Barangay Salitran Tres

Barangay Salitran Tres not active N/a

03/06/2025

ANNOUNCEMENT ‼️
Sa mga nais kumuha ng Barangay Clerance, magpunta lang po kayo sa Barangay Hall 2nd floor 8:30am-4:30pm.

🕊️
01/06/2025

🕊️

🙏 It is with deep sadness that we extend our heartfelt condolences to the family and friends of Kap. Raul A. Ballos, Kon...
31/05/2025

🙏 It is with deep sadness that we extend our heartfelt condolences to the family and friends of Kap. Raul A. Ballos, Konsi Marvin Cañete and Konsi “Pepe” Era.

May the Almighty God give you the strength to find comfort to the scripture of Psalm 46.1, "God is our refuge and strength, a very present help in trouble." 🕊️

27/05/2025

ANNOUNCEMENT ‼️

The Barangay Health Center will be open tomorrow, MAY 28, 2025 (Wednesday) 8am onwards for baby vaccinations only, as informed by our midwife.
Please be guided accordingly.

27/05/2025

PAGLILINAW UKOL SA MGA KUMAKALAT NA FAKE NEWS KAUGNAY NG INSIDENTE NOONG MAYO 26, 2025

Kami po sa Barangay Salitran 3 ay lubos na nalulungkot at nagdadalamhati sa malagim na insidenteng naganap noong Mayo 26, 2025, habang ginaganap ang flag raising ceremony, kung saan trahedyang nawala sa atin sina Kapitan Raul Ballos, Kagawad Marvin Cañete, at Kagawad Jose "Pepe" Era. Nasaktan din sa insidente ang aming SK Secretary.

Nais naming linawin ang ilang maling impormasyon na kasalukuyang kumakalat sa social media at iba't ibang plataporma. Ang suspek sa pamamaril ay isang Barangay Tanod na matagal nang naka-leave ng ilang buwan kahit walang Formal Letter na ibinibigay. Sa kabila ng kanyang hindi pagduduty, patuloy pa rin siyang pinapasahod ng Barangay bilang konsiderasyon sa kanyang kalagayang pangkalusugan at upang matulungan sa pagbili ng kanyang mga gamot.

Noong buwan ng Abril, isang pormal na resolusyon ang ipinasa para sa pagpapatupad ng "No Work, No Pay" Policy, na ipinaabot at ipinaliwanag sa lahat ng empleyado ng barangay, kabilang na ang nasabing Tanod. Sa kabila nito, pinagbigyan pa rin siya na tumanggap ng buong sahod hanggang katapusan ng Abril. Bukod pa rito, nakatanggap din siya ng buong Mid-Year Bonus. Nagpasa rin siya ng sulat na nagsasaad na hindi pa rin siya makakapasok sa tungkulin para sa buwan ng Mayo 1–31, 2025. Alam ng nasabing Tanod ang umiiral na polisiya sa Barangay.

Kaya't labis ang aming pagtataka at lungkot kung paanong humantong sa karahasang ito ang mga pangyayari. Anumang dahilan, hindi kailanman magiging tama ang pumatay ng kapwa.

Kami po ay nananawagan sa publiko na itigil na ang pagpapakalat ng maling impormasyon, pati na rin ang pag-post ng mga video at larawan ng mga biktima, bilang respeto sa mga naiwang pamilya at mahal sa buhay ng mga nasawi.

Nawa’y manatili ang katahimikan at respeto sa gitna ng aming pagluluksa.

Mula sa Pamahalaang Barangay ng Salitran 3

ANNOUNCEMENT ‼️Tuloy po bukas ang Operation Tuli na gaganapin sa Salitran 1 Covered Court (May 27, 2025)Ang stub po ay m...
26/05/2025

ANNOUNCEMENT ‼️

Tuloy po bukas ang Operation Tuli na gaganapin sa Salitran 1 Covered Court (May 27, 2025)

Ang stub po ay makukuha sa ating mga BHW sa mismong venue. Hanapin lamang po sina:

BHW Beng Lumayag

BHW Norie Estabillo

BHW Emilie Belmonte

BHW Rosemarie Dela Cruz

Paalala: Pumunta po kayo ng 7:00 AM.

Mga Batang Lalaki ng Barangay!
Ready na ba kayo para sa LIBRENG TULI?

Magpa-screening na tuwing Biyernes simula April 25, 2025,
9AM–5PM sa Barangay Health Center!

Para ito sa mga 12 taong gulang pataas
Huwag kalimutang isama si Nanay o si Tatay!

Operation Tuli: May 27, 2025 sa Salitran 1.

26/05/2025

ANNOUNCEMENT‼️
Sarado po muna ang Barangay Hall ng Salitran 3, wala munang transaction ng kahit ano, maghintay na lang po ng abiso kung kelan ulit magbubukas, salamat sa pang-unawa.

𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎!Ang Dasmariñas City Agriculture Office ay inaanyayahan ang lahat sa isinasagawang P20 Program ngayong...
15/05/2025

𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎!

Ang Dasmariñas City Agriculture Office ay inaanyayahan ang lahat sa isinasagawang P20 Program ngayong May 16, 2025 mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa Barangay Salitran III, Covered Court.
Sa ilalim ng P20 Program ay makabibili ng P20/kg ng bigas ang mga nabibilang sa Vulnerable Sector tulad ng Senior Citizen, PWD, Solo Parent at 4P's.

🥭 Galing sa Bukid, Diretso sa Inyong Mesa!
Manggang Kalabaw — sariwa, makatas, at ₱100,₱80,₱60/kilo lang!

Mga Paalala:
- Tanging ang mga kabilang sa "Vulnerable Sector" lamang ang maaaring makabili ng P20/kg na bigas na may minimum at maximum na 10 kg bawat bibili.
- Dalhin ang valid ID ng sektor na kinabibilangan para sa registration.
- Hinihikayat ang mga bibili na magdala ng lalagyan/ecobag at magbayad ng eksaktong halaga ng bibilhing bigas.





14/05/2025

Magandang umaga po sa inyong lahat!

Mayroon po tayong ka-barangay na nangangailangan ng dugo na si Joel Abonitalla, sa mga nais pong magdonate ng kanilang dugo paki-contact na lang ang kanyang anak na si Janna: 0915-973-1666. Maraming salamat po!

Address

Saint Anthony Village Excess Lot
Dasmariñas
4114

Telephone

+639354193945

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Salitran Tres posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Salitran Tres:

Share