26/04/2026
BLOOD LETTING DRIVE PARA SA DASMARINEÑO ❤️🩸
Matagumpay na naisagawa ang Blood Letting Drive na pinangunahan ng Association of Barangay Captains of the City of Dasmariñas, sa pamumuno ni ABC President Toto Cantimbuhan.
Dinaluhan din ang makabuluhang proyekto nina Vice Mayor Third Barzaga, BM Nickol Austria, at ng ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod, bilang suporta sa mga programang naglalayong palakasin ang kalusugan, bayanihan, at malasakit sa ating komunidad.
Lubos din ang pasasalamat sa Pagamutan ng Dasmariñas na nagsilbing medical team sa aktibidad, gayundin sa lahat ng barangay, volunteers, at blood donors na naglaan ng oras at dugo upang makatulong sa ating mga kababayang nangangailangan.
Sa bawat donasyon, may buhay na nabibigyan ng pag-asa. Patuloy po tayong magsama-sama para sa mas malusog, mas ligtas, at mas mapagmalasakit na Lungsod ng Dasmariñas.
❤️🩷💚💙🧡💜