo ang bayan sa pamamagitan ng pagpatay." (Habakkuk 2:11-12)

-KTR

Address

Dasmariñas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kasimbayan - UTS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share