15/03/2026
Taos-pusong pasasalamat at galak ang aming nararamdaman sa tagumpay na ito ng Daro Elementary School sa Regional Schools Press Conference – School Paper-Based Competition.
School Paper - DARO
📍2nd Place - Pag-aanyo at Pagdidisenyo
📍5th Place - Pahinang Agham at Teknolohiya
Maraming salamat sa lahat ng tumulong at sumuporta sa aming publikasyon lalo na sa buong suporta at gabay ng aming punongguro, Ma’am Jezebel S. Boquida, Daro ES Teaching & Administrative Staff, sa mga stakeholders, sa aming mahusay na lay-out artist, Sir Angelo Cagbabanua, kay Sir Roderick Luna na nagbahagi ng kanyang kaalaman at kay Sir Jay Sagario sa pag-aasikaso ng aming Turnitin.
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa patnubay at suporta ng aming Superbisor ng Distrito Sir Jimmy Gahuman at mga Superbisor ng Dibisyon lalong-lalo na kina Dr. Analisa Bagarinao, Sir Lindo Adasa Jr., Ma’am Ma. Perga Cadiente, Ma’am Ruby Paguntalan at pati na rin sa aming Pangulo ng Pamamahayag ng Dibisyon Ma’am Louida Empeynado.
Higit sa lahat, buong-puso kaming nagpapasalamat sa Diyos sa biyayang ito. Sa aming unang pagsali, nakamit namin ang Top 5 sa dalawang kategorya at naging NSPC Qualifier — isang malaking tagumpay na hindi sana namin makakamit kung wala ang tulong at suporta ng bawat isa.
Congratulations DARO at sa buong komunidad ng Daro ES.✨❤️🎉