FASU Dasmariñas

FASU Dasmariñas Official Page of the Functionality Assessment Support Unit of the City Government of Dasmariñas

Happy Birthday, John Mar! 🥳May God continue to bless you abundantly with good health, wisdom, joy, and success. May He g...
27/08/2026

Happy Birthday, John Mar! 🥳

May God continue to bless you abundantly with good health, wisdom, joy, and success. May He guide you in every step you take and bless the work of your hands. May this new year of your life be filled with answered prayers, new opportunities, and beautiful blessings.

Have a blessed and joyful birthday! 🙏✨

𝗥𝗜𝗡 𝗼 𝗗𝗜𝗡? 𝗔𝗹𝗮𝗺 𝗺𝗼 𝗯𝗮 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗮𝗹𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁𝗶𝗻?Parehong nangangahulugang “also” o “too” ang “rin” at “din,” pero may...
27/08/2026

𝗥𝗜𝗡 𝗼 𝗗𝗜𝗡? 𝗔𝗹𝗮𝗺 𝗺𝗼 𝗯𝗮 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗮𝗹𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁𝗶𝗻?

Parehong nangangahulugang “also” o “too” ang “rin” at “din,” pero may simpleng tuntunin kung kailan ginagamit ang bawat isa.

Tama ba ang paggamit mo ng “rin” at “din”? Tara, alamin natin!

Nakuha mo ba ang lahat ng tamang sagot? I-comment ang iyong score sa ibaba! 👇




26/08/2026

📢 ARTA AWARENESS | KNOW YOUR RIGHTS AS A GOVERNMENT CLIENT 🇵🇭

Alam mo ba ang iyong mga karapatan bilang government client? 🤔

Sa bawat pakikipag-transact sa isang government office, mahalagang alam mo kung ano ang dapat mong malaman at asahan.

📝 Know the Requirements – I-check ang Citizen’s Charter para malaman ang kumpletong requirements at proseso.

⏰ Know the Processing Time – Alamin ang prescribed processing time para sa iyong transaction.

💰 Know the Fees – Dapat malinaw sa iyo ang official fees na kailangang bayaran, kung mayroon man.

🤝 Receive Courteous Service – Karapatan mong makatanggap ng maayos, magalang, at professional na serbisyo.

🔎 Get Clear Information – Dapat malinaw at accessible ang impormasyon tungkol sa government services at procedures.

📢 Give Feedback – Ang iyong feedback, suggestions, at experience ay mahalaga sa patuloy na pagpapabuti ng serbisyo publiko.

✨ Be informed. Know your rights. Help improve public service!

Republic Act No. 11032 – Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018
Implementing Rules and Regulations of RA No. 11032 and relevant ARTA issuances.

25/08/2026

Araw-araw tayong nakikipagkomunikasyon sa bahay, paaralan, opisina, at social media. Sa tulong ng Artificial Intelligence (AI), mas napapadali ang pagsasalin, pagbuo ng dokumento, at pagpapaliwanag ng impormasyon.

Ngunit hindi lamang bilis ang mahalaga. Dapat ay malinaw, tama, at madaling maunawaan ang mensahe. Sa paggamit ng Wikang Filipino, mas nagiging accessible ang impormasyon sa mas maraming Pilipino.

Maaaring gamitin ang AI sa pagpapasimple ng mga teknikal na termino, pagsasalin, at pagbuo ng draft ng anunsyo. Ngunit laging suriin ang resulta bago gamitin o ibahagi.

Bago magbahagi ng anumang mensaheng ginawa o tinulungan ng AI, ugaliing itanong sa sarili:

✔️ Malinaw ba ang mensahe?
✔️ Tama ba ang impormasyon?
✔️ Angkop ba ang wika sa aking mambabasa?
✔️ May paggalang at malasakit ba sa mga taong makababasa nito?

Ang AI ay makatutulong sa pagpapabilis ng komunikasyon, ngunit ang tao pa rin ang may pananagutan sa katumpakan, pagiging malinaw, at pagiging makatao ng bawat mensaheng ibinabahagi. Sa wastong paggamit ng AI at Wikang Filipino, mas nagiging epektibo ang komunikasyon at mas naaabot ng tama at malinaw na impormasyon ang bawat mamamayan.




24/08/2026

Magandang araw muli, mga kaibigan! Noong nakaraang linggo ay ibinahagi namin sa aming page ang batas kung saan nakasalig ang Filipino bilang ating wikang pambansa. Hindi na marahil isyu sa atin kung mahalaga ba o hindi ang magkaroon ng iisang wikang kinikilala sa bawat isang bansa. Batid na nating kailangan ito.

Sa video na ito, ating pagnilayan ang kahalagahan ng wika bilang daan ng pagkakaunawaan at pagkakaisa. Tara, panoorin natin!




24/08/2026
24/08/2026

The COMPLETE LIST of QUALIFIED 2026 GAWAD KARANGALAN AWARDEES FOR ELEMENTARY & SECONDARY LEVEL is now available online.

Link: https://bit.ly/GawadKarangalan2026
or scan the QR code

Onward, Forward, Dasmarineño Achievers!



17/08/2026

Mga kakababayan nais kong ipaalam na may mga taong nag-iikot at namimigay ng ganitong stub. HINDI ITO TOTOO AT BAWAL ITO. May sumisira lang sa kampanya ng inyong lingkod. Iniimbestigahan na ng ating kapulisan ang mga nahuling namimigay ng stubs. Kung may malalaman kayo hinggil dito, ipaabot lamang sa ating mga kapitan o kapulisan.

Maraming salamat po!

14/08/2026

HEALTHY TIPS FRIDAY!🏋️‍♂️

SIMULAN ANG ARAW NG TAMA!✅

Bago natin salubungin ang weekend, siguraduhin muna nating panalo ang ating umaga! Alam mo ba na ang unang 30-60 minuto pagkagising mo ang nagtatakda ng mood at energy mo para sa buong araw?🤔

📝Ayon kay Liska D. 2019, kahit ang mild dehydration pagkagising ay direktang nakakaapekto sa mood, pag-iisip, at alertness, kaya mahalagang uminom agad ng tubig sa umaga.

📝Sa pag-aaral ni Wheeler M.J. 2019, Napatunayan na ang maikling ehersisyo sa umaga (morning exercise) ay nagpapaganda ng executive function (memory, decision-making, at focus) sa buong araw kumpara sa hindi nag-eehersisyo.

📝Ayon kay Mead M. D. 2020, ang liwanag ng araw sa umaga ang pangunahing nagse-set ng ating circadian rhythm (body clock), dahil nagpapadala ito ng signal sa utak para maglabas ng cortisol para magising ka, at nagse-set ng timer para sa paglabas ng melatonin sa gabi para sa masarap na tulog.

📝Sa isinagawang pag-aaral nina Hughes N. at Burke J. 2018, Pinatunayan na ang paggamit ng smartphone bago matulog at agad pagkagising ay nagdudulot ng mataas na antas ng morning anxiety at pagkasira ng sleep quality.

✅Narito ang apat (4) na simpleng gawain pagkagising para sa mas malakas at masiglang katawan:

1. Uminom ng isang basong tubig
2. Mag-stretch at mag-light exercise (10-15 Mins)
3. Paarawan ang sarili sa sikat ng araw
4. Huwag Muna Mag-scroll sa Cellphone

📍Tandaan:
Ang kalusugan ay hindi lang tungkol sa kinakain mo, kundi sa kung paano mo inaalagaan ang sarili mo araw-araw.

Ikaw, ano ang No. 1 routine mo pagkagising sa umaga? I-share mo naman sa comments section! 👇





Address

Dasmariñas
4114

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63464814660

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when FASU Dasmariñas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to FASU Dasmariñas:

Shortcuts

Share