20/08/2026
🌧️ 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐈𝐋𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐆𝐘𝐎 𝐀𝐓 𝐇𝐀𝐁𝐀𝐆𝐀𝐓, 𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎 𝐀𝐘 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘!
Imus Cavite- Sa kabila ng bagyo at malakas na habagat, matagumpay na isinagawa ng DOLE Cavite Provincial Office, sa pangunguna ni Provincial Director Marivic B. Martinez, ang TUPAD Payout para sa mga benepisyaryo sa Imus City, Cavite ngayong araw Agosto 20,2026!
559 TUPAD benepisyaryo ang nakatanggap ng kanilang sahod para sa 10 araw na pagtratrabaho, na may ₱3,354,000.00 kabuuang payout
Sa mensahe ni PD Marivic, binigyang-diin niya na gamitin sa tama ang pinaghirapang sahod "𝘐𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘨𝘢𝘮𝘪𝘵𝘪𝘯 𝘱𝘰 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺𝘢, 𝘱𝘢𝘮𝘣𝘪𝘭𝘪 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘮𝘣𝘢𝘺𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘭𝘭𝘴"
Kasabay nito binigyang diin ni PD Marivic ang kahalagahan ng tapat na pagtupad sa itinakdang gawain dahil ang TUPAD ay trabaho hindi ayuda lamang
Sa kabila ng hamon ng panahon, patuloy ang serbisyo ng DOLE para sa mga manggagawa. Alinsunod sa mga direktiba ni Labor Secretary Francis N. Tolentino, patuloy na isinusulong ng DOLE ang maayos, tapat, malinaw, at makabuluhang pagpapatupad ng TUPAD para sa mga kwalipikadong manggagawa.
Bagyo man o habagat, serbisyo para sa manggagawa, tuloy! 🇵🇭💙