San Lorenzo Ruiz 1 Public Information and Tulong Desk

San Lorenzo Ruiz 1 Public Information and Tulong Desk Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from San Lorenzo Ruiz 1 Public Information and Tulong Desk, Government Organization, Barangay Hall, Barangay San Lorenzo Ruiz 1, Dasmariñas.

This page is maintained under Resolution No. 02-S-2026 of the Sangguniang Barangay of San Lorenzo Ruiz 1 as a non-partisan Public Information and Tulong Desk for official announcements and general assistance, compliant with RA 10173.

Pinagtibay ng Sangguniang Barangay San Lorenzo Ruiz 1 ang resolusyon na naglalatag ng mga alituntunin sa paggamit ng Cov...
04/03/2026

Pinagtibay ng Sangguniang Barangay San Lorenzo Ruiz 1 ang resolusyon na naglalatag ng mga alituntunin sa paggamit ng Covered Court (Cluster E) at Open Court (Cluster F) upang mapanatili ang kaayusan, kalinisan, at maayos na paggamit ng ating mga pasilidad pang-sports.

Layunin nito na maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa paggamit ng court, maprotektahan ang mga pasilidad ng barangay, at masigurong lahat ay may patas na pagkakataong magamit ito.

Ang mga pangunahing panuntunan ay inilagay na rin sa tarpaulin sa loob ng covered court bilang paalala sa lahat ng gagamit ng pasilidad.

Sama-sama po nating pangalagaan ang ating mga pasilidad para sa kapakinabangan ng buong komunidad. 🏀 🏐

📣 PAANYAYA SA ATING MGA KABARANGAYSa pakikipagtulungan ng Langkaan Matikas Eagles Club, magkakaroon po tayo ng Medical &...
28/02/2026

📣 PAANYAYA SA ATING MGA KABARANGAY

Sa pakikipagtulungan ng Langkaan Matikas Eagles Club, magkakaroon po tayo ng Medical & Maintenance Supply Distribution para sa mga kwalipikadong Senior Citizens ng Brgy. San Lorenzo Ruiz 1, at pamimigay din ng iba’t ibang laruan para sa mga bata.

🗓 Pebrero 28, 2026 (Sabado)
🕓 4:00 PM
📍 Cluster F Covered Court, Brgy. San Lorenzo Ruiz 1, Lungsod ng Dasmariñas, Cavite

Inaanyayahan po ang mga kuwalipikadong benepisyaryo na makiisa at makibahagi sa programang ito. Ang layunin ng gawaing ito ay makatulong at makapaghatid ng serbisyong may malasakit sa komunidad, anuman ang paniniwala o kinabibilangang grupo.

Sama-sama po nating isulong ang diwa ng pagtutulungan at malasakit sa isa’t isa para sa kapakanan ng ating barangay.

PUBLIC HEARING ON PROPOSED ORDINANCES RELATING TO KOLEHIYO NG LUNGSOD NG DASMARIÑAS AND GAWAD KARANGALANThe City of Dasm...
12/02/2026

PUBLIC HEARING ON PROPOSED ORDINANCES RELATING TO KOLEHIYO NG LUNGSOD NG DASMARIÑAS AND GAWAD KARANGALAN

The City of Dasmariñas held a public hearing today at the Socio-Economic Building on ordinances relating to Kolehiyo ng Lungsod ng Dasmariñas and Gawad Karangalan. Spearheaded by City Vice Mayor Elpidio A. Barzaga III, together with the Sangguniang Panlungsod Members, the session was graced by City Administrator Engr. Madelaine Lara, KLD President/College Administrator Dr. Juanito O. Cabanias, Jr., HOA Affairs OIC Mr. Daniel Jake Padar, and DepEd Schools Division Superintendent Dr. Elias Alicaya, Jr. A collaborative effort towards strengthening education and recognition in the city.


Love is in the air! 💕Are you ready to begin your forever with the one you love this Valentine’s Day?The City Government ...
12/02/2026

Love is in the air! 💕
Are you ready to begin your forever with the one you love this Valentine’s Day?

The City Government of Dasmariñas invites couples to join Mass Wedding 2026: Forever in Love—a celebration of love, commitment, and new beginnings.

Interested couples are kindly requested to follow the guidelines for participation.

Applications must be submitted to the Office of the City Civil Registrar.


𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗚𝗔 𝗕𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗧𝗜-𝗘𝗣𝗔𝗟 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗬?Ang Anti-Epal Policy ay isang patakaran ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗶𝗼𝗿 𝗮𝗻𝗱 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲...
04/02/2026

𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗚𝗔 𝗕𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗧𝗜-𝗘𝗣𝗔𝗟 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗬?

Ang Anti-Epal Policy ay isang patakaran ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗶𝗼𝗿 𝗮𝗻𝗱 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗗𝗜𝗟𝗚) na 𝗻𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝘄𝗮𝗹 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻, 𝗹𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻, 𝗼 𝗺𝘂𝗸𝗵𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗼𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻 sa mga proyektong pinondohan ng gobyerno.

📌 Ibig sabihin nito:

Hindi dapat ginagamit ang pera ng bayan para sa personal na promosyon o pagpapabida ng sinumang opisyal.

Sa ilalim ng patakarang ito:

❌ Bawal ang pangalan at larawan ng opisyal sa tarpaulin, signage, marker, at iba pang materyales ng proyekto
❌ Bawal gawing “credit” ng isang tao ang proyektong pinondohan ng publiko
✅ Ang dapat makita ay ang ahensya o institusyon, hindi ang indibidwal

🎯 Layunin ng Anti-Epal Policy:

• Panatilihin ang neutralidad at propesyonalismo sa serbisyo publiko
• Tiyakin na ang mga proyekto ng gobyerno ay para sa mamamayan, hindi para sa politika
• Ipaalala na ang serbisyo publiko ay tungkulin, hindi personal na karangalan

Sa madaling salita,
👉 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻
👉 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗼𝗻𝗱𝗼 𝗮𝘆 𝗴𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻
👉 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗿𝗲𝗱𝗶𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻

Para sa kaalaman at gabay ng lahat.

Magandang araw mga ka-barangay ng SLR1!Alinsunod sa 𝘔𝘦𝘮𝘰𝘳𝘢𝘯𝘥𝘶𝘮 𝘊𝘪𝘳𝘤𝘶𝘭𝘢𝘳 𝘕𝘰. 2026-006 ng Department of the Interior and L...
04/02/2026

Magandang araw mga ka-barangay ng SLR1!

Alinsunod sa 𝘔𝘦𝘮𝘰𝘳𝘢𝘯𝘥𝘶𝘮 𝘊𝘪𝘳𝘤𝘶𝘭𝘢𝘳 𝘕𝘰. 2026-006 ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na kilala bilang 𝗔𝗻𝘁𝗶-𝗘𝗽𝗮𝗹 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝘆, inaatasan ang lahat ng lokal na pamahalaan na alisin ang mga pangalan at larawan ng mga opisyal sa mga dokumento at proyektong pinopondohan ng pamahalaan.

Bilang pagsunod sa nasabing patakaran, inalis ng Pamahalaan ng Barangay San Lorenzo Ruiz I ang mga pangalan ng mga opisyal sa mga dokumento tulad ng 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗹𝗲𝗮𝗿𝗮𝗻𝗰𝗲 at 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗲𝗿𝘁𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻.

Layunin nito na mapanatili ang neutralidad, propesyonalismo, at pagsunod sa umiiral na alituntunin ng pamahalaan.

📣 PAANYAYA SA MGA BOTANTE🗳️ HALALAN 2026Barangay at Sangguniang Kabataan (SK)🔔 MAHALAGANG PAALALAInaanyayahan ang mga bo...
02/02/2026

📣 PAANYAYA SA MGA BOTANTE

🗳️ HALALAN 2026
Barangay at Sangguniang Kabataan (SK)

🔔 MAHALAGANG PAALALA
Inaanyayahan ang mga botanteng hindi na aktibo, naalis sa voters list, o may kailangang ilipat ng presinto o itama ang personal na detalye, na magtungo sa COMELEC registration activities sa mga petsa at lugar na nakasaad sa ibaba.



📅 ISKEDYUL NG VOTERS REGISTRATION

📍 Pebrero 02–07, 2026
Salawag – Dasma 4 Covered Court
🕗 8:00 AM – 3:00 PM

📍 Pebrero 09–14, 2026
Salawag – Central B Covered Court
🕗 8:00 AM – 3:00 PM

📍 Pebrero 16–18, 2026
Burol Main – Amaris PH2 Clubhouse / DLSU Area
🕗 8:00 AM – 3:00 PM

📍 Pebrero 19–21, 2026
Salitran 3 – Covered Court
🕗 8:00 AM – 3:00 PM

📍 Pebrero 23–24, 2026
San Mateo – Covered Court
🕗 8:00 AM – 3:00 PM

📍 Pebrero 25–26, 2026
San Francisco 1
🕗 8:00 AM – 3:00 PM

📍 Pebrero 27–28, 2026
Sampaloc 3 – Covered Court
🕗 8:00 AM – 3:00 PM



👤 SINO ANG MAAARING MAGPAREHISTRO?

✅ Barangay Elections
• 18 taong gulang pataas sa araw ng halalan

✅ Sangguniang Kabataan (SK)
• 15 hanggang 30 taong gulang



📑 MGA DAPAT DALHIN

✔️ Isang (1) valid ID na may pangalan, litrato, at pirma
(National ID, Passport, Driver’s License, School ID, o anumang government-issued ID)

✔️ Photocopy ng ID
✔️ Sariling itim na bolpen

🔹 Kung walang valid ID:
• Barangay Certification na may litrato at pirma



🗳️ Makilahok sa halalan. Siguraduhing rehistrado at updated ang iyong impormasyon para sa Eleksyon 2026.

𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬Ipinabatid sa kaalaman ng lahat na ang Sangguniang Barangay ng San Lorenzo Ruiz I ay nagp...
02/02/2026

𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬

Ipinabatid sa kaalaman ng lahat na ang Sangguniang Barangay ng San Lorenzo Ruiz I ay nagpatibay ng dalawang (2) Kapasyahan noong ika-29 ng Enero 2026 bilang tugon sa mga usaping may kinalaman sa Katarungang Pambarangay.

🔹 𝗞𝗮𝗽𝗮𝘀𝘆𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗕𝗹𝗴. 𝟬𝟲-𝗦-𝟮𝟬𝟮𝟲
– nagsisilbing unang hakbang ng Konseho upang tiyakin ang maayos na pangangasiwa, pangangalaga ng mga pasilidad, at ang wastong pamamahala ng mga opisyal na rekord ng barangay, gayundin ang pagsunod sa tamang proseso ng pagsisiyasat alinsunod sa umiiral na batas.

🔹 𝗞𝗮𝗽𝗮𝘀𝘆𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗕𝗹𝗴. 𝟬𝟳-𝗦-𝟮𝟬𝟮𝟲
– nagbibigay ng full authority sa Acting Punong Barangay / Officer-in-Charge (OIC) upang pangunahan ang masusing imbestigasyon at angkop na legal na hakbang kaugnay ng mga usaping may kinalaman sa pangangasiwa ng Tanggapan ng Katarungang Pambarangay.

Nililinaw na ang mga kapasyahang ito ay bahagi ng institusyonal na tungkulin ng Sangguniang Barangay upang mapanatili ang kaayusan, pananagutan, at tiwala ng mamamayan, at hindi naglalaman ng paghatol laban kaninuman.

📌 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘰 𝘮𝘶𝘯𝘢 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘴𝘬𝘪𝘭 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘦𝘬𝘴𝘵𝘰 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘒𝘢𝘱𝘢𝘴𝘺𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘯𝘢𝘵𝘪𝘭𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘵𝘦𝘨𝘳𝘪𝘥𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘰𝘴𝘦𝘴𝘰, 𝘮𝘢𝘪𝘸𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘵𝘦𝘳𝘱𝘳𝘦𝘵𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯, 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘴𝘪𝘨𝘶𝘳𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘵𝘢𝘴 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘢𝘺𝘰𝘴 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘪𝘴𝘪𝘺𝘢𝘴𝘢𝘵 𝘢𝘭𝘪𝘯𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘵𝘢𝘴.

Ang opisyal na kopya ng mga Kapasyahan ay naisumite na sa mga kinauukulang tanggapan para sa tamang kaalaman at kaukulang aksyon.

Para sa kaalaman ng lahat.

📢 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡𝗦 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗟𝗢𝗥𝗘𝗡𝗭𝗢 𝗥𝗨𝗜𝗭 𝗜Ipinababatid po sa mga Senior Citizen na residente ng Baranga...
30/01/2026

📢 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡𝗦 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗟𝗢𝗥𝗘𝗡𝗭𝗢 𝗥𝗨𝗜𝗭 𝗜

Ipinababatid po sa mga Senior Citizen na residente ng Barangay San Lorenzo Ruiz I na may birthday nitong January 2026 na may gaganaping Distribution of Birthday Cash Gift mula sa City of Dasmariñas – CSWDO.

📅 Pebrero 3, 2026
⏰ 8:00 AM – 11:00 AM
📍 San Luis II Covered Court

📌 Mahahalagang Paalala:
✔ Para lamang sa Senior Citizens
✔ May birthday sa January 2026
✔ Dalhin ang Senior Citizen ID

Mangyaring ipaalam din ito sa mga kakilalang senior citizens.

Para sa kaalaman at gabay ng lahat.

📢 𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 | 𝗦𝗔𝗡 𝗟𝗢𝗥𝗘𝗡𝗭𝗢 𝗥𝗨𝗜𝗭 𝗜Ipinababatid po sa lahat na pansamantalang hindi muna pinahihintulutan ang pagpapa-reserve...
30/01/2026

📢 𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 | 𝗦𝗔𝗡 𝗟𝗢𝗥𝗘𝗡𝗭𝗢 𝗥𝗨𝗜𝗭 𝗜

Ipinababatid po sa lahat na pansamantalang hindi muna pinahihintulutan ang pagpapa-reserve at paggamit ng Cluster E Covered Court dahil sa gaganaping Chess Tournament na nakatakda sa Linggo, Pebrero 1, 2026.

Bilang bahagi ng paghahanda para sa nasabing aktibidad, ang venue ay ihahanda simula Sabado ng hapon, Enero 31, 2026.

Humihingi po kami ng paumanhin sa anumang abalang maaaring idulot nito at nagpapasalamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Para sa kaalaman at gabay ng lahat.

Ang page na ito ay nagsisilbing opisyal na daluyan ng impormasyon ng 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝗮𝗻 𝗟𝗼𝗿𝗲𝗻𝘇𝗼 𝗥𝘂𝗶𝘇 𝗜. Para sa anunsyo, gabay...
26/01/2026

Ang page na ito ay nagsisilbing opisyal na daluyan ng impormasyon ng 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝗮𝗻 𝗟𝗼𝗿𝗲𝗻𝘇𝗼 𝗥𝘂𝗶𝘇 𝗜. Para sa anunsyo, gabay, at koordinasyon lamang, alinsunod sa umiiral na batas at patakaran.

Opisyal na ipinatutupad ang 𝗞𝗮𝘂𝘁𝘂𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗯𝗼 𝗕𝗹𝗴. 𝟬𝟭–𝟮𝟬𝟮𝟲 na nagtatakda ng pamamahala at operasyon ng 𝗦𝗮𝗻 𝗟𝗼𝗿𝗲𝗻𝘇...
26/01/2026

Opisyal na ipinatutupad ang 𝗞𝗮𝘂𝘁𝘂𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗯𝗼 𝗕𝗹𝗴. 𝟬𝟭–𝟮𝟬𝟮𝟲 na nagtatakda ng pamamahala at operasyon ng 𝗦𝗮𝗻 𝗟𝗼𝗿𝗲𝗻𝘇𝗼 𝗥𝘂𝗶𝘇 𝗜 – 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗜𝗻𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 & 𝗧𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗗𝗲𝘀𝗸.

Layunin ng kautusang ito na tiyakin ang 𝗺𝗮𝗹𝗶𝗻𝗮𝘄, 𝘁𝗮𝗽𝗮𝘁, at 𝗻𝗲𝘂𝘁𝗿𝗮𝗹 na pagbibigay ng impormasyon sa barangay.

Para sa kaalaman ng lahat ng mamamayan.

Address

Barangay Hall, Barangay San Lorenzo Ruiz 1
Dasmariñas
4114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Lorenzo Ruiz 1 Public Information and Tulong Desk posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share