DOH Bicol CHD

DOH Bicol CHD Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DOH Bicol CHD, Government Website, Bagtang, Daraga.

06/09/2026

‼️DOH: SUNDIN ANG 4Ts—TAOB, TAKTAK, TUYO, AT TAKIP, PARA IWAS DENGUE‼️




05/09/2026

⚠️ PANGANIB NG DENGUE! ⚠️

🦟 Karaniwang nangingitlog ang mga lamok sa mga naiiwan at naiipong tubig sa mga nakatiwangwang na lalagyan, kaya mahalagang regular na suriin ang ating paligid.

🦟 Huwag hayaang maging pamugaran ng lamok ang ating tahanan. Ugaliing tingnan, linisin, at ayusin ang mga lalagyan at lugar na maaaring kapitan o maipunan ng tubig.

🦟 Panatilihing nakataob ang mga lalagyang hindi ginagamit at tiyaking walang naiiwang tubig na maaaring pamugaran ng lamok.

Maliit na gawain, malaking proteksyon. Sa simpleng paglilinis at pag-aalis ng mga posibleng pamugaran ng lamok, nakatutulong tayo sa pag-iwas sa dengue.

🚫 Kapag walang lamok, walang dengue!


DOH: MAGING ALERTO SA MGA SINTOMAS NG DENGUE—MAGPA-KONSULTA AGAD!Patuloy ang pag-ulan sa iba't ibang bahagi ng bansa, ka...
04/09/2026

DOH: MAGING ALERTO SA MGA SINTOMAS NG DENGUE—MAGPA-KONSULTA AGAD!

Patuloy ang pag-ulan sa iba't ibang bahagi ng bansa, kaya mahalagang maging mapagmatyag sa mga sintomas ng dengue. Huwag ipagwalang-bahala ang mga senyales nito, tulad ng lagnat, pananakit ng katawan o kalamnan, panghihina, pagsusuka, pagdurugo ng gilagid o ilong, at pantal.

Kung may ganitong sintomas, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center o health facility para sa tamang pagsusuri at gamutan. Ang maagang pagpapatingin ay mahalaga upang maiwasan ang malubhang komplikasyon.

Patuloy ding gawin ang 4Ts: Taob, Taktak, Tuyo, at Takip upang maiwasan ang pagdami ng lamok.




DOH: MAGING ALERTO SA MGA SINTOMAS NG DENGUE—MAGPA-KONSULTA AGAD!

Detalye sa comment section.




04/09/2026

💡 IWAS DENGUE TIP 🦟

Maaaring dumami ang mga lamok na nagdadala ng dengue dahil sa mga naipong tubig sa paligid ng bahay at komunidad.

Kaya naman, mahalagang regular na linisin ang mga lugar at lalagyang maaaring pamugaran o pangitlugan ng lamok upang makatulong sa pag-iwas sa dengue.

Ugaliing isabuhay ang 4Ts:

✅ Taob
✅ Taktak
✅ Tuyo at
✅ Takip

Upang maiwasan ang pagdami ng lamok at mga posibleng pamugaran nito.

Sa sama-samang pagkilos, makatutulong tayo na mabawasan ang panganib ng dengue at maprotektahan ang ating pamilya at komunidad.

Dahil kung walang lamok, walang dengue.



04/09/2026

DOH: PROTEKTAHAN ANG SARILI LABAN SA DENGUE

Hindi lang kapaligiran ang dapat protektahan—simulan din sa sarili! Iwasan ang kagat ng lamok sa pamamagitan ng pagsusuot ng damit na nakatakip sa balat, paggamit ng mosquito repellent, at pag-iwas sa mga lugar na maraming lamok.

Kasabay nito, huwag kalimutang gawin ang 4Ts—Taob, Taktak, Tuyo, Takip upang mabawasan ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok.

Protektahan ang sarili, pamilya, at komunidad. Sama-sama tayong kontra dengue!




DOH: ISANG ARAW NA LANG, MAGPABAKUNA SA MR-SIA!Protektahan ang mga batang edad 6–59 na buwan sa pamamagitan ng pagpapaba...
04/09/2026

DOH: ISANG ARAW NA LANG, MAGPABAKUNA SA MR-SIA!

Protektahan ang mga batang edad 6–59 na buwan sa pamamagitan ng pagpapabakuna laban sa tigdas at tigdas-hangin sa MR-SIA.

Tandaan na ang MR-SIA ay hindi kapalit ng routine immunization.

Dalhin na ang inyong anak sa pinakamalapit na health center, BHS, ospital, o itinalagang vaccination post sa inyong komunidad.

Magpabakuna Na!



TINGNAN: Sa mga naitatalang kaso ng dengue sa Rehiyong Bicol, isinagawa ng Department of Health Bicol Center for Health ...
03/09/2026

TINGNAN: Sa mga naitatalang kaso ng dengue sa Rehiyong Bicol, isinagawa ng Department of Health Bicol Center for Health Development, sa pangunguna ni Mr. John Dominic Bolunia, National Aedes-Borne Viral Disease Prevention and Control Program Manager, ang isang Dengue Orientation upang palakasin ang kaalaman at kahandaan ng mga kawani ng Kagawaran sa pagkilala, pag-iwas, at pagtugon sa dengue.

Sa pamamagitan ng orientation na isinagawa ngayong September 3, 2026, binigyang-diin ang kahalagahan ng maagang pagkilala sa mga sintomas, tamang pag-aalaga, at agarang pagpapatingin upang maiwasan ang malubhang komplikasyon.

Pero ang laban sa dengue ay hindi lamang responsibilidad ng mga health worker. Ang bawat isa mula sa mga indibidwal, bawat pamilya, at komunidad ay may mahalagang gampanin.

🔎 Search and Destroy ng mga pinamumugaran ng lamok

🧴Self Protection gamit ang mosquito repellant at ibang pang paraan

🩺 Seek Early Consultation kapag may naramdamang sintomas

🌫️ Support fogging lamang sa mga lugar na may outbreak at ayon sa rekomendasyon nh health authorities

Huwag hintaying magkaroon ng outbreak. Huwag hintaying lumala bago kumilos. Sama-sama nating palakasin ang laban kontra dengue!


DOH: MAGING MAPAGMATYAG AT SUGPUIN ANG MGA POSIBLENG PAMUGARAN NG LAMOK!
03/09/2026

DOH: MAGING MAPAGMATYAG AT SUGPUIN ANG MGA POSIBLENG PAMUGARAN NG LAMOK!





DOH: HINDI LAHAT NG NARARAMDAMAN PAGKATAPOS MABAKUNAHAN AY DULOT NG BAKUNAMaraming posibleng dahilan kung bakit maaaring...
03/09/2026

DOH: HINDI LAHAT NG NARARAMDAMAN PAGKATAPOS MABAKUNAHAN AY DULOT NG BAKUNA

Maraming posibleng dahilan kung bakit maaaring magkaroon ng sintomas o kondisyon ang isang bata. Mahalagang masuri nang maayos ang mga naiulat na kondisyon upang malaman kung may kaugnayan nga ito sa bakuna at matukoy ang posibleng sanhi.

Magtanong at kumuha ng tamang impormasyon mula sa healthcare workers.

Protektahan ang inyong anak laban sa tigdas at tigdas-hangin. Magpabakuna na!



Address

Bagtang
Daraga
4501

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DOH Bicol CHD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DOH Bicol CHD:

Shortcuts

Share