01/11/2025
Walk the Talk bangs... huwag kang paasa
PH GETS MAJOR INVESTMENTS DURING THE SIDELINES OF APEC 2025
Nakakuha ng malalaking kasunduan si Pres. Bongbong Marcos kasabay ng kanyang pagdalo sa 32nd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa Gyeongju, South Korea.
Kabilang dito ang shipbuilding giant na Hanwha Ocean, na susuporta sa Philippine Navy Submarine Program at magbibigay ng training, technology transfer at partnership para mapalakas ang self-reliant defense capability ng bansa.
Nakipagpulong din ang Pangulo sa DL Group, isang energy company na makikipagtulungan sa Meralco para sa compact nuclear plant projects.
Kasama rin ang pakikipag-ugnayan sa Samsung Electro-Mechanics Philippines Corporation (SEMCO), na magpapalawak ng operasyon sa Calamba, Laguna at inaasahang lilikha ng higit 3,000 trabaho para sa mga Pilipinong engineer at technician.